CITA AGENCY"Sabrina, medyo humihina yata scoops mo ngayon ah? Ano bang nangyari?"
"Ahh, kasi medyo hindi ako concentrated ngayon.. Ang dami ko kasing iniisip.. "
"Tungkol sa Daddy mo 'yan?"
"Teka, paano mo nalaman? "
"Para saan pa at mga Paparazzi tayo diba? "
"Gaga! Ang mga paparazzi para sa artista! Ang tawag sayo tsismosa!"
"Gaga ka rin! Pinasosyal lang na tsismosa ang Paparazzi."
"Aish! Bahala ka na nga! "
Kinuha ko na ang aking camera at maglalakad na sana palabas. Medyo mag-gagabi narin at sigurado akong naghihintay na si Daddy sa'kin. Medyo over-protective pa naman 'yun. Muntik na ngang magbigay ng curfew sa'kin. Aish, hindi ko rin ma-gets si Daddy.
Malapit na ako sa exit door ng CITA Agency ng humahangos na pinigilan ako ni Danny, isa sa mga ka-trabaho ko.
"Wooooh! Teka.... lang....Sab....! Woooooo! " sigaw niya habang hinihingal. Nakakatakot naman ang taong ito, baka mamaya malagutan na'to sa hingal.
Nakakunot na noo ko siyang sinagot, "Oh bakit?"
"K-Kasi... Si Boss... Ano... Pi.. Na.. Pa.. Tawag ka! " hingal parin niyang sabi. Letse, baka hinihika na'to.
"Teka, kalma lang Danny ah? Huminga ka! Inhale... Exhale... " instruct ko sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi ko.
Nang kumalma na siya saka siya nagsalita, "Si Boss Garie kasi pinapatawag ka."
"Bakit daw? "
"Basta urgent daw.. Ewan basta puntahan mo nalang.. Bigla ka na nga lang pinatawag sa'kin."
"Tatanggalin na ata ako.. " malungkot kong sabi.
"Huwag ka nga diyan Sab! Nega mo talaga kahit kailan! Basta puntahan mo nalang dun para sure okay? O sige, gogorabels na ako babusssssh~" malandi niyang paalam sa'kin. Oo, bakla yung hikain na taong 'yun. Gwapo sana kaso gwapo rin pala ang hanap. Saklap talaga minsan ng buhay.
Nagdalawang-isip pa ako kung pupuntahan ko ba si Sir Garie. Kinakabahan talaga ako sa kung ano man ang sasabihin niya. Baka nga sisantihin niya na talaga ako. 'Wag naman sana..
Kahit kinakabahan tumungo parin ako sa 5th floor nitong building kung nasaan ang office ni Sir Garie. Nasa harapan na ako ngayon ng pinto ng office niya..
GARIE TUANGCO
CEO - CITA AGENCYIyan ang nakasulat sa placard na pintuan niya. Nakakatakot talagang pumunta dito. Kadalasan kasi pumupunta ako dito kasama ko so Danny o di kaya naman si Charlie. Pero ngayon mag-isa ako... mag-isang haharap sa boss namin. Help me Mr Batman huhu.
I sighed heavily bago ako kumatok. Ilang beses rin akong kumatok bago ko marinig ni Sir Garie at sinabing pumasok ako. Oh my cheese! Ito na! Goodbye job!
"C'mon Sabrina sit, " sabi ni Sir Garie pagkapasok ko. Hindi naman ako nagpa-pilit pa at umupo narin.
"Siguro nagulat ka kung bakit kita pinatawag dito.. " Nakatingin sa mata kong sabi ni Sir Garie. Napayuko naman ako. "No Sir, expected ko na'to. " mahina kong sabi sabay nagtaas ng ulo at ngumiti ng mapakla.
Kumunot ang noo niya, "Huh? What do you mean by expected? " tanong niya.
"Ah Sir kasi..lately humihina ang nasasagap ko kaya ayun po.. " nahihiya kong sabi.
"Really? Hindi ko 'yun napansin... "
Nagulat ako, "What Sir? Hindi niyo po pansin?"
Humalakhak si Sir Garie, "No Sab, Promise..hindi ko talaga pansin, I mean hindi naman mahalaga na dapat everyday may masasagap ka.. Hindi talaga tayo swerte everytime. But your performance is really excellent when there was a time that you're lucky to scoop rumors. You really give our agency great rumors you know? "
Medyo napanganga ako sa sinabi ni Sir Garie. Hindi ko iyon ine-expect, "Ahh, Sir you're joking right?"
Tumawa na malakas si Sir Garie, "No Sab, I'm serious. That's the reason why I call you here.. "
"Bakit po ba Sir? " tanong ko. Sobra na talaga akong nagtataka kung bakit ba ako pinatawag ni Sir Garie. Hindi naman daw niya ako sisisantihin or what napuri pa nga ako. Pero ano ba talaga?
"Look Sab, you're one of the agency best paparazzi here.. To think na one year ka palang dito. Para ka naring isa sa mga veterans dito.."
"...Yesterday, pinuntahan ako ni Paolo Gregorio dito at naghahanap sila ng magagaling na mga paparazzi for their website. Paolo Gregorio was the founder of World of Paparazzi, isa sa prestigious agency sa America, who handled great paparazzis worldwide. Sila ang mga paparazzi ng mga hollywood artist, at ayun dumayo pa rito si Paolo just to find great paparazzis here in the Philippines. "
"And ano pong kinalaman ko doon Sir? "
"He said that If I have my bestest paparazzi here at ikaw ang sinabi ko. He looked on your profile and he was amazed by your scoops but skeptical pa siya dahil novice ka pa sa paparazzi business..but kinumbinsi ko talaga siya na ikaw ang kunin nila..nag-isip pa siya ng kaunti pero eventually pumayag siya pero he has a condition... "
Agad naman akong nagtaka. Teka, may kondisyon pa?
"Sinabi niya na kapag napatunayan kong magaling ka talaga ay ikaw na ipapadala nila sa America. "
"Eh ano pong gagawin ko Sir? "
"Kailangan mong makakuha ng malaking scoop sa loob ng tatlong buwan. Mas malaki at controversial pa sa mga nakaraan mong nakuha. 'Yun ang kondisyon ni Paolo.. "
"Wait Sir, do you mean... Yung tipong kakalat talaga sa point na magkakalamat ang career? "
"Kung maari oo.. "
"Huh? Medyo sobra na po iyon.. "
"I know..but unfortunately that's we our as paparazzis..we follow artist and took candid photos even if its true or not. Spread rumors and make stories. We get money in this kind of work. Gustuhin man natin o hindi.. Ito na ang nature nating mga paparazzi. Sometimes we felt guilt sa mga scoops natin but then, we just get used to the feeling kasi mas naiisip natin na ito ang bumubuhay sa'tin. "
Napaisip ako ng malalim sa sinabi ni Sir Garie. Frankly, gusto ko talagang makuha ang trabaho. America iyon at pangarap ko iyon para mas matulungan ko pa si Daddy. Hindi naman ako mayaman para tumanggi pero yung pakiramdam na kailangan kong magmalabis para makuha ang trabaho..hindi ata tama iyon.
Pero, si Daddy..tinatago niya man pero alam kong may Brain Cancer siya stage 2, hindi ako makapaniwala ng malaman ko 'yun. Kailan ko lang nalaman ng minsang makita ko ang medical records niya.. Dahilan kong bakit naging mahina ako sa trabaho.
"Are you accepting it Sab? "
Napatingin ako kay Sir Garie. Nag-iisip ng maari kong isagot. Oo o hindi. Dignidad o Kaligtasan ni Papa at Pangarap.
Huminga ako malalim. Naisip ko na kaya kong mawala ang dignidad ko pero si Daddy hindi. Siya nalang ang natitira sa'kin. Hindi ko papayagang mawala siya kahit kapalit nun ang kung anong mayroon sa'kin.
"Sir Garie. Opo pumapayag na po ako. Game na game. "
~~~~
Alyerin's Note:Thanks for reading loves! So much appreciated. Also, don't forget to click that ⭐ button if you liked the chapter. Feedbacks and suggestions are highly accepted. Thanks in advance loves! Sabay sabay tayong kiligin kay Blaze at Sab! ♥
uwu~
BINABASA MO ANG
Oh My Paparazzi!
أدب المراهقينNasanay na si Blaze Francisco sa mundong puno ng flash ng camera at walang tigil na pang-iintriga ng mga reporters. Mula ng pinasok niya ang mundong iyon, sinanay niya na ang sarili niya sa mga ganoong bagay. Sabi nga ng kaniyang Manager slash Siste...