Chapter 7teen

27 1 0
                                    

Sophie's POV

So eto na nga ako, totoo na to, vice president na talaga ako ng pink cross at wala na akong magagawa dun, wala na akong magagawa kung ang makakapartner ko lang naman ay ang isang antipatiko, masungit, bipolar, weird, at mayabang na Presidente na si Mr. Cruz..

Since 2nd month palang ng 1st sem, hindi pa masyadong busy sa subjects namin, pero busy na kami sa projects for the Org. Andaming nakaschedule, and don't get me wrong, gusto ko naman talagang magsilbi.. But.

BUT, hindi ko alam kung kaya kong makapagfocus sa pagseserve sa iba kung ang kasama ko nga ay yung unggoy na un. Tsssss... I just can't stand him..

And I guess, he can't stand me either, so that leave us both with nothing... Haaaayy, ang hirap.

"FLASHBACK"

*winx winx (ringtone ko po yan ^__^v)

1 message

From: PC. Gene

Si Gene, siya ang PRO ng Pink Cross, Social work ang course nyan, at napakabaet na bata... Hmmm, bakit kaya napatxt to? Ano kayang announcement?

Good evening guys, our Adviser Mrs. Castaneda wants to meet us tomorrow at 6pm in the Pink Cross office. Schedule for activities and other announcement will be given so attendance is a must. Thank you.

Ahhh, finally makikilala ko na din adviser namin, sabi nila terror daw yun, pero kapag nakaclose nyo na, masaya naman daw kasama, nursing professor ata un ehh pero nagtuturo din siya sa med tech... Hmmm interesting.. Medyo natagalan bago namin siya nameet kasi nasa states siya last month for a research presentation ata, Im not really sure.. Kaya din nadelay lahat ng activities namin..

-MEETING-

Tapos ng magpakilala si maam at mabaet naman siya, andami naming activities at excited na ko, una naming pupuntahan ay ang boy's town, mag eeducate sa mga bata, role playing, at kung ano ano pang bagay.. Umalis na siya matapos niyang magpakilala at maannounce ang mga kailangang inannounce kasi magtuturo pa siya for graduate school.. Grabe, super sipag lang ng Peg ni maam.

Sobrang dami ng preparations, at sinisimulan na namin ngayon, mga hanggang 9pm daw kami ngayon sa school.. Kanina nagsalita si Mr. unggoy (Psalm), binigay niya yung concept ng gagawin namin, super organized niya, may mga teaching plan pa siya, nakalagay yung strategies na gagamitin sa pagtuturo, mga naka assign dun, allotted time, teaching materials at volunteers at tsaka kung ano ano pang kachurva ek ekan..

Naka assign ako sa teaching materials, so magreresearch kami ng kagroup ko para sa content nun, tas gagawa kami ng visual aids, something something.. Mga ganun tapos biglang sumingit si Mr. unggoy,

"Gawin nyong child friendly ung visual aids ahh, tapos it would be helpful kung gagamit kayo ng words na madaling maintindihan ng mga bata," sabay tingin sakin

"ahhh, okay, kelan namin pwede ipakita ang content sayo, para makagawa na din kami ng visual aids?" sabi ko naman ng seryoso, syempre kunwari lang, :)

"hmmm, I'd really appreciate it kung bukas meron na, mas maaga nyong magawa, mas maaga din kayong makakagawa ng visual aids at mas maagang mapapagaralan ng speakers ung content"

"Bukas? Wala akong mahabang break bukas ehh, and I don't think my groupmates can do it na mamaya since late na nga tayo makakauwi,"

"kaya nyo yan, andito naman ako hanggang 8pm bukas ehh, so I'll wait, dito nalang din sa office, okay?"

Sabay alis,. ni hindi na man lang hinintay ang sagot ko.. At yung pagkakasabi nya, hindi patanong, ung tipong desidido na talaga at wala na akong choice.

A TWIST OF FATE (sloooooooow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon