Army's POV
Lumabas ako at nag punta sa cafeteria syempre para kumain wala kase kaming next subject hindi umaatend.
Bwisit na prof. Namin na yon kaka umpisa palang ng klase absent agad napaka tamad 😑Pagdating ko sa cafeteria bumili lang ako ng foods then nag hanap ako ng mauupuan hindi naman ako nahirapan dahil maraming bakanteng upuan dito.
Habang kumakain ako bilang lumakas ang hiyawan sa cafeteria tss nanaman lagi bang may sunog dito kaya umaalingawngaw nanaman yung mga wangwang?!
Hindi ko nalang pinansin at nag patuloy nalang ako sa pag kain.Namjoon's POV
papasok kami sa cafeteria at gaya ng inaasahan tilian nanaman yung mga tao dito sila ba naman makakita ng mga gwapong katulad namin diba haha.
Habang naglalakad kami nahagip ng aking paningin ang isang babae."Humanda ka sakin" sabi ko haha makakaganti nako sa babaeng to
"Ano nanaman yon joon? Bat nag sasalita ka mag isa nababaliw ka naba? Kausap mo si crisel?" Sabi ni jin sakin bwisit nato ang talas talas ng pandining saka sinong crisel pinag sasasabi neto?! Ay ewan umalis nalang ako at nag punta sa bilihan ng pagkain.
"Manang yung akin po?" Alam na ni manang kung ano kakainin ko kase lagi naman yon yung binibili ko dito at kilala nako dito kaya hindi na sya nalilito.
Habang hinahanda ni manang ang food ko may naisip akong magandang plano para sa panget na tao haha"Manang spaghetti din po at isa pang juice"
"Gutom na gutom ka ata namjoon at ang dami mong kakainin?" Pagtatanong sakin ni manang
"Hindi po may pag bibigyan lang ako" sagot ko sa tanong nya
Mayamaya pa ay binigay na sakin ni manang ang tray na may lamang 1burger 2juice at 1spaghetti at tuluyan na nga akong umalis at iniwan ko na ang mga kaibigan ko bago pa nga ko makaalis humirit pa si hovvi ng pang aasar
"Gutom na gutom? Bibitayin?" Tss kunwari pa isa din naman syang ganto kung kumain. Saka sino bang nag sabing ako kakain nitong spaghetti?
Pumunta nako sa target ko"Excuse me! Pwede bang makitable" ngunit hindi sya sumagot kundi tinignan nya lang ako gamit ang kanyang blangko at panget na pag mumukha haha kaya umupo nalang ako
"Gusto mo ba ng spaghetti?" Pag aalok ko sa kanya
"Ayoko at kung gustuhin ko man may pambili ako ng mga gusto kong kainin" cold sagot nya sakin.
Tinawag ko si mar... mar... bwisit nakalimutan ko pangalan pero buti nalang lumapit ng sinenyasan ko.
Sya lang naman ang pinaka bully na babae dito at nakaflirt ko na sya dati haha I'm a playboy kase."Hindi ko naman to ipapakain sayo" sabi ko kay nerdy at tinignan nya lang ako.
Binigay ko sa sinenyasan kong babae yung spaghetti at sinalpak nya sa mukha ni nerdy yung spaghetti at binuhos yung juice hahhaa basa na sya at malagkit pa syempre hindi ako ang gumawa non sa kanya gentelman padin naman ako pero hindi sa kanya haha.
Umalis na yung babaeng nambully sa kanya at bago pa man ako umalis."Hindi na tuloy masarap yung spaghetti haha pero nasarapan ka naman diba?" Sinabi ko yan sa kanya at tuluyan na ngang umalis at pumunta sa table ng mga barkada ko.
"Tol ang astig non haha" sabi ni jimin na halatang nagustuhan yung ginawa ko
"Oo nga grabe ansaya tignan" pahabol pa ni hovvi
At nagpatuloy na kami sa pagkain
Army's POV
Hay nako nakakainis ang lugar nato mas marami pang bully dito kesa sa dati kong school. pumunta nalang ako sa cr para magayos ng sarili dahil nga nilagyan ako ng spaghetti ng babaeng yon at bwisit na lalaking yon tuwang tuwa pa sya. Inayos ko na ang sarili ko buti nalang may extrang uniform ako.
Pagtapos ko mag ayos at mag bihis dumiretso ako ng library mag babasa na lang ako ang haba pa kase ng oras namin para gumawa ng kung ano ano in short vacant.Pagdating ko sa library walang katao tao pero mas okay na din to tahimik ang paligid.
Habang nag babasa ako may ingay ako na narinig ingay na pag sara ng pinto.
Pinuntahan ko ang pinto pero nang pihitin ko ay ayaw na mabuksan bwisit mukhang nalock pako dito.
Bumalik nalang ako sa pagbabasa at naghintay sa taong bubukas ng pinto.****************************
A/n; kawawa naman si army may kina laman nanaman ba dito ang grupo nila namjoon?
Namjoon on multimedia 😊😊Abangan sa susunod na update.
Vote.Comment. Follow
YOU ARE READING
BEHIND THE GLASSES
Fanfiction"Ganon ba?! Ge pag patuloy natin. Kailangan namin sya para makuha nag iisang pinaka mahal na diamond sa buong mundo." Pag papaliwanag nya. Ano to? edi may mahalagang diamond na tinatago si ms.red?