Sacrifice

20 0 0
                                    

Kakagaling lang namin ni justin sa mall,anniversary namin ngayon.

"Babe uwi na ako,happy anniversary"sabay kiniss niya ako sa cheeks.

"Happy anniversary babe,ingat ka pauwi i love you"sabi ko bago siya sumakay sa kotse niya.Pumasok na agad ako sa loob ng bahay nung di ko na makita yung kotse niya sa street namin.

Pagpasok ko sa loob nakita ko yung kambal ko na nakatingin sa bintana.Matagal ko ng alam na may gusto si kambal kay justin pero binabalewala ko na lang.Kapatid ko siya eh,wala akong magagawa.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nakinig ng music sa cp ko habang natutulog.

*Kinabukasan ng hapon*

Dumeretso ako sa bahay ng bestfriend ko na si chelsey.

"Beh kanina nakita ko si justin pati yung kambal mo magkasama"balita no chelsey sakin.Sanay na rin akong ayan yung binabalita niya,binabalewala ko lang din.

"Baka nagkasalubong lang sila"sabi ko,nasasaktan ako pero yung kapatid ko kasi may sakit sa puso bawal siyang masaktan ng grabe kaya pumayag na lang din ako.

"Beh manunuod nga pala ako mamaya ng sine,samahan mo ko"pagiiba ko ng topic.

"Hays beh,dun tayo sa bar para pagusapan na lang natin yan dun,alam kong nasasaktan ka na"kaya mahal ko to si chelsey,alam na alam niya kung anong nararamdaman ko.

After naming magusap dumeretso na kami sa bar at nagkwentuhan dun,syempre di maiiwasan ang pagdradrama ko.

*Bahay*

Nakita ko yung kotse ni justin sa labas ng bahay namin kaya pumasok na ako agad sa loob.

"Justin?"tanong ko.Bat nakaoff yung ilaw?

Inopen ko yung ilaw at nagulat ako sa nakita ko,si justin at yung kambal ko na si kathreine.Tama na! Ayaw ko na!

Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.Agad kong nilock yung pinto ng kwarto ko at umupo sa sulok ng kwarto.Iyak na lang ako ng iyak.Ang sakit kasi,ang sakit sakit isipin na wala akong ginawa kundi intindihin lagi sitwasyon ng kambal ko,sa sobrang pagintindi ko sa kanya nakakalimutan ko na sarili ko.Tama ba yung ginagawa ko?ang sakit sakit na sobra kaya di ko na hahayaan mangyari toh kahit mahal na mahal ko parin siya.

*Kinabukasan*

Nagising ako sa ring ng cp ko.May tumatawag at kilala ko na agad kung sino.

"Ano?"cold na sabi ko.

"Babe?ikaw ba yan?"

"Anong kailangan mo?"tanong ko.

"Babe naman eh"

"Ano nga kasi?"naiirita na ako ah.

"Sorry babe kung ano mangkasalanan yan."

"Justin,Mahal mo ba ako?"derestong tanong ko.Ang aga aga iiyak nanaman ako.

"Oo naman babe"

"Yung totoo."

"Oo nga babe,mahal na mahal kita"

"Ako lang ba yung mahal mo?"

"Syempre babe,loyal toh sayo"

"Nakita ko kayo ng kapatid ko kahapon"

"B-babe s-siya yung tumabi sakin nung nakatulog ako sa sofa"tsk magsisinungaling pa.

"Babe ayaw ko n-na"Humihikbi na ako.Ayaw ko ng ganto pero wala akong alam na sulosyon kung di ito lang.

"B-babe please w-wag"umiiyak na rin siya.

"Alam k-kong mahal m-mo si kathreine a-at mahal k-ka rin niya"di ko na toh kaya.

"Goodbye justin,mahal kita pero ito lang ang alam kong paraan para maging m-masaya kayong dalawa"i-end ko na agad yung tawag.

"mahal kita j-justin"tuluyan na akong umiyak habang binubulong yang mga salitang yan.

Ang sakit para sakin na kailangan kong masaktan para sa ikakasaya ng kapatid ko.

*2 days later*

Halos araw-araw tumatawag sakin si justin at halos araw-araw na rin akong umiiyak ng dahil dun.Mahal na mahal ko siya eh.

*play saglit by moira para mas dama mo*

Kumuha ako ng papel para dun isulat ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

'justin sorry ah,sorry dahil dun lang nagwakas yung storya natin.mahal na mahal kita.Wag mong sasaktan yung kapatid ko,may sakit yan sa puso bawal yang masaktan.Salamat dahil minahal mo ko kahit papaano,Salamat sa mga alaalang binigay mo,Hinding hindi ko makakalimutan yun' pagtapos kong isulat yan natulog na ako habang umiiyak.Ganto lagi ginagawa ko.

*5 years later*

Nasa kasal ako ngayon.Kasal ng mahal ko at kapatid ko.Oo mahal ko parin siya,kaya nga tulo ng tulo yung luha ko habang pinapanood yung kapatid ko na naglalakad sa gitna ng simbahan at nakasuot ng magarang wedding dress.Akala nung iba umiiyak ako ng dahil tears of joy.Ang di nila alam unti unti na akong namamatay ng dahil sa lintek na sakit na nararamdaman ko.

Oo may sakit ako,tumor.Walang nakakaalam.Hinihintay ko na nga lang katapusan ko eh.

Nasa tapat na ng altar si justin at si kathreine.Sinasabi na nila yung vows nila.

Ugh!di ko na kaya toh.Umalis ako sa simbahan ng palihim at pumunta sa garden.

Ang sakit!Mahal na mahal ko siya! Pero wala eh! Di kami itinadhana,sabagay ako din may gusto nito.

Lintek sumasakit nanaman utak ko.Hinawakan ko yung ulo ko bakasakaling mawala yung sakit pero ayaw mawala.Letche naman oh,umatake pa tong lecheng tumor na toh.

Sinubukan kong maglakad pero biglaan na lang ako na tumba sa sahig,unti-unting nagdilim paligid ko hanggang sa wala na akong nakita.

*Ospital*

Unti-unti kong binuklat mata ko,puro puti nakikita ko.patay na ba ako?

"Maam gising ka na po pala,wag ka na po muna gumalaw galaw baka po lalong sumakit ulo mo"sabi nung babaeng mukhang nurse.

"Ate sino nagdala sakin dito?"

"Sabi na lang po nung lalaki na naka red nahimatay ka daw po sa simbahan,di niya po alam kung anong pangalan mo,tapos umalis din po siya agad."

"Ahh ok po"

Sinubukan kong tandaan kung anong nangyari.Ang natandaan ko lang nahimatay ako ng dahil sa sakit ng ulo ko ah pero may naramdaman akong may bumuhat sakin baka ayun yun.

"Maam kailangan niyo na pong maoperahan para po di na yan lumala"

*Years passed*

Pagtapos kong nagpaopera gumaling naman ako.Isa na ako sa mga nagmamay-ari ng company.

Yeah im single,i dont care kung magisa lang akong tatanda.And yes im kinda cold hearted na rin.After kasi ng operation pumunta ako ng korea para makamove on ng maayos,expected ko na rin na magiging cold ako kaya,wala na akong pake.Hindi lahat ng story may happy ending agad.Its up to you kung pipiliin mong maging masaya or pipiliin mong maging malungkot.

-the end-

-












one shot storyWhere stories live. Discover now