Dimple P.O.V
Nang makarating ako sa bahay.May nakita akong Babae na nakatayo sa harap ng bahay ko.May mga dala rin itong dalawang malaking malita at isang bag na hawak niya.
Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Sino ho kayo?" Tanong ko
Napaharap siya sakin.Nagulat ako ng humarap siya.
"Anak" sabi niya at niyakap ako.
"Anak miss na miss na kita" sabi niya kalas sa yakap niya sakin
"Kamusta kana anak.Ang laki mo na." Sabi niya at hinawakan ako sa mukha.Bigla namang tumulo ang luha ko.Gusto kong sabihin sa kanya na "miss na miss narin kita ma" pero walang lumalabas sa bibig ko.Pero nangingibabaw yung galit ko sa kanya dahil sa pag iwan niya sakin.
"Pumasok na tayo sa loob" sabi ko at kinuha ang isang maleta na dala niya at nauna na akong pumasok.
Nang makapasok na ako sa bahay nakita ko naman siyang nakasunod.
Pumunta ako sa kusin at kumuha ng tubig.Nakita ko namang umupo siya sa sofa.
"Ang laki na ng pinagbago ng bahay ni nanay" sabi niya habang iniikot niya ang paningin niya sa buong bahay.
"Ayy nga pala nak.May mga pasalubong ako sayo.Ito mga damit,sapatos bag tsaka mga chocolate." Sabi niya habang hinahalungkat niya ang isa niyang maleta.
Naiinis ako sa kinikilos niya.Parang wala lang nangyari after 9 years.
"Labas muna ako.May pagkain pa sa ref.Kain kanalang" sabi ko at lumabas na.
"Tek~" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil lumabas na ako.
Lakad lang ako ng lakad ng mapagtanto ko kung nasan ako.Bakit dito ako dinala ng mga paa ko.Bakit nandito ako sa bahay nila jin.Hayst
Aalis na sana ako ng biglang bumukas yung pinto.
"Oh bakit nandito ka?" Tanong niya
"Hindi ko rin alam" napahawak ako sa bibig ko.Ano ba to bakit nagsasalita lang bigla.
"Ha?" Naguhuluhan niyang tanong.
"Ahh wala.Makikitambay lang sana.Ang boring kase sa bahay! Oo yun! Yun kung bakit ako nandito.Tama!" Parang ewan kong sabi.
Halata sa kanya na parang na wewerduhan siya sakin.Nakakahiya ka dimple.
"Pero kung ayaw mo aalis nalang ako" sabi ko at aalis na sana ng magsalita siya.
"Teka! Wala naman akong sinabing,ayoko.Tara pasok ka" sabi niya.
Pumasok naman ako sa loob at naupo sa sofa.
Pumasok naman si jin ng kusina at kumuha ng malamig na tubig.
"Oh inom ka muna" sabi niya sabay abot sakin ng tubig.Kinuha ko naman ito at ininom.Pagkatapos kong inumin binigay ko na ulit sa kanya.
Napatingin naman ako sa buong bahay.Infairnes malinis ang bahay nila.
"Ahh dito kalang ahh,bibili lang ako ng pwede nating makain" biglang sabi ni jin.Tumango naman ako at umalis na siya.
Naboboring na akong umupo.Malibot nga tong bahay nila jin.
Grabe mahilig pala sila sa mga Instrument.May piano,may gitara at meron pa nga silang all sets of drums.Sino kaya sa kanila yung gumagamit nito.
Naglibotlibot lang ako ng madaanan ko ang isang kwarto.
Gusto ko sanang pumasok kaya lang baka sabihin ni jin na wala akong hiya kase pumapasok ako sa kwarto ng ibang tao.