Sa kabutihang-palad ay hindi naman aggressive ang kahit na anong klase ng Popo. Sinakop nila ang halos kabuuan ng lugar sa hilaga ng Sanctuary. Kahit napakarami nila at lumalakad lamang sa gitna nilang lahat ay hindi man lamang nila ako pinapansin. Siguro aatakihin ka lamang ng Popo kung aatakihin mo rin sila. Yung mga may iisang kulay na mga Popo kapag nagru-grupo ay parang may nagko-kontrol sa kanila, tila boss para sa kanila. Ang pangalan ng Popo na iyon ay Mutant Popo na first time ko rin makakita. Ang mahirap sa creature na iyon ay nakokontrol niya ang grupo ng mga Popo kaya kapag inatake mo yung isa, malamang ang buong grupo nila ang aatake sa iyo. Naglakad pa ako ng kaunti na hindi pa masyadong nakakalayo ay nakakita na kaagad ako ng nag-iisang klase ng Popo. Sa lahat ng mga na-encounter ay ibang-iba ito, ang grupo niya ay binubuo ng mga Mutant Popo na may sariling kani-kaniyang grupo. Parang buong pwersa ang gegerahin mo kapag inatake mo ang isa man lang sa kanila. Ang Boss ng mga Popo, isang Mini Boss nga ng -i-check ko ang information niya. Isa siyang Royalty Class creature na ang pangalan ay King Poporia. Sampung beses ang laki nito kaysa sa normal na Popo, ito ay kulay dilaw at tila parang may koronang bakal sa ulo. Kapag tumatalon ito ay dumadagundong at tila nagigiba ang lupa. Hindi pa ako handang harapin ang ganitong klase ng creature.
Sa aking pagsu-survey ay may natutunan akong mahahalagang information, kung base sa mga Popo alone, masasabing may hierarchy ang mga creatures. Magsisimula tayo sa Basic Class na pinakamababang Rank na para sa mga Newcomer/Beginner na susundan naman ng Common/Normal Class. Pagkatapos ay susunod ang Primitive Class na susundan ng Mutant Class na kung saan nagkakaroon ng kaalaman ang creature ukol sa pakikipaglaban. At ang huli na batay sa mga obserbasyon ko ay ang Royalty Class creatures na may mataas na strategy at level ng kaalaman. Syempre hindi pa rin ako sigurado kung may susunod pang Rank sa Royalty Class na hindi ko na maisip kung gaano kalakas o husay pa ang mga iyon. At Aggressive ang ibang mga Primitive Popo dahil dinudurog nila ang mga mas mahina o ka-level na mga Popo at di magtatagal ay napro-promote ito na maging Mutant Popo.
Dahil aggressive ang ibang Popo kahit hindi ko pa sila nae-encounter nang harapan ay nasimula na rin akong magtago. Inoobserbahan ko na lang sila sa malayo. Isa pa ay baka mapatay nila ako ng wala sa oras kaya iwas-iwas na muna sa kanila.
Noong na-unlock yung Currency Exchange at System Shop, ay pinag-iisipan kong mabuti kung worthy na bilhin ko ang mga yun kung sakaling maachieve ko yung mga halagang iyon. Ngayon nga ay mayroon akong tumataginting na 18 Small Copper Stone, mga ilan milyon kayang Popo ang papatayin ko para maabot man lang ang 1 Gold Bar. Imposible!
Naglakad pa ako ng deretso hanggang sa makalabas na ako sa teritoryo ng mga Popo. Maraming kakaibang puno sa area na ito na may mga kakaiba din na mga prutas. Gusto ko sanang isa-isahin ang mga ito kaya lamang ay hindi ito ang prayoridad sa ngayon. Babalikan ko na lamang ang mga ito dahil kailangan kong unahin ang Quest, kailangan kong makahanap ng creature na may edible meat. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi nagtagal ay nakakita ako ng maliliit na baboy na kulay blue sa di kalayuan. Agad akong nagtago para obserbahan sila.
Ding!
Aqua Piglet
Basic Class. Water Domestic. Amphibian.
Meat not Edible (Poisonous). Catch and Raise it on Water Pen. It will grow into Aqua Boar (Water Mount). Like to eat plants and grasses.
...
Akala ko jackpot na, hindi pa pala. Nakakalason ang meat nito, isa itong kakaibang baboy na hindi pwedeng kainin ang laman. Sa di kalayuan ay may mga Aqua Boar na humango sa sapa. Hindi ito pupuwede, kailangan kong maghanap pa ng ibang creature. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad pahilaga at medyo magubat na ang napuntahan kong lugar. Ayaw kong makipagsapalaran sa loob ng kagubatan dahil hindi ko alam kung anu-anong mga creature makakasalubong ko dito. Kapag handa na talaga ako ay tsaka ko papasukin ang kagubatan. Sa di kalayuan sa loob ng kagubatan ay may napakalakas na unggol akong narinig na maihahalintulad sa ugong ng barko.
YOU ARE READING
The Game You Will Never Play (vTBD)
RomanceAt first, our meeting was an accident. In second, is it Destiny? Or in third or more, we are meant to be? My dream is to be that One. And then I never thought that there will be more... Season One THE EARTH REMAINS.