"TORPE"

21 1 0
                                    

SA TAGAL TAGAL NATING MAGKAKILALA, NGAYON MO LANG SAKIN SINABI
ANG NAKATAGO SA KALOOB LOOBAN MO, ANG NARARAMDAMAN MONG TINABI
SA MGA CHANSA NA DUMAAN SAYO, TUMAHIMIK KA LANG AT SA DULO'Y NAG SISI
SANA DI KA NA LANG NAG TAPAT, KUNG MAG TATAPAT KA LANG NAMAN SA HULI

SA UNANG TAON KITANG NAKILALA, TAYO AY NAGING MAGKAKLASE
NAGKASUNDO SA ESKWELA, MAGKAUSAP ARAW MAN O GABI
PAG AKO'Y MAY KAAWAY, SAKIN PAPANIG KAHIT ANO MAN ANG MANGYARI
KAHIT IKA'Y SUGATAN AT DUGUAN SA TABI KO PARIN NANATILI

SA PANGALAWANG TAON AY NAPAPANSIN KO NA
ANG UGALING SAAKIN LANG MABAIT AT MGA GALAWAN MONG EXTRA
ANG PAGKAOVER PROTECTIVE MO KAPAG AKO'Y MAY MALING GINAGAWA
PERO BINALEWALA KO NA LANG KASE NGA, KAIBIGAN KITA

DI NAG TAGAL NAGKAROON AKO NG LALAKING MAKAKASAMA
MAGTATANGGOL, MAGMAMAHAL, MAGAALAGA, MAGPAPASAYA
NAGTIWALA AKO SA KANYA DAHIL KAIBIGAN MO SIYA AT SAKIN IPINAKILALA
KAHIT NASASAKTANN KA NA PALA, PINAGPATULOY PARIN ANG DI PAGSASALITA, PARA NGITI KO LANG AY IYONG MAKITA

SA MGA BUWAN NA LUMIPAS,  HINDI KA NA NAGPARAMDAM PA,
HINANAP KA SA MGA LUGAR KUNG SAN TAYO NOON NAGKIKITA,
SA CAFE, SA GARAHE, SA ATING MALAKING PUNONG MANGGA
LAHAT PINUNTAHAN KO NA,
ANG HIRAP PALANG HANAPIN ANG TAONG AYAW NANG MAGPAKITA

SA PANGATLONG TAON NA IKA'Y NAKILALA
WALANG NARAMDAMAN KUNDI SAKIT AT PAIT DAHIL NGA IKA'Y NAG LAHO NA
SINASABI SA SARILI NA WAG NG UMASA PA, NA MAG MOVE ON NA
NGUNIT DI MAKAPANIWALA SA MGA LUMIPAS NATING SAMAHAN AY MINAHAL NA DIN KITA

SA PANG APAT NA TAON, MALAKI NA ANG AKING PINAGBAGO
MATAPAT SA RELASYON AT MASAYA SA NAGIGING BUHAY KO
NGUNIT KUNG KAILAN TAPOS KO SA AKING PAGMUMUKMOK AT PAG IYAK SAYO
BIGLA KANG BUMALIK AT PARANG KINALIMUTAN ANG  GINAWA MO

IKAW AY NAG SORRY SA MGA GINAWA
LUMUHOD SA HARAPAN KO PARA LAMANG MAPATAWAD
NAGPAPALIWANAG KUNG BAKIT GINAWA ANG KANYANG MGA SALA
"NADUWAG AKO AT HINDI NA NAKAYANAN ANG AKING NAKIKITA"
"AT NGAYON AY HANDA NA SA AKING SASABIHIN"
"KAHIT HINDI TANGGAPIN AKIN PARING BABANGGITIN"
"NOON...HANGGANG NGAYON IKAW LANG ANG PARA SAKIN"
"NGUNIT AKO'Y NAKUNTENTO NOON SA ATING RELASYON, SA PAGKAKAIBIGAN NATIN"
"NATAKOT NA ANG PUSONG IBIBIGAY AY HINID MO TANGGAPIN "
"NGUNIT NGAYON NALINAWAN AT HINIHILIN NA ITO SABIHIN"
"NA IKAW AY MAHAL KO PARIN"

NAGULAT SA SINABI NG KANYANG KABABATA
TUMAHIMIK AT DI UMIMIK, WALANG LUUMABAS NA SALITA
SIYA NAG ISIP SA MAAARING MANG YARI KUNG ITO TATANGGAPIN NIYA
ANG PAG IBIG NG LALAKENG MINAHAL NIYA DIN PALA

ANG SALITANG LUMABAS SA KANYANG BIBIG AY "SORRY"
HINDI NIYA NA MATATANGGAP ANG NARARAMDAMANG KANYA NANG TINABI
WALA NANG MAGAGAWA KAYA'Y TUMAHIMIK NA LANG AT NAG SISI
SA MGA CHANSA NATIN NOON NA SABIHIN ANG ATING PINAKAMIMITHI

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TULA NG BUHAY KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon