V

588 18 0
                                    

Pagkalabas namin sa kuwarto ni aling Nena ay may kinuha si Bryan mula sa likod ng pantalon nya.

"B-baril? Kailan ka pa may baril Bry?" Gulat kong tanong.

"Hindi ito ang tamang oras para problemahin mo kung san ko nakuha 'to" Lumingon sya sa akin na punong puno ng galit ang mga mata nya.

Kinasa nya ang baril na hawak nya "Tapusin na natin to Kirk, hindi ako papayag na madagdagan pa ang mga mapapaslang ng kung sino mang Put*ng inang baliw na yon, hindi natin hahayaang mamatay si Heart. Sya lang ang pag-asa mong magka-girlfriend"

Nagpatuloy na sya sa paglakad palabas ng pintuan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi nya sa'kin. -____-

Sumunod ako sa kanya bitbit parin ang baseball bat ko na hindi ko alam kung may mapag gagamitan ba.

"LUMABAS KA ! KUNG SINO KA MAN ITO NA ANG HULING ARAW MO SA MUNDO GAG* KA !" Galit na galit na sigaw ni Bryan. Ngayon ko lang sya nakita na ganito ka-galit. Kahit naman siguro ako ay ganito ang mararamdaman kung mawala ang taong mahal ko.

Nagpaputok sya ng baril sa langit.

"Bry ! Tama na !" Pero hindi ko sya ma-awat. Bat ko nga ba sya inaawat? Well, Ayoko lang siguro talaga ng dahas, kahit pinatay na ang mga kaibigan ko. Napaka-duwag ko.

Patuloy syang naglakad papunta sa likod bahay.
"LUMABAS KA JAN ! HARAPIN MO AKO ! HUWAG KANG MAGTAGO SA DILIM !"

"Oo nga !" Hiyaw ko rin. Kahit mejo natatakot ako.

"MATAPANG KA LANG DAHIL NAGTATAGO KA ! HALIKA DITO ! NG MAKITA MO ANG HINAHANAP MO ! LUMABAN KA NG PATAS T*NGINA MO !"

"On nga !" Hiyaw ko ulit.

Nagpaputok muli si Bryan sa tapat naman ng likod bahay.

Maya-maya iniluwa nito si Heart, pero kalahating katawan nya lang ang nakalabas mula sa pinto nito. Nasubsob sya sa sahig at nagkagalos.

"K-kirk. Tulungan mo ko" Ani Heart na tila naghihingalo. Halos lumabas lahat ng ugat ko sa leeg dahil sa galit sa nakita ko.

Yung taong mahal ko, gaganyanin nya?! Kulang nalang mag-super saiyan ako sa sobrang galit ko ! Tumakbo ako papunta kay Heart pero tila dahan-dahan syang hinigit ulit papasok sa loob ng madilim at maduming bahay tambakan.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko.

Tumakbo si Bry papasok sa loob.

"Ako ng bahala Pre. Ililigtas ko ang mahal mo"

Tuluyan parin akong natulala sa kinatatayuan ko. Tila hindi nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyayare. Napaka-duwag ko. Hindi ko man lang maipagtanggol yung taong mahal ko. Kahit narinig ko na syang humihingi ng tulong sa'kin.

Maya-maya ay nakarinig ako ng putok ng baril mula sa loob.
"PUT*NGINA ! BRYAN ! HEART !" Tunog ng baril ni Bryan yun ! Nabaril nya ba? Napatay na ba nya ang salarin?!

Nanatili akong nakatayo parin sa pwesto ko. Nanginginig ang mga tuhod.
ilang minuto ang lumipas, wala parin ni isa ang lumalabas sa kanila.

Sobra na ang panginginig ng tuhod ko. Hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako.

Kokoraoookk~

Dahan-dahan ng lumalabas ang araw, pero ako ay naiwan paring nakatulala sa labas.
Ng bumalik na ang ulirat ko ay napagdesisyonan ko ng pumasok sa loob. Maaaninag ko na ang loob dahil kahit papaano ay may sikat na ng araw.

Nakita ko si Bryan na nakadapa habang hawak pa ang baril nya at naliligo sa sarili nitong dugo, Halos manlumo ako sa nakita ko. Namlambot lalo ang tuhod ko, napaluhod ako. Yung kalamnan ko parang biglang bumigay lahat. Gusto kong masuka sa inis ! Sa galit !

"B-b-bry? Bryan?" Dahan dahan ko pa syang tinapik, sa pag-asang baka buhay pa sya.  Pinakinggan ko ang pulso nya pero wala na.

Na maya-maya ..

May narinig akong hikbi mula sa likod ng luma at sira-sirang cabinet na naka-tambak. Kinuha ko ang baril ni Bryan at itinutok sa kung saan ko naririnig ang tinig na yon. Pagsilip ko don ay nakita ko si Heart !

"Heart? BUHAY KA !" Nahulog ko ang baril at yinakap sya.

Hanggang sa huling hininga ni Bryan ako parin ang inisip nya, nailigtas nya ang taong mahal ko at hindi ko man lang sya nai-libre ng alak ! Pero huli na. Wala na si Bryan, wala na yung kaibigan ko na walang ibang inisip kundi ang pagsuporta sa love life ko.

Wala na ..

-End of chapter 5-

A/N:

Please leave a comment if you enjoyed reading. I appreciate suggestions, and don't forget to VOTE and follow. :)

Psycho || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon