DIMPLE P.O.V.
Ang saya ko ngayon dahil binisita ako ni Scoup boyfriend ko.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko at kiniss ko siya.
"Ahh yayayain lang sana kitang kumain" Sabi niya
"Sige wait lang magbibihis lang ako" sabi ko at pumunta na sa kwarto para magbihis.
Inilatag ko lahat ng dress ko sa kama dahil gusto ko maganda ako sa date namin ni Scoup
Ewan kung date yun.Pero diba pag kumain sa labas ang magkasintahan date narin tawag dun.Hihi kinikilig ako.Pinili ko ang color blue dress na hanggang tuhod at white shoes.
Naglagay ako ng konting lipstick at powder sa mukha at nilugay ko lang ang buhok ko.Ayan ang ganda ko na:)Paglabas ko ng kwarto nakita ko si scoup na naka tayo at lakad ng lakad.Parang hndi siya mapakali.Anong nangyayari dun?
Lumapit ako sa kanya kaya napatigil siya sa paglakad.
"Anong ginagawa mo? Bakit parang hindi ka mapakali?" Tanong ko
"Ahh wa..wala nagugutom na kase ako ei" Natatawa niyang sabi.
"Ganon ba? Pasensiya na ang tagal ko ata." Sabi ko
"Ok lang babe.Tara na" Aya niya sakin.Tumango lang ako at naglakad na palabas.
Nilock ko muna ang gate bago ako sumakay sa kotse niya.
Nang makarating na kami sa kakainan namin agad na nag order si scoup.Mukhang gutom na nga talaga ang babe ko.
Nang ilagay na ng waiter ang inorder ni scoup ay nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain kami ni Scoup bigla siyang nagsalita.
"Aalis ako" napatingin naman ako sa kanya
"Mag ccr ka?" Tanong ko
"Hindi" sagot niya.Napataas naman ang kilay ko
"Eh san ka pupunta?" Tanong ko ulit
"Aalis ako ng bansa." Napatigil ako sa pagkain at natahimik ako sa sinabi niya.
"Sa makalawa na ang alis ko" nabitawan ko ang kutsara na hawak ko.
Lahat ng saya ko ngayong gabi ay nawala sa sinabi niya.Bakit siya aalis? Gusto kong itanong yan sa kanya pero walang lumabas sa bibig ko.Naramdaman ko nalang ang pag patak ng luha ko sa mga mata ko.
"Tinanggap ko ang offer ng boss ko na idistino ako sa ibang bansa." Sabi pa niya.
"Kailan pa?" Sa wakas ay may lumabas narin na salita/tanong sa bibig ko.
"Nung isang linggo pa" sagot niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Nung isang linggo pa pala! Pero bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Scoup ano mo ba ako? Diba girlfriend mo ako! Scoup wala lang ba sayo yung nararamdaman ko?" Umiiyak na may galit na sabi ko sa kanya.
"Kaya hindi ko agad sinabi dahil alam ko na ganyan ang mgiging reaksiyon mo." Sabi niya.
"Malamang scoup pinalipas mo pa ang ilang araw bago mo sabihin sakin! Ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon ko? Matutuwa ako,Magtatatalon ako sa tuwa?.Sa tingin mo kung sinabi mo agad sakin magagalit ako ng ganito? Hindi!" Galit na galit na sabi ko.
"Siguro naman maiintindihan mo na kaya ko tinanggap yun ay para sa pamilya ko.Para sa kinabukasan nila,dahil gusto ko silang tulungan."
"Hindi ako nagagalit dahil tinanggap mo yung offer sayo ng boss mo.Ang kinagagalit ko ay dahil pinalipas mo pa ang ilang araw bago mo sabihin sakin ang tungkol dito" Halos mawalan na ako ng hininga dahil halo halo ang nararamdaman ko.