Kabanata 1

70 3 2
                                    

Kabanata 1













Magandang paraiso,
Yun ang itatawag ko sa lugar na ito. Ang ganda, napaka ganda.







Luntiang mga damo, mga puno, maaliwalas na kalangitan, mga humuhuning ibon,malinaw na tubig sa ilog, masayang pamilya.





Hindi ko maiwasang hindi ngumiti, tila ako ay nasa langit kasama ng aking pamilya. Napakasaya.

"Isabel" tawag sa akin ni mama habang nakangiting hinahaplos ang mahaba kong buhok, ang ganda talaga ni mama, sabi nila namana ko daw ang kagandahan niya.



"Bakit po mama ?" Sagot ko kay mama. Habang pinagmamasdan si papa na nanghuhuli ng isda sa ilog. Madalas namin itong gawin ng magkakasama.



"Gusto ko lang sabihin na lagi kang maging matatag, mata----" pinutol ko ang sasabihin, eto nanaman kasi kami eh.



"Na lagi po ako maging matatag, matapang, at lagi din po akong magiingat. At tuparin ko lahat ng mga pangarap ko. Mama naman eh paulit ulit tayo, unli?" natatawang sagot ko.isang magandang ngiti naman ang isinukli niya sa sinabi ko..



"Isa pa Isabel lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng mama mo" dagdag ni papa habang papalapit sa amin ni mama dala ang mga nahuling niyang isda, ang lawak ng mga ngiti sa labi ni papa..



Ang saya ko ngayon, napakasaya.
"Opo papa lagi ko pong tatandaan yan"



Ipinikit ko bahagya ang mga mata ko habang may isang malaking ngiti sa aking mga labi ramdam na ramdam ko pa rin ang paghaplos ni mama sa buhok ko.



Ilang saglit ay naramdaman kong tumigil ang hangin, pati na rin ang mga huni ng ibon ay hindi ko na naririnig, pati ang paghaplos ni mama sa buhok ko ay hindi ko na rin nararamdaman.



Unti unti kong minulat ang aking mga mata.. Madilim yun ang nakikita ko..



"Mama!! Papa!!" Sigaw ko, pero hindi sila sumasagot, takot, yun ang nararamdaman ko sa mga oras na ito..


Ninenerbyos ako, hindi ko alam ang gagawin ko.. Hanggang sa unti unting lumiliwanag ang paligid at doon ko nakita ang mama at papa ko, nakaluhod sa tapat ng isang lalaki, habang may dalawa pang lalaki sa likod nito, may hawak silang baril..



Tila napako ako sa kinatatayuan ko, nanginginig ang buong katawan ko sa mga nakikita ko. Bahay namin ito, bahagya kong inilibot ang aking paningin para makasiguro sa mga nakikita ko, tama bahay nga namin ito. Pero papaano ?



"Nakikiusap ako, huwag niyong kunin si Isabel! Isa lang siyang bata! Hindi pa siya handa!!" Sabi ni mama habang umiiyak, ayaw ko siyang nakikitang umiiyak ayaw ko silang nahihirapan..



Napahawak ako sa aking bibig para mapigilan ang aking pagsigaw, sinampal ng lalaking iyon ang mama ko, wala akong ideya kung sino siya at kung bakit nila iyon ginagawa sa mama at papa ko.



"Manahimik ka !! Lapastangan!! Nangako kayo na ibibigay niyo sa amin ang anak niyo pagtungtong niya ng dose anyos !!!" Singhal sa kanya ng lalaki.


"Nakikiusap ako Zoltan, huwag mong kunin si Isabel, kami nalang ang patayin mo, kami nalang ang pag eksperementuhan mo, wag mo nang idamay ang bata!!" Si papa, hirap na hirap na rin siya. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko.



"Huwag mo akong gawing tanga Alfred, alam nating pareho na ang anak mo lang perpekto para sa eksperementong iyon na ikaw rin mismo ang gumawa!!! At tanggapin mo na, na ikaw din ang papatay sa sarili mong anak!!"



The Last Hour [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon