Pumutol ako ng mga sanga ng puno gamit ang aking Basic Stone Hammer Ax at inipon ko ang mga sanga sa isang tabi ng aking Sanctuary Home Base. Pagkatapos ay kumuha ako ng isang sanga na pwede kong gamitin na pantaboy o panlinis ng paligid. Nilinis ko yung mga 5 x 5 na metrong kwadradong lugar para sa pwe-pwestuhan ko. Winalis ko ang kahoy at dahon na nilagay ko rin sa mga tabi-tabi. Kinolekta ko ang mga maliliit at malalaking bato na malapit sa pinaglagyan ko ng mga sangang inipon ko. Ayan malinis na ang pwesto ko. May isang malaking puno na pwede kong liliman kaya ko napili ang pwestong ito. May mga halaman, puno at damo pang nagkalat sa loob ng aking Sanctuary dahil malaki ito. Maliit pa lang ang pwestong nalilinis ko pero uutik-utikin kong lilinisin ang kabuuan nito para mabakuran ko ang aking teritoryo. Habang ginagawa ko ang lahat ng ito ay nagku-Cultivate ako ng Breathing Technique na ngayon ay umabot na ng 1800+ ang bilang na tuloy-tuloy pa rin ang pagtaas.
Kumuha muli ako ng isang sanga at ilang piraso ng mga bato. Ang malaking araw ay nakapwesto ng aking ulo na kung ibabatay ko sa oras ng Earth, ang ibig sabihin nito ay tangahali na. Sa bilad ng araw ay naghukay ako sa lupa gamit ang Basic Stone Knife. Nang medyo sapat na ang lalim ay ibinaon ko ang mahabang sanga na kinuha ko. Tinabunan kong muli upang upang makatayo ang sanga. Masyado na akong maingat sa paghinga dahil ayaw ko nang bumalik sa simula, nakaka 2200+ na kaya ang bilang. Mula sa sangang binaon ko ay naglagay ako ng bato na kasinlaki ng aking kamao, na mga dalawang talampakan ang layo mula roon. Nilagyan ko ang buong paligid ng sangang nakabaon kaya parang nakulong ito sa loob ng bilog na nabuo ng mga batong nilagay ko. Hindi talagang orasan ang gusto kong magawa kundi gusto kong ma-determine ang mga lokasyon o position. Sa pakiramdam lang ay madali mong malalaman ang oras. Base sa Earth, ang mga direksyon ay maaari mong malaman sa pamamagitan ng pwesto ng araw. Itutulad ko lang, kung saan sisikat ang araw ay naroon ang silangan (east) at kung saan naman lulubog ay naroon ang kanluran (west). Pagkatapos ng Experiment na ito sa paglubog ng araw ay malalaman ko ang direksyon ng kanluran. So eventually ay 4 na bato lamang ang matitira sa bandang huli na magsasabi ng mga direksyon. Kung gayon ay hindi na ako maliligaw kahit mapalayo ako dito sa aking Sanctuary.
Sari-saring mga Skills ang nabuksan ko at naglevel-up pagkatapos na magawa ko ang lahat ng ito.
...
SKILLS (Basic)
Skill Experience 405/5000
BLACKSMITH
Stone (+3 STR,DEX,LUK)
Tool Level 0 Experience 271/1000
Weapon Level 0 Experience 452/2000
Metal (+10 STR,VIT)
Bronze Weapon Level 0 Experience 75/5000
Armor (+3 STR,VIT)
Light Level 0 Experience 45/5000
TAILOR
Clothing (VIT+3)
Head Level 0 Experience 15/2000
Upper Level 0 Experience 15/2000
Lower Level 0 Experience 15/2000
ARTS
Wood
Sculpture Level 2 Experience 73/5000 (+10 DEX)
CARPENTRY
Wood
Grind Level 2 Experience 1309/2500 (+7 DEX)
YOU ARE READING
The Game You Will Never Play (vTBD)
RomanceAt first, our meeting was an accident. In second, is it Destiny? Or in third or more, we are meant to be? My dream is to be that One. And then I never thought that there will be more... Season One THE EARTH REMAINS.