Natulala ako sa sarili ko habang nakatitig lamang sa salamin. Hubad parin ako. Ano bang ginawa ko? Nagising ako ng may kumatok ng malakas."Hera? Buksan mo to." Gising na si Connor. Namula nanaman ako at dali daling kinuha ang puting tuwalya at ipinulupot sa katawan ko.
Patuloy parin sa paghampas si Connor sa pinto na parang gigibain talaga niya.
"Buksan mo to." Inis na sabi nito.
"Sandali." Sabi ko tsaka kumuha ng malalim na pag hinga.
Ipang minuto pa ang lumipas. Kinakalampag parin nito ang pinto.
"Ano ba bubuksan mo to o sisirain ko to?" Ayan nanaman siya sa pagkamaintin ng ulo niya.
"Oo eto na." Agarang sagot ko at pinihit ang door knob. Kaagad naman niyang tinulak ito at tuluyan ng bumukas.
"Bakit ba ang tagal mong buksan?" Kunot noong tanong nito sakin. Napatingin muli ako sa salamin at kitang kita talaga ang mga marka ng halik niya sa maputi kong balat.
Napansin niya yun at napatingin din sa salamin. Maya maya'y nag iba na ang ekspresiyon nito at napalitan ng ngiti. Ngiti na siyang ikinamula ko ng labis. Ano nanaman kaya ang nasa isip niya?
"Dahil ba diyan kaya ang tagal mong buksan?" Nakangiting tanong niya. Hindi naman ako makapagsalita sa labis na hiya.
Hinawakan niya yung mga markang yun at hinalikan niya isa isa na siyang ikinagulat ko at dahilan ng pag taas ng balahibo ko.
Hindi ako nakagalaw at para akong natuod dahil dun. Marahan lamang ito na parang iniiwasan niyang masaktan ako pero ang totoo'y hindi naman masakit ang mga markang yun.
"C-Connor." Hindi ko mapigilang hindi banggitin ang kanyang pangalan na siyang ikinangisi pa nito. Napapikit ako sa bawat paglapat ng kanyang mainit na labi.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam nanaman ako ng pag init ng aking katawan.
Huminto ito at tumitig sa mga mata ko. Sumeryoso ang kanyang mukha na nakatingin lamang sakin.
"Hindi muna ngayon Hera. Magpahinga ka." Tinablan ako ng hiya dahil sa mga katagang binitawan niya. Hinalikan niya ako sa noo pababa saking ilong at sa huli'y lumapat na ang kanyang mainit na labi saakin. Hindi ko maitatanggi saking sarili na nagugustuhan ko ang mga ginagawa niya sakin.
Matapos ng panandaliang halik na yon ay ginulo niya ng kaunti ang aking buhok na parang bata. Tinalikuran na niya ako habang sinabing maligo na ako at baka ano pa ang magawa niya sakin.
Naiwan akong tulala ng isara na nito ang pinto. Nakaramdam ako ng mabilis na pag tibok ng aking puso. Totoo ba ang lahat ng pinapakita niya sakin? O baka nama'y nakikita lang niya sa katauhan ko si Barbara. Hindi ko alam. Magulo pa ang nararamdaman ko. Pero umaasa ako. Umaasa na sana'y balang araw ay maging masaya ang pagsasama namin dalawa. Kahit pa, wala namang talagang kami.
Nagsimula na akong maglinis ng aking katawan. Mahapdi parin ang ibabang parte ko. Pinilit kong wag ng isipin yun dahil naaalala ako ang malaking kahabaan ni Connor. Napailing ako ng magunita ko ang mapusok na nangyare saming dalawa.
Matapos kong maligo'y hindi ko na siya naabutan sa kanyang silid. Naroon parin sa kama ang bakas ng aking dugo na siyang ikinahiya ko. Kailangan kong linisin ito dahil baka makita pa ng ilang mga kasambahay at gawan pa ng issue.Nakalimutan kong wala pala ako saking silid at nakatapis palang sa katawan ko ang puting tuwalya. Wala akong magawa kundi ang buksan ang cabinet ni Connor at maghanap ng maisusuot. Lalabhan ko na lamang agad para hindi na niya mapansin.
Isang malaking puting T-shirt at isang boxer shorts ang isinuot ko. Napaka komportable nito sa katawan. Sinimulan ko ng ayusin ang kama at tinanggal ang bed sheets para ilagay sa malaking basket. Nang biglang sumulpot ang isang katulong na may dala dalang panlinis. Nagkatitigan kami at nanlaki ang aking mga mata. Ganon din ito sa pagtataka kung ano ang ginagawa ko sa silid ng Lord.Yumuko siya sakin. Yumuko din ako sakanya bago tinahak ang daan palabas ng silid. Pagkalabas ko'y nakahinga talaga ako ng maluwag. Nakadama parin ako ng matinding hiya. Paano nalang kung malaman ito ng ibang nga kasambahay. Ano nalang ang iisipin nila.
Nagdali dali na ako saking silid at madaling nagpalit ng damit. Itinago ko muna ang damit ni Connor at balak ko sanang labhan mamaya kapag wala ng tao.
Napansin ko si mingming sa labas ng aking bintana. Kaagad ko itong pinapasok at tumuloy naman ito.
"Anong ginagawa mo? Nako wag kang magpagala gala sa mansion baka makita ka ni Connor." Kausap ko ito. Alam ko naman kasing ayaw na ayaw talaga ni Connor sa pusa dahil baka ikamatay na niya ang allergy dito.
Binuhat ko si mingming at inilagay sa aking kama. Humiga naman ito at natulog. Napahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya ako pinahirapan.
Paglabas ko ng aking silid ay kaagad nahagip ng aking mga mata si Dazon na nakapamulsa at nasa tapat ng aking kwarto.
"Oh Dazon anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sakanya. Seryoso naman ito.
"Pinapatawag ka ni Lord Connor." Sabi nito at umalis na. Alam ko kung nasan si Connor ng mga oras na yon. Nasa opisina ito dahil palagi naman siyang may inaasikaso.
Nagmadali na akong umalis at pumunta sa kanyang opisina. Natigilan ako ng makarinig ng sigaw. Galit nanaman si Connor. Pamilyar ang boses ng kanyang kausap. Hindi ako maaaring magkamali dahil ang boses na yon ay kay Farra.
Pinihit ko ang door knob at nagulat ako ng makita si Farra na duguan. Pinapahirapan siya ni Connor.
"Farra!"
"Hera! Parang awa mo na tulungan mo ako." Nag iiyak na sabi nito sakin.
Lalapit pa sana ako ng sumigaw sakin si Connor.
"Hanggang diyan ka lang!" Sabi nito at itinutok sakin ang baril.
"Sino kaba talaga Hera? Ginagago mo ba ako!" Nanggagalaiti na ito sa galit ng itapon niya sa mukha ko ang ilang mga dukumento. At ang litrato ng lalaki na kilalang kilala ko.
"Sino kaba talaga!" Nagulat ako ng iputok niya ng tatlong beses ang hawak hawak na baril. Napatakip ako saking tenga at lumapit ito sakin.
"Sino kaba putang ina!" Masakit na sabi nito sakin dahil ang nasa litrato ay ang mukha ko noon kasama si Zyron. Zyron Pareda ang lalaking kinasusuklan ni Connor.
Dahil si Zyron, si Zyron Pareda na mortal na kaaway ni Connor ay ang nobyo ko.
BINABASA MO ANG
Trapped with the Devil ✔
Chick-LitMagbabago ang buhay ni Hera kasabay nang pagbabago ng kanyang itsura. Papasok ito sa mansiyon ng isang makapangyarihang lalaki na kinatatakutan ng marami na si Connor Ace Scott. Hiram na mukha, hiram na katauhan. Ano nga ba ang mangyayare sa buhay n...