Hera:"Nay? Nay!" Nagdali-dali akong tumakbo para salubungin si Inay. Totoo ba ang nakikita ko? Nakakatayo na ito at hindi na nakaratay sa higaan.
"Anak mabuti naman at nasa mabuting kalagayan ka. Nako Hija itong lalaking to siya ang kumuha ng magaling na doctor ko. Nahihiya na nga ako dahil sa kabutihang kalooban niya." Sabi ni Inay. Napalingon naman ako sa gawi ni Connor na nakapamulsa at hindi man lang nakangiti. Oo, ang lamig parin ng mga titig nito ngunit alam kong may mabuti siyang kalooban.
"Nay mabuti nalang at nakakalakad na kayo." Sabi ko dito.
"Malaki ang utang na loob natin sakanya Hera. Dahil ginawa niya ang lahat mapagaling lang ako. Puntahan mo siya magpasalamat ka Hija dahil kinupkop ka niya dito." Sabi ng Ina.
Napalingon muli ako sa gawi ni Connor habang pinapanood lang kami nito. Dahan dahan akong lumapit sakanya at yumuko upang humingi ng pasasalamat.
"Salamat po Lord Connor. Malaki ang utang na loob namin sayo." Sabi ko. Tumikhim ito bago magsalita na pabulong lamang.
"Hindi to libre Hera." Panimula nito.
"A-alam ko po. Pabayaan niyo at magtatrabaho ako ng maigi para makabayad sainyo." Sa pagkakataong yon at magkatitigan na kaming dalawa. Malamig padin ang mga mata nito na walang kabuhay buhay.
"Hindi pera ang kailangan ko." Sabi nito. Napakunot noo na ako dahil hindi ko maintindihan.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Pagtatanong ko.
"Let's talk about this later." Sabi niya at naglakad papunta sa tauhan nito at may ibinulong. Yumuko naman ang tauhan nito sakanya at nagtungo sa kinaroroonan namin.
"Maganda umaga Lady Hera." Bati nito sakin. Hindi ko lubos maisip kung bakit Lady Hera na ang tawag nito.
"Ngayon din po ay uuwi na ang inyong ina. Maaari niyo siyang dalawin dito." Sabi nito at ibinigay sakin ang isang susi ng bahay na may kasama pang address. Napatingin naman ako kay Inay.
"Sige na anak, kailangan ko nading umalis at para makapag pahinga. Magpakabait ka dito at sundin mo ang inuutos ng amo mo." Sabi nito sakin ng magsalita ang lalaki.
"Mawalang galang na po Ginang?" Tanong nito kay Ina.
"Emilia, ako si Emilia Hijo ang Ina ni Hera."
Nakangiting pagpapakilala ni Inay."Ginang Emilia maaari ko na po ba kayong ihatid? Pinapatawag na po kasi ni Lord Connor si Lady Hera." Saad nito. Napangiti naman si Inay at tumingin sakin.
"Sige na anak mauuna na ako. Dalaw dalawin mo nalang ako pag may oras ka Hija." Sabi nito at hinalikan ako sa pisnge bago tuluyang umalis kasama ang tauhan ni Connor. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapag alaman kong nasa mabuting kalagayan lamang ang Inay.
Tumalikod na ako para pumasok sa mansion. Pagpasok ay kaagad akong sinalubong ni Emily. Mabuti na lamang at walang ginawang masama si Connor dito.
"Hera hinahantay kana ni Lord Connor sa opisina niya." Sabi nito. Napahinga naman ako ng malalim dahil ilang araw din ang lumipas noong huling nagkausap kami ni Connor. Napahawak muli ako sa balikat ko dahil ramdam ko parin ang kirot.
"Emily patawarin mo ako ha." Sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay niyo.
"Wala yon Hera ano kaba. Sige na at baka magalit nanaman ang demonyo." Bulong nito sakin kaya't nagtawanan kami ng mahina. Dumating naman ang mayordoma ng mansion. Siya si Madam Felizia na ubod ng sungit kasama ang assistant na lalaki ni Connor.
"Kayong dalawa anong pinagbubulungan at pinagtatawanan niyo diyan? Hala sige balik sa trabaho." Sabi nito. Kaagad naman kaming naghiwalay ni Emily at umakyat na ako sa taas patungo sa opisina ni Connor.
Pagkatok ko'y bumukas agad ito ng kusa. Kaagad naman akong pumasok at nakita ko itong nakaupo sa kanyang swivel chair at abala sa pagbabasa ng libro.
"Lord Connor pinapatawag niyo daw po ako?" Sabi ko. Tinanggal nito ang salamin sa mata at inilapag ang binabasang nobela. Nagkatinginan lang kami. Wala parin itong kahit anong emosiyon at nakasimangot lang. Wala talagang kahit konting lambing ang taong to dahil sa sobrang istrikto.
"Hera tulad ng sinabi ko sayo kanina hindi libre ang pagtulong ko sayo." Sabi nito at napatayo na siya sa upuan tsaka dahan dahang nag lakad at sumandal sakanyang mesa. Napalunok naman ako habang nakasimangot ang mukha nito. Nakasimangot na nakatitig lang sakin. Hindi ko talaga alam kung ano ang takbo ng utak nito.
"A-ano pong kapalit?" Tanong ko. Lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba at parang kakapusin pa ata ako ng hininga. Hindi ko alam kung ano ang kapalit ng lahat ng pagtulong nito sakin.
Dahan dahan siyang lumapit. Hindi niya ako hinawakan pero tinititigan lamang niya ako. Sa pag abante niya ay siya namang pag atras ko kaya't napasandal na ako sa pintuan. Ganon parin at walang pinag bago, hindi niya ako hinahawakan at tanging titig lamang na nakakailang ang kanyang ibinibigay sakin.
"Gusto kong maranasan ang mahalin Hera. Gusto kong mahalin mo ako. Yun ang kapalit ng tulong ko sayo. Gusto kong mahalin mo ang demonyong to." Sa unang pagkakataon ay nagsalita ito ng mahabang lintana. Napakagat ako sa dila ko hindi na halos rumihistro sa utak ko ang bawat katagang sinabi nito.
"Dahil walang nagmamahal sakin." Hindi ko alam kung bakit tumulo ang isang butil ng luha ko matapos niyang bitawan ang huling salitang yon.
BINABASA MO ANG
Trapped with the Devil ✔
ChickLitMagbabago ang buhay ni Hera kasabay nang pagbabago ng kanyang itsura. Papasok ito sa mansiyon ng isang makapangyarihang lalaki na kinatatakutan ng marami na si Connor Ace Scott. Hiram na mukha, hiram na katauhan. Ano nga ba ang mangyayare sa buhay n...