Kabanata 2

39 4 0
                                    

Kabanata 2


-Yesha-

Ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat, kung bakit kami papuntang Maynila sa mga oras na ito, doon magsisumula ang misyon naming tatlo.


Tama kayo ng basa kaming tatlo nga ang gagawa ng misyon na ito, mabuti sana kung si Hara lang ang kasama ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit pati ang empakto na iyon ay kasama pa. Pare parehas kami sa dalawang misyon, ibig sabihin sama sama kami, nakakainis at may mga kasama pa ako, kaya ko naman ang sarili ko hindi ko kailangan ng kasama. Mga panira lang sila sa magiging plano ko.


Ang sabi ni Zoltan sa pangatlong misyon na kami magkakaiba dahil may ibat iba kaming hangarin. Hindi ko alam kung bakit may ganoong arte pa silang nalalaman, kaya ko ang tatlong misyon o higit pa ng mag-isa hindi ko kailangan ng mga kasamang magiging sagabal sa plano ko, tsk.

Gagawin ko ang misyon para sa natitira kong oras at buhay, kung ano yung kay Hara at Alzack ay hindi ko rin alam, wala rin akong alam na kahit anong ideya, si Hara ay masyadong tahimik para malaman ko ang dahilan, si Alzack naman ay masyadong masiyahin para malamang may problema din siyang pingdadaanan.

Tss. Dyan magaling ang mga tao eh, sa pagtatago sa likod ng mga maskara nila. Akala mo mabait, yun pala mas masahol pa kay Judas.

Sa totoo lang ay kasabay kong lumaki ang dalawang iyan, kay Zoltan kami lumaki, ibig sabihin mga ulila kami, si Zoltan ang nagpalaki at kumupkop sa aming tatlo. magandang bagay na sana iyon para sa akin, pero sa kasamaang palad ay hindi. At eto ako ngayon kasama si Hara at Alzack , pare parehas kaming madudumi ang kamay, pare parehas kaming pumapatay ng demonyo.

Yun ang trabaho namin.

Kahit kasabay ko silang lumaki, hindi ko sila lubusang kilala, hindi ko alam kung anong kwento ng buhay nila, hindi ko rin alam kung may bagay din sila tulad ng nasa katawan ko. Pero isa lang ang sigurado ako, tulad ko ibinaon din nila sa limot ang matinding bangungot ng buhay nila.

Wala akong pake sa buhay nila, kasabay ko lang silang lumaki pero hindi ko sila mga kaibigan, wala akong itinuturing na kaibigan sa mundong ito.

----

Mahaba haba din ang byahe naming tatlo gamit ang kanya kanya naming kotse, kung nagtataka kayo kung pano kami nakabyahe sa edad naming 16, ay hindi ko rin alam mas matanda kami ng apat na taon sa mga lisensya namin. Malakas ang hatak ni Zoltan sa mga tao kaya siguro walang kahirap hirap ito para sa kanya.

Base sa nakikita ko siguro ay nasa Maynila na kami, maraming matataas na gusali, maraming ilaw. Ang layo ng itsura nito sa aming pinagmulan.

Sa sobrang pagkamangha ko ay binuksan ko ang bintana ng kotse ko, at patuloy paring sinusundan ang kotse ni Hara kung san man ito magpunta, sa likod ko naman ay ang kotse ni Alzack.

Nilanghap ko ang hangin mula sa labas pero ito ay tila kakaiba 'polluted' nga kung tawagin. totoo din pala ang mga nababasa ko tungkol sa Maynila, mas maingay din dito kumpara sa aming probinsya.

"Malapit na tayo wag lang kayong lalayo sa kotse ko" narinig ko ang walang buhay na boses ni Hara. Napalingon ako sa monitor sa may gilid ng kotse ko, siya nga, nakita ko ang mukha niya habang nakatingin sa daan. Tumango ako bilang tugon, at ganun din ang ginawa ni Alzack na sinamahan niya pa ng malaempaktong ngiti.

---
"Nandito na tayo" narinig ko uli ang boses ni Hara kasabay ng pagtigil ng kotse nya sa tapat ng isang malaking bahay, mas malaki pa ito sa tinutuluyan ko sa probinsya at ganun din sa bahay ni Zoltan. Hindi ko maiwasang hindi mamangha.

The Last Hour [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon