Nakaka-7100+ mahigit na ako sa aking Breathing Exercise kaya kaunti na lang at matatapos ko na itong Primary Stage ng [Infinity Arts] Basic Cultivation Technique. Dadahan-dahanin ko na talaga para makamove na ako sa next stage. Habang isinasagawa ko ito ay kinokolekta ko na rin yung mga gagamitin ko sa pagbuo ko ng aking Leaf Tent. Tapos ko ng makuha ang halos lahat ng materyales bukod sa Rope. Ang Rope kasi ay mabubuo sa pamamagitan ng pagtri-trintas ng tatlong piraso ng mahabang dahon ng Grass Reed na madali ko lamang nakolekta dahil marami niyaon sa ilog. At gumawa ako ng maraming Rope na pinasobrahan ko na rin kung sakali.
Nang matapos ako sa paggawa ng mga Rope ay pumalo na ng 8000+ ang bilang ng aking Breathing Exercise. Mula dito ay pinasimulan ko na ang pagbabaon ng isang medyo matabang stick na nagawa ko naman mula isang puno, kaya pagkabaon ay itinayo ko ito na siyang magiging pinakapundasyon ng tent. Pagkatapos ay nagbaon pa ako ng tatlo pang mahabang stick sa bawat kanto kung saan ang stick na pundasyon ay nasa gitna. Parang triangular pyramid ang itsura na mayroon stick sa gitna at doon ko pinagtali-tali ang lahat ng stick na mga tinayo ko. Nagtali naman ako ng mga apat na pahalang na mga stick sa bawat mukha ng pyramid, mas maiikli ito kumpara sa mga naunang stick na nagamit ko na. Syempre mas mahaba yung sukat ng nasa ilalim at habang nilalagyan ko ng stick ay mas umiikli ang sukat. Natural kapag sobra ay pinuputol ko. Nang matapos ko na ang skeleton frame ng tent ay sinunod ko na ang paglalagay ng isa-isang dahon na inumpisahan ko sa ibaba ng binubuo kong tent. Malalapad ang mga dahon na ito na papatong sa mga susunod na dahon. Syempre sa ibaba ka talaga dapat magsimula papaakyat para yung tubig ulan ay hindi pumasok kapag umuulan.
Makaraan ng ilang oras ay natapos ko na ang pagtatali ng mga dahon hanggang sa itaas ng tent. Sa pinakaharap ng tent ay gumawa ako ng lusutan na kung saan ay kasyang-kasya akong lumalabas-pasok at ginawaan ko na rin ng mga dahon na takip na madaling naitataas at naisasara. Madilim kasi sa loob ng tent kapag nakasarado ito kaya sa ngayon ay nakataas ito. Hindi ako maaaring maglagay ng sigaan (bonfire) sa loob ng tent dahil siguradong masu-suffocate ako.
Ding!
You have build a Leaf Tent in Sanctuary Home Base. Gained +266 Exp, +212 Skill Exp, +249 Age Exp. First Shelter inside Sanctuary Bonus, gained +284 Exp/Skill Exp/Age Exp and Simple Cottage Shelter + Hut House Parts Blueprints
...
SIMPLE COTTAGE SHELTER and HUT HOUSE
Roof Blueprint
2 meters x 2 meter Roof
Medium Leaf Made - 625 Common/Medium Size Leaves + 12 Long Wood Sticks (for Roof Frame) + 125 Medium Size Ropes
Large Leaf Made - 20 Large Size Leaves + 12 Long Wood Sticks (for Roof Frame) + 50 Medium Size Ropes
Hut Made - 10 x 10 x 25 Grass/Reed/Straw + 12 Long Wood Sticks (for Roof Frame) + 125 Medium Size Ropes
Foundation Poles Blueprint
4 Pieces x 5 meter long Wooden Poles and 6 Pieces Long Wooden Sticks ( Size depends on the desired Shelter Area)
Wall Blueprint
2 meters x 2 meter Wall
Medium Leaf Made - 625 Common/Medium Size Leaves + 12 Long Wood Sticks (for Wall Frame) + 125 Medium Size Ropes
YOU ARE READING
The Game You Will Never Play (vTBD)
Roman d'amourAt first, our meeting was an accident. In second, is it Destiny? Or in third or more, we are meant to be? My dream is to be that One. And then I never thought that there will be more... Season One THE EARTH REMAINS.