P.S SABOG TO DRE! AHAHAHA GINUGULO LANG AKO PERO IT WAS NOT WHAT I EXPECTED BABAWI NA LANG AKO!~
Title: Nuisance
Date written: July 15, 2014
Date Posted:
Story Ratng: PG 13
Genre: Romance, Drama
Suho Kim Joonmyeon as Angelo Sandoval (+)
Kim Ji Won as Geanna Dela Cruz
Kim Jong In as Damon Tatcher
---
GEANNA's POV
Ang bilis ng panahon, dalawang buwan na akong namumuhay bilang patay, mahirap bang intindihin? Sabihin na lang natin na patay na talaga ako, nung kinuha ang buhay ko sa akin, kinelangan kong maging Zombie para sa isang buhay pa nakaalalay sa akin. Mas mahirap intindihin diba? Siguro maiintindihan nyo na lang ito habang nalalaman nyo ang mga nangyari matapos ang malaking accidente na iyon. Isang Aksidente na kumuha sa buhay ko, Isang aksidente na nagpumilit sa akin para mabuhay muli. Since then my life has been a Nuisance, pero umaasa ako sa isang blessing.
Pero ang pag asa na magiging maayos ang lahat ay nakakairita rin. That's when I realized that it is not my life that is a nuisance, It's my existence. Siya lang.. Siya lang na kinuha sa akin ang nagsabing blessing ang pagdating ko sa buhay nya. Now, I am back on being a Jinx and It's irritating..
I Hate how Nuisance I am now...
"Parang balewala lang sa kanya ang pagkawala ni Andrew no?" narinig ko na tanong ng isa sa mga kaklase ko. It's been Two months.. Pero namanhid ako, lahat na ng sakit naramdaman ko ng makita kong unit unting pumikit ang mga mata nya. Nang unting unti syang bawian ng buhay. "Of course, She doesn't care.. ginamit lang naman nya si Andrew diba? para di mawala ang scholarship nya?" tanong ulit ng isa. Nararamdaman ko ang matalas na mata nila.
Nothing worked out..
Nothing..
"sa totoo nyan nakakairita, ang lakas ng loob nyang magpakita sa school na to" sabi naman ng isa. oo nakakairita rin na makita ang mga pangit nyong mukha. But this school is our only memory "Still Half mass pa rin ang flag dahil sa pagkawala ni Andrew tapos itong babaeng ito, di affected" sabi naman ng isa. Napagpasiyahan kong tumango at di na lang sila pansinin, I made my way papunta sa may Chapel Kung saan may balcony at madalas kami nag aala Romeo and Juliet ni Andrew. Sa Balcony na tanging mga alaala lang namin ang nakakapagpasaya sa akin
Nang marating ko ang lugar na iyon. Tumingin ako sa asul na kalangitan "ang hirap mabuhay ng wala ka.. sana sinama mo na lang kami.. sana hinayaan mo na lang na tamaan ako nung truck, kasi parehas naman tayong madededo doon eh...sana di ka na lang nagpaka Superman" panenermon ko sa kanya.
"sabi nila.. Pag nasa langit na daw ang isang tao, wala na silang pakialam sa mga naiwan nila sa lupa.." dagdag ko pa sa kanya "Masyado daw kasing maganda sa langit, Andrew naisip mo bang di ko kaya ha?" dagdag kong tanong sa kanya at saka tumulo ang luha ko.
Lagi nyang sinasabi na matapang ako, na kaya ko, Pinagkakatiwalaan nya ako at alam nyang makikita ko ang kaligayahan. Oo, nakita ko iyon pero tanging sa kanya. Alam kong nagiging makasarili ako, Alam kong pinilit nya na iligtas ako dahil sa may isang buhay pa na nakataya sa akin. Pero mukhang madidisappoint ko sya. Sa sobrang pagiisa at sakit na nararamdam ko. Natatakot ako na kusa syang umalis "Acting like Andrew is important to you, Di bagay Geanna.. Nakakasuka" narinig ko ang kanyang boses sa likuran ko.