Dumating na ang ambulansya sa pinangyarihan ng Krimen. Pinauna ko na si Heart at Kia papunta sa hospital. Nagpa-iwan ako, hindi ko din alam kung bakit. Parang may bumubulong sa'kin na mag-stay pa ako.
Kring kriiing~
Biglang tumunog ang cellphone ko at dali-dali ko itong sinagot.
"Hello Kirk? Ako to si Gela, kasama ko si Red. Gising na si Chollo ! Pumunta ka dito ngayon sa hospital bilis ! Now na ! Kilala na namin kung sino yung pumapatay Kirk !"
"What? Pa-paano nyo nalaman?"
"Yung videocam !"
"Anong ibig mong sabihin? Don't tell me na-videohan nila Crown ang itsura ng killer gamit yun? Pero di ba madilim dun? Paanong?"
"Wag ka ngang tanga Kirk, malamang may night mode yun ! Basta pumunta ka na dito ngayon na !"
Wala na akong sinayang na oras pa at dali-dali akong pumunta sa hospital na kinaroroonan ni Chollo.
Pagpasok ko sa kwarto nya ay nandun sila Gela at Red. Nakatayo si Red sa may bintana. Si Gela naman ay nakaupo. Sobrang lugmok ang mga itsura nila. Dahil narin siguro sa pagkamatay ng mga kaibigan namin. Si Chollo ay nakadilat na pero hindi pa masyadong makapag-salita.
Sabay-sabay silang lumingon sa akin.
"Nasan ang videocam?" Tanong ko, at umupo ako sa tabi ng higaan ni Chollo.
"Wala sa amin ang videocam Kirk, pero alam ni Chollo kung nasaan" Ani Gela.
"Iisang tao lang daw ang pwedeng kumuha nun" Lumapit sa akin si Red.
"S-sino?" Halos huminto ang puso ko sa kaba sa bawat salitang bibigkasin nila.
"Hindi ka maniniwala pag sinabi namin kung sino dude. Halika puntahan natin, sinabi na sa amin ni Chollo kung nasaan marahil yung videocam" Lumakad si Red palabas ng pintuan ng kwarto ni Chollo. Kinakabahan man ay sumunod ako sa kanya. Si Gela naman ay naiwan sa hospital.
Bumiyahe kami ni Red papunta sa sinasabi nyang lugar. Tahimik lang kami pareho sa loob ng sasakyan nya. Tila may ayaw syang sabihin sa akin. Well, sabi nya di rin naman daw ako maniniwala pag sinabi nila. Kaya siguro ganito sya.
Huminto sya sa tapat ng isang bahay.
"Teka, bahay to ni ..."
"Halika na" Lumabas ng kotse si Red ng madalian.
Luminga-linga muna sya sa paligid bago talunin ang gate na di naman kataasan.
"Red ! Ano bang ginagawa mo? Trespassing ang ginagawa mo, lumabas ka jan !" Pahiyaw na bulong ko sa kanya. (Basta yung bulong na pasigaw)
"Ayaw mo bang malaman yung totoo?" Nakakunot na yung noo nya.
Gusto kong malaman kung sino ang pumapatay pero .. ayokong malaman na may katotohanan ang lahat ng akusasyon nila. Kahit kay Chollo na mismo nanggaling ang katotohanan. Alam kong hindi sya nagsasabi ng kasinungalingan sa ganitong pagkakataon. Pero mahirap kase talagang maniwala !
Maya-maya ay tumalon nadin ako sa bakod. Hindi ako maaaring maging duwag nalang habang buhay. Kailangan kong gawin ito. Ang maging matapang man lang kahit isang beses sa buhay ko.
May kinuhang hair pin si Red mula sa bulsa nya, pinaghandaan talaga nya ito.
Makatapos ang ilang ikot sa door knob, ay nabuksan na ang pinto ng bahay. Dahan-dahan kaming pumasok na tila mga pusa kung mag-lakad. Walang maririnig na ingay.Umakyat kami sa 2nd floor at pumasok sa isang kwarto. Inilawan namin ang paligid gamit ang mga flaslight sa mga cell phone namin at nag-umpisang maghanap.
BINABASA MO ANG
Psycho || Completed
Mystery / ThrillerShort horror/comedy/romance story. Actually, One shot lang dapat ito. Pero nilagyan ko ng lovelife yung bida kase romance is life. Hahaha ! Enjoy reading guys ! Pasensya na kung may makikita kayong typo's or kung ano pa mang kamalian. I'm not a pro...