Dream.

14 0 0
                                    

Gumising na ako ng maaga para pumasok sa school kahit magang-maga mata ko.

Tinignan ko muna sarili ko salamin,bago maligo.Habang naliligo ako bigla na lang sumanggi sa isip ko yung nangyari kagabi.

*Flashback*

"Im breaking up with you"sambit niya habang naglalakad kami pauwi galing sa park.

"Masamang biro yan babe ah,di ako natutuwa" sagot ko habang nakakapit sa braso niya.

"Di ako nagbibiro,wala na akong nararamdaman sayo para bang biglaan na lang nawala yung spark sating dalawa,Sorry pero Break na tayo"cold na banggit niya habang tinatanggal yung pagkakakapit ko sa braso niya.

"Huh?B-bakit?m-may nagawa ba ako?Babe n-naman e-eh"unti-unti na ring tumutulo luha ko.

"Wala kang kasalanan,Paalam na"sambit niya bago siya tuluyan umalis.

Ano bang nagawa ko?May mali ba sa sinabi ko sa kanya?Bakit?

Sa pagpatak ng aking mga luha unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagsabay ng ulan.

Hinayaan ko lang yung sarili ko maulanan,sabagay ano pa ba kwenta ng buhay ko kung wala siya?

Halos humagulgol na ako at napaupo sa sahig.

*end of flashback*

Di ko na maalala yung nangyari sakin pagtapos nun.

Namalayan ko na lang na lumuluha na rin pala ako habang naliligo kaya agad na akong nagmadali at nagbihis.Pagtapos kong magbihis dumeretso na agad ako sa school kahit di pa ako nakain. Hindi ko parin matanggap yung nangyari kagabi.

Hanggang sa makarating ako sa school at sa pagpasok ko sa room ko,nakatikom lang yung bibig ko.

Natapos na lahat ng klase at oras na ng uwian pero feeling ko wala akong natutuhan ni isa.Para bang nawawala ang isip ko sa kakaisip sa mga nangyari.

Habang naglalakad ako pauwi,di ko maiwasang mapadaan sa park.

Sa park kung saan nangyari yun.Umupo ako saglit sa upuan dito,kung saan kami lagi naupo.

Di ko maiwasang umiyak kaya wala na rin akong nagawa.

Habang umiiyak ako may bigla akong naramdaman na tumabi sakin kaya inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatungo ko.

"Oh eto oh panyo,punasan mo yang mga luha mo,nagmumukha kang pangit"sabi niya. Tinignan ko lang siya.

"di mo kukunin?" dadag niya kaya kinuha ko na lang yung panyo.

"T-thank you ah" sambit ko kahit humihikbi parin ako.

Nagulat ako dahil hinawakan niya yung balikat ko at sinabing " wag ka ng umiyak nandito lang ako,alam kong di mo ko kilala pero matagal na akong may gusto sayo at di ko na kayang nakikita kang ganyan"sambit niya.Napatitigtig na lang ako sa kanya pagtapos niya yung sabihin.

"wag mo naman akong titigan ng ganyan hahaha"sabi niya.Tumayo ako  at iniwan siya.

"Huy wag mo naman akong iwan,yung panyo ko nasayo pa,balak mo bang kunin yan"tatawa tawa niyang sabi.Ang hangin.

"ohh"bato ko ng panyo.Ok na sana yung patahanin niya ako pero yung pagkahangin niya iba din eh.

"Tsk,dito ka nga"hinila niya ako papunta sa swing.Ewan pero nagpahila naman ako.

"Ano ba?!"Sigaw ko sa kanya.Habang inaalalayan niya ako paupo.Tsk! Di na ako bata.

"Ay sorry na" agad na sabi niya.Umupo na kaming dalawa sa swing.

one shot storyWhere stories live. Discover now