Kabanata 3

42 4 4
                                    

Kabanata 3.

-Yesha-

"Waahhh Hara ang laki-laki naman ng eskwelahan mo! Beri Ameyzing, ulala."

"Hindi ako makapaniwala na mag aaral na uli tayo Yesha."

"Ang ganda talaga dito, BOOMPANES!"

Kanina pa daldal ng daldal ang empaktong katabi ko, nakakairita talaga, panira ng umaga. Ang dami niyang sinasabi isa na dun yung 'Boom- ano nga uli yun? Pati yung 'ulala' at 'amising'? Nagmumukha siyang alien tss.

Unang araw namin to dito sa paaralang pinapasukan ni Hara, tama nga si Boom- este empakto na malaki nga ito. Marami ding estudyante ang nagdadaldalan sa tabi, mga nagbabasang weirdos tulad ni Hara at mga naghahalikan? Nakakairita talaga at nakakadiri pa. Tsk.

"Section A tayo" sabi ni Hara habang nakatingin sa bulletin board.

"Ganun siguro tayo katalino bwahahaha" hindi ko alam kung sadyang empakto talaga si Alzack o talagang maluwag na ang turnilyo sa utak niya.

"Manahimik ka Tss"

"Waahhh si Yesha kinakausap na ako!! Ikaw nalang talaga Hara hihi, Boom Saya!"Napailing nalang ako sa mga katangahang ginagawa ng empakto na to.

--

Pagtapos ng kaempaktuhan ni Alzack ay dumeretso narin kami sa room namin, 4th year highschool na kami at huling taon na namin ito sa highschool. Matagal din kaming nahinto sa pag aaral, kaya sa pagkakataong ito hindi dapat nagsasayang ng oras ang tulad ko.

Pag pasok namin ay agad sumalubong ang magulong klase. Ganito ba ang tinatawag nilang section A? Kalokohan.

"Masanay na kayo" wika ni Hara.

Muli akong napatingin sa buong klase, walang pinagbago ang gugulo parin, mga wala silang pakialam sa ibang tao.

Kung wala silang pakialam ay mas wala rin akong pakialam. Pumwesto ako sa dulo kung saan walang sagabal, sa 1st row naman ay si Alzack na pinagkakaguluhan na ng mga babae, kesyo daw Pogi? Tss Kalokohan, si Hara naman ay nasa bandang unahan ko na tahimik sa pagbabasa. Weirdo talaga. Napansin ko din na tanging ang katabing upuan ko lang at ang sumunod pa nitong tatlong upuan ang bakante, siguro ay sobra lang ang mga ito. Bagay na ikinasaya ko dahil walang sagabal.

Maya maya ay dumating narin ang nasabing guro namin, may edad na ito kung tutuusin at napag alaman kong dalaga pa. Kawawa tumandang dalaga. Tsk tsk. Kung tutuusin ay maswerte pa sya dahil walang mga lalaking sagabal sa buhay niya. Sakit lang naman kasi ang mga yan sa ulo.

"Dahil unang araw ng klase natin ngayon, nais kong ipakilala niyo ang inyong mga sarili"

Masyadong makata ang guro na ito. Tss.

"Good morning everyone! Alzack Zefron here!! Friends na tayong lahat! Hehe Boom!!"

"PANESS!!!"

Sinimulan ni Alzack ang pagpapakilala, pero hindi ko inaasahan na marunong din pala sa salitang alien ang mga kaklase namin, mga empakto din ata sila tulad ni Alzack may pa 'Boom-peyns' ba yun?. Tsk tsk.

Sunod sunod na ding nagpakilala ang iba pa naming kaklase, lahat sila mga nakakairita, maiingay, mga empakto!

"Binibining, Ezra ikaw na ang susunod"

Napatingin ako kay Hara ng tawagin siya ng makata naming guro, tumingin siya sa lahat ng kakalase namin atsaka binalik ang tingin sa aming guro.

"Hindi ako interesado sa inyong lahat." Yun lang ang sinabi niya at bumalik uli sa pagbabasa ng libro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last Hour [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon