Sa mga nagbabasa nito ngayon, well, tama ang desisyon mo. Hindi ito kwentong pag ibig. Hindi ito kwento ni Romeo at Juliet o ang kanilang nakakawarak sa puso na pag iibigan. Kwento ito ng buhay ko. Obvious naman sa title di ba? Sige. Ako na lang si Juana.
Ipagpatuloy mo. Masisiyahan ka kapag binasa mo to.
Simulan na natin.
Isa lang akong average na estudyante.
Napasa.
Nabagsak.
Nakakakuha ng mataas sa quiz at exam.
Minsan, mabababa.
At madalas, yung huli ang nangyayari.
Fourth year na ako ngayon. Accountancy. Biruin mo yun. Nairaos ko ang apat na taon. Nakakatawa na nakakatuwa. Akalain mo yun.
Maiba tayo, iba talaga ang dating kapag Accountancy ka.
Sasabihan ka palagi na Wow, katalino mo naman. O di kaya naman, Siguro magaling ka sa Math. At ikaw na si Accountancy, syempre, humility, at with matching ngiti pa, (pero kahit totoo naman na hindi) sasabihin mo na hindi ka magaling kesyo ganito kesyo ganyan. Haay. Mga tao nga naman. Hindi ba sila nagsasawang sabihan na magaling ka sa Math? O kaya matalino ka? Try kaya nila ang Accountancy. Nang di na sila nagtatanong.
Di ba.
Kahit nga yung makakasalubong mo lang sa daan tapos kita na may makakapal kang libro, agad na "Ineng, Accountancy ka o kaya Utoy, anong course mo ga? Accountancy? Mahirap yun a." Pero dahil syempre, ulit, isa kang napakabait at napakamapagkumbaba na estudyante, ngiti at tango lang. Sabay pagtalikod e buntung hininga. Yan na yan ang isa sa napakausong eksena kapag Accountancy ka. At napakarami pang iba. Baka mabagot ka kapag inisa isa ko ngayon.
Kaya mamya na lang.
Kapag pasukan, o kaya, bago ang mga prof, laging may orientation. Your name daw, age, address, at bakit mo pinili ang Accountancy. Kapag talagang gusto ka makilala nang titser mo, pati hobby, interets at kung ano pang ka ek ekan ay ipapakwento sa iyong introduction of your self. Balikan natin yung bakit pinili mo ang course na ito. Gasgas na gasgas na ang tanong na yan. Pustahan pa tayo. Kapag tama ako, libre nyo ko ng bola-bola dine sa may kanto sa amin. Tig pipiso lang yun. Masarap. Bola bola siya na gawa sa harina at gulay gulay ba yun. Pero sige, kahit huwag na. Bumalik tayo sa kwento ko. Yun na nga. Yung linyang Why did you choose this course bla bla at bla bla. Syempre, halos pare parehas na rin ang sagot dyan ng mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Si Juanang Accountancy
No FicciónPara sa mga nahihirapan, sa mga sugatan at duguan ang puso. Pero chos lang. Para to sa mga may gustong magbasa. Dali. Masaya to. Kapupulutan mo ng aral. Siguro naman...