chapter thirteen

86 14 0
                                    

Sophie's POV

ang lakas ng kabog ng puso ko,,, sobrang lakas na parang yun nalang ang naririnig ko........

hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag iyak., bigla nalang tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan,,, ayoko umiyak pero hindi ko mapigilan...

MASAKIT...

masakit na makita ang nag-iisang lalake na minahal mo at minamahal, na may kasamang ibang babae....

at hindi lang sila basta mag-kasama...

nagki-KISS pa sila.......

hindi ko alam ang magiging reaction ko kaya tumakbo nalang ako at nag-tago sa isang tabi....

at eto... umiiyak...

ayokong kausapin si Edward ng ganito ang itsura ko, ayokong maawa siya sakin... ayokong makita niya akong umiiyak..

hindi pwede to Sophie, dapat maging malakas ka,,, dapat kayanin mo... dapat tumigil ka na sa pag iyak at magpaka tatag ka...

Thea's POV

HUH? si Bessy tumatakbo.... san naman papunta yun?

tapos si Edward,, tumatakbo din papunta kay Bessy... anung nangyayari? batay sa nakikita ko ngayon, parang hindi sila okey... pero bakit hawak ni Edward yung Peace offering ni bessy para sakanya?

hayyyy... susundan ko na nga lang si Bessy...

hanap

hanap

hanap

hanap

ayun!

"Bessy!!! anung ginagawa mo ja....."  pugto yung mata nya,,, so tama nga ako,, hindi sila okey...

hindi ko na siya tinanong at niyakap ko nalang,, sa mga panahong ito kailangan nya ng masasandalan,, at maiiyakan... kahit hindi ko alam kung anung nangyari... nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Sophie... 

ngayon ko lang siya nakitang umiyak sa harap ng ibang tao... kalimitan kasi nagkukulong lang yan sa kwarto tapos lalabas kapag okey na siya...

"Bessy,, sorry hah.. nabasa ko pa uniform mo.. okey na ako.. uuwi na muna ako,, masama kasi yung pakiramdam ko ehh."

"samahan na kita...ayoko din namang pumasok sa next subject ko... sabi ko naman sayo,, nandito lang ako di ba? okey lang naman sakin kung sasabihin mo sakin kung anong problema..."

"umuwi nalang muna tayo Bessy,, ayoko dito sa school,,"

"sige, sa back gate nalang tayo dumaan para hindi ka masyadong mapansin.."

so yun nga umuwi kami at kinuwento sakin ni Bessy ang nangyari.. hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa yun ni Edward,,, kaya pala hawak ni Edward yung peace offering nya kasi nahulog niya daw ata yun nung nakita niya sila na.... alam nyo na.....

pag nalaman to ni Crissy,, hindi ko alam kung anung gagawin niya kay Edward...

Speaking of DUH Bading.... andito na siya..

(whispering) " si Sophie? ok na ba siya?"

"hindi, andun sa kwarto.. gusto daw muna nya mapag isa,, alam mo na kagad? pano?"

"alam mo naman basta si Edward,, ang Chismis mabilis... pero naku...! pag nakita ko talaga ang pag mumukha ng lalakeng yun... magkakahalo ang balat sa tinalupan... kapal ng mukha nilang dalawa... at sa campus pa nila ginawa yun?!! aisssshhhhh..."

"huminahon ka nga! si Sophie muna ang intindihin natin ngayon... sobrang nasasaktan siya ngayon.. hindi ko nga alam kung pano ko siya i-aaproach.. kaya hinayaan ko na muna siyang magisa.. para mawala kahit konti yung sama ng loob niya."

"so hintayin nalang natin na lumabas siya jan? ayoko nga!"

lumapit si Crissy sa pinto at kumatok.

tok

tok

tok

"sophie,,? si Crissy to,, papasok ako ahhh.."

"......"

pumasok na kami at si bessy walang kibo na nakahiga sa kama na may talukbong...

"oi,, okey ka na ba? nag aalala ako sayo kaya pumunta na ako dito.. alam mo naman na ayokong umiiyak ka.. halika nga dito.."

niyakap ni Crissy si Bessy at nagsimula na naman siyang umiyak.

"ayan Crissy! pinaiyak mo na naman ang Bessy ko,, bad ka talaga!"

"hindi naman Bessy,, hik.. hik.. hik.. syempre umiiyak ako pero hindi naman dahil yun kay Crissy,.."

"ganyan talaga Thea,, ngayon iiyak talaga yan si Sophie,, pero bukas.. wala na yan,,, di ba Sophie? ngayon, nasasaktan siya,, pero bukas.. wala nang lahat ng yan.."

tumango tango naman si bessy,, para siyang bata,,

"Salamat sa inyo ahh.. Power Puff Girls talaga tayo... hindi nyo ko iniiwan.. kahit masakit kakayanin ko... mas magiging matatag na ako at malakas ngayon... lalo na at alam kong nanjan kayo para sakin.."

"tama yan, Sophie... sabi ko sayo Thea ehh... tayo ang Power Puff Girls! at wala tayong inuurungang problema.... pero curious ako....anu nang balak mo kay Edward? sa inyo? sa relationship niyo?"

"i-B- Break mo na ba siya? o aalamin mo muna kung anong totoong nangyari? o bibigyan mo siya ng another chance? basta Bessy,, tandaan mo, pakinggan mo lang kung anong sinasabi ng puso mo at samahan mo ng mga rason ng Utak mo.. hindi kasi pwedeng puro PUSO ka lang... dapat may kasamang ISIP para hindi mo pag sisihan sa huli.. okey?"

"kung maka advise ka naman jan... EXPERT?" -Crissy

"nakapag desisyon na ako.. pero sa akin muna yun.. pag iisipan ko pa ng mabuti para hindi ko pag sisihan sa huli.. tama ka Bessy.. wag kang mag alala,, kung anuman ang magiging desisyon ko,, sisiguraduhin ko na para sa ikabubuti naming dalawa yun ni Edward..

pero sa ngayon,, gusto ko mag ICECREAM!!!  tara? icecream tayo?"

hayyyy naku... kakaiba talaga tong si Bessy,, kitang kita naman sakanya na nasasaktan siya pero pinipilit parin nyang ngumiti... pinipilit nyang maging okey kahit hindi okey ang mga nangyayare...

_____________________________________________________________________________

sorry kung eto lang yung update ko... magulo kasi isip ko ngayon ehhh..

sana mag patuloy pa rin kayo sa pag babasa para malaman niyo kung anung desisyon ni Sophie about sakanila ni Edward..?

a.) will she give him another chance?

b.) give him up and move on?

c.) try to get even with him?

d.) or give him another chance then, get even with him..

abangan... sa next update.. hehe

A TWIST OF FATE (sloooooooow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon