Hovvi's POV
Grabe ang bilis ng araw byernes na agad wala nanamang pasok bukas😆.
Papunta akong music room ngayon vacant namin ehh mag gigitara lang ako para makapag relax masyadong nakaka stress ang buong linggong to.
Papasok na sana ako sa music room ng may marinig akong kumakanta.
Nilapit ko ang tenga ko sa pinto para mas marinig ko ng malinaw
" I am tired of this place, i hope people change.
I need time to replace what i gave away
And my hopes, they are high, i must keep them small
Though i try to resist i still want it all..."
Teka bat sya huminto ang ganda ganda pa naman ng boses nya kakainlove 😍
Pagpasok ko sa loob wala naman akong nakitang tao. Bwisit ano ako nahihibang? Eh ano yung narinig ko multo tss hindi naman totoo ang multo ehh.
Kumuha nalang ako ng gitara at tinugtog ito.
Jimin's POV
Hinahanap ko yung hinayupak kong kaibigan na si hovvi wala kase sya sa cafeteria at ako lang naman ang inutusan ng magaling naming leader or should i say founder yes because we are a gangster. may importante kase akong sasabihin sa kanya.
Habang hinahanap ko si hovvi may narinig akong nagsasalita
Kaya sinundan ko kung san man nanggagaling yung boses nayon hanggang sa makarating ako sa library.
"Ano kaba hindi nyo na kailangang pumunta dito noh. Alam mo namang kaya ko sila diba?" Sabi ng babae sa loob ng library
"Oo alam ko pero mamatay muna ako bago nila to makuha... sige na bye na baka may makarinig pa sakin dito" sabi nya pa tila may kausap sya sa phone at parang pamilyar yung boses nya parang narinig ko nayon dati.
Bubuksan ko na sana ang pinto dahil nacucurios ako sa kung sino mang nagsasalita na yon. Pero biglang may nagsalita
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni yoongi. Grabe nakakagulat naman sya kala ko kung ano na eh.
"Ah! Hinahanap ko kasi si hovvi diba nga inutusan ako ni pinuno." Sagot ko sa tanong nya
"Sa tingin mo pupunta dyan si hovvi ni kahit mag sulat nga ayaw mag basa pa kaya!" Sa bagay may punto naman sya kaya umalis nako at hinanap ng tuluyan si hovvi.
At sa awa ng Dyos nakita ko naman sya sa music room.
Bakit nga pala hindi ko agad yun naisip? Mahilig nga palang tumugtog ng kung ano anong instrument tong si hovvi.
"Hovvi!" Tawag ko sa kanya kaya agad naman syang lumingon
"Ne?" Ano to korean lang? Hindi nako nag paligoy ligoy at sinabi ang dapat sabihin
"Tumawag kay pinuno ang BLUE DRAGON nag papatulong silang hanapin ang babaeng hinahanap nila may mahalaga lang daw silang pakay pero hindi nila sinabi kuna ano. Sasabihin daw nila yung ibang details bukas punta daw tayo sa Headquarters nila." Pagpapahayag sa kanya ng mensahe
"Ah! Ge" ay bwisit na tong si hovvi dami ko sinabi ganon lang yung responds.
Iniwan ko nalang si hovvi kabwisit kase tila hindi nakikinig ehh.
Habang nag lalakad ako papuntang room hindi ko maiwasang isipin yung pamilyar na boses na narinig ko kanina.
Jeon's POV
Kasalukuyang nagbabasa ako ng libro ng biglang tumunog yung cp ko. Sa totoo lang mahilig talaga ako sa books pero horror book lang hahaha. Kinuha ko ang cp ko na nakapatong sa lamesa ar tinignan yung nag text.
To:pinunong ace
-BLACK BULLET we have a meeting right? Bakit wala pa kayo hanggang ngayon dito sa HQ ng BLUE DRAGON!! Pag 20 mins. Wala pa kayo dito alam nyo na ang mangyayari-
Bwisit! Nakalimutan ko whaaah malalagot nanaman kami neto kay pinuno grabe pa naman yon mag parusa.
Dali dali akong pumunta sa kotse ko at pinaharurot ito.
Buti nalang nakaligo nako bago pa sya nag text.
After 15 mins.
Nandito na kaming lahat sa HQ ng BD buti nalang at hindi ako nalate kundi malilintikan ako.
"Hindi nako magpapaligoy ligoy pa. Pinatawag ko kayo dito para manghingi ng tulong sa inyo. May hinahanap kase kaming babae at alam naming matutulungan nyo kami" Pag papaliwanag nya. May inabit naman samin na picture yung mga kasama nya.
Sh*t picture to ni ms.red bakit kaya nila hinahanap? Tinignan ko yung mga kasama ko at gaya ko nagulat din sila.
"Mukhang nagulat ata kayo kilala nyo ba sya?" Pag tatanong ng leader ng BD
"Hindi namin sya kilala. Nga pala bat namin sya kailangang hanapin?" sabi ni yoongi. Tama naman kase sya ee. Hindi naman talaga namin kilala nakita namin pero hindi namin kilala
"Ganon ba?! Ge pag patuloy natin. Kailangan namin sya para makuha nag iisang pinaka mahal na diamond sa buong mundo." Pag papaliwanag nya. Ano to? edi may mahalagang diamond na tinatago si ms.red?
"Tapos ano pang plano nyo? Dapat namin malaman lahat kung gusto nyong tulungan namin kayo" sabi ni namjoon sa kanya
"Syempre naman! Pag nahanap nyo nasya kukunin namin ang diamond sa kanya. Pero balita nasa katawan nya ito pero hindi namin alam kung san parte kaya papatayin namin sya para makuha yon" ohmygad papatayin pala nila si ms.red
"Sige gagawin namin ang makakaya namin" sabi ni namjoon sa totoo lang nagulat kaming mga Black bullet sa kanya except kay yoongi. Alam nya kase siguro na papayag si namjoon pero anong plano nya?! Bwisit hindi ko sya mabasa
"Mabuti! Pero binabalaan ko na kayo may sa pusa tong babaeng to. At isa din syang gangster na katulad nyo kilala sya bilang si BLOOD ng DARK DANGER." Si blood!? Kilalang kilala yon ng mga gangster dahil kung baga sa rank ang grupo nila ang rank 1
"Si blood? Hmmm! sya pala si blood ang rank 1. Mukhang magiging masaya to." Sabi ni namjoon
Umalis na kami matapos ang mga pinag usapan namin. Sa totoo lang ayokong gawin to crush ko kase si ms.red ee. Pero kailangan kong gawin dahit mission to.
"Sigurado kaba sa gagawin natin ace?" Pag tatanong ni jin kay namjoon.
"Oo naman bakit ayaw moba? Bakit nag kagusto ka ba sa kanya nung hinalikan kanyan?" Sabi ni namjoon pero parang may halong galit yung sinasabi nya. Tss ano to affected? Sa bagay hindi narin ako mag tataka kung may gusto din sya don ako nga meron ee.
****************************
A/n: yan mga readers hinabaan kona yung chapter 8 alam ko kasing nabitin kayo sa mga naunang chapter ee. Stay reading may story 😊
Si Hovvi yung nasa multimedia natin ngayon😇
VOTE.COMMENT.FOLLOW
kamsaranghae😘
YOU ARE READING
BEHIND THE GLASSES
Fanfiction"Ganon ba?! Ge pag patuloy natin. Kailangan namin sya para makuha nag iisang pinaka mahal na diamond sa buong mundo." Pag papaliwanag nya. Ano to? edi may mahalagang diamond na tinatago si ms.red?
