Chapter 1 - The New Architect Kyla Hidalgo

54.8K 527 4
                                    

Chapter 1 - The New Architect Kyla Jane Hidalgo  

" Puro katangahan ang umiiral dito sa opisinang ito, nakatapos ka ba talaga ng Architectural Miss Hidalgo?" sabi ng Boss ni Kyla

" Boss, wala sa akin ang deprensiya, bakit hindi ninyo tanungin si Arch. Santos siya sumabotahe sa akin kaya nawala ang project sa atin" paliwang ni Kyla.

" Alam mo naman ang ugali niya, bakit ka nag pabaya?!" 

" Hindi ako nag pabaya"

" Arch. Hidalgo, get out of my sight"

" Sure , aalis ako dito, and I will file my resignation, effective today, sir!"

Nag resign si Arch. Kyla Jane Hidalgo sa Architectural company na pinapasukan niya, dahil hindi maganda ang trato ng babaeng Boss niya sa kanya. Madalas pa siyang hina-harass ni Arch. Jun Santos sa trabaho. Basted siya kasi kay Kyla.   First job niya ito at hindi siya masaya sa araw araw niyang trabaho, pressure and verbal abuse ang natatanggap niya sa boss niya. Hindi nakikita ng boss niya ang maraming successful accomplishment niya sa trabaho pero ang isang pag kakamali lang ay  agad na siyang hinuhusgahan. Eh, sino ba naman ang gaganahan na mag trabaho ng ganun? Sa isip niya marami pa naman ang tatanggap sa kanya. Licensed Achitect ata siya

Kaylangan makahanap agad siya ng trabaho upang may ipang hulog siya sa bahay na kanyang ni-loan sa bangko at para matustusan ang pag aaral ni Abigael na ngayon ay nasa first year high school na.  Ayaw na niya kasi umasa sa magulang niya.  

Nakakita siya ng isang Job Adds sa newspaper

For urgent hiring:

Licensed Architect

with two years experience

Female or Male at least 24 - 38 years old only    

Please apply to:

The Global Construction, Inc.

20th floor HRD Dept. Diamond Bldg.

Global City Bonifacio, Taguig

Palagay niya pasok siya dito, at malapit na rin ito sa bahay niya sa Makati         

Pagdating ng Lunes naka formal attire na siya upang mag apply sa The Global Construction Inc.. Marami ang nag aapply sa companyang iyon, tinawag sila isa isa, hangang sa tawagin si Kyla, pinag exam ito at saka ininterview

" Miss Kyla Jane Hidalgo, I read your resume and it's interesting. I think that you are qualified for this position. 

Malaki ang chance ni Kyla na matanggap sa trabaho dahil sa confidence niya sa lahat ng mga tanong sa kanya ng interviewer.

" Okay Miss Hidalgo, Congratulation. You are hired! You will start next week. Paki ready mo nalang yung mga requirements mo" sabi ng interviewer at binigyan siya ng list of requirements para sa bagong trabaho.

" Thank you Ma'am."

Laking pasasalamat ni Kyla at natanggap siya sa isang sikat na construction sa Pilipinas. 

Unang araw ni Kyla sa work niya as Architect ay natuwa siya sa mga collegues  niya at mga officials dito, kumpara sa dating pinapasukan niya.

Ipinatawag siya ng office manager nila upang ipakilala siya sa may ari ng companya

" Kyla please proceed to Mr. Arthur's office" sabi ni Ms. Sally, ang office manager nila.

" Yes Ma'am"

Nang pumasok siya sa office ni Mr. Arthur, nagulat siya dahil ang boss pala niya ay isang British national. Siya ang may ari ng The Global Construction, Inc. 

" So, you are Miss Kyla Jane Hidalgo, welcome to Global team, I hope you will enjoy working here. If there's anything you want to ask regarding to our jobsite, please don't hesitate to ask our project manager  my son, but unfortunately  he is still not here, but you will meet him soon and he will be your guide"  sabi Mr. Arthur 

" I'll do my best sir Arthur, you will not regret for hiring me as one of your architect" sabi ni Kyla na naka ngiti.   

" whilst we waiting my son, Ms. Sally will assist you to become more familiar with this firm, she will give you our company profile for you to read" sabi ni Mr. Arthur sa kanya.

" Thank you, sir Arthur." Sabi niya sa boss niya, medyo hindi naintindihan ni Kyla ang ibang sinabi ni Mr. Arthur kasi British accent ito.   

Nang mabasa ni Kyla ang company profile ng The Global Construction, Inc. Napag alaman niya na ang full name ng boss niya ay Arthur Gregory Latsis. Sounds familiar ang last name na iyon nung college days niya, na may kinilaman sa first love niya.

" Hindi kaya.....? Hmp, nagkataon lang siguro" pagwawalang bahala ni Kyla sa kutob niya. 

Umuwi siya sa bahay niya at nag bukas ng gate ay si Mumay ang kasambahay niyang ngongo.

" Ane ngod ebning, ngumain nga na ba? Sabi ni Mumay

" Hindi pa nga ako kumakain eh, paki handa mo nalang ako ng makakain"

" opo ane"

" Salamat Mumay"

Si Mumay ay 14 year old na dalaga. May kapansanan ito sa pananalita na idinadaan ito sa ilong o ngongo kung tawagin. Galing siya sa bahay ampunan kung saan naging volunteer teacher si Kyla, sumama si Mumay sa kanya at tinanggap siya ni Kyla. Sa kabutihang palad ni Kyla sinuportahan niya si Mumay sa pag tra-training sa TESDA upang lumawak ang kaalaman nito. 

Love Me Like The First Time ( SPG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon