Vee's POV
Nandito kami ngayon sa school. 3days na din ang nakakalipas nung hindi na sumasabay samin si yoongi. Ewan ko ba dun kase simula ng mapansin naming inlove sya hindi na sya sumasabay pumasok,kumain at umuwe. Buti nga nakakausap pa namin sya dito sa room kase kahit sa gimikan hindi sya sumasama pag pupunta naman kami sa condo nya wala sya lagi. Nakakamiss na tuloy sya 😦
Ngayon tinitignan ko lang sya habang may kachat.
"Ano ang panitikan sa panahon ng mga katutubo?" Biglang nagtanong si ma'am tss hindi nanaman ako nakinig. Pero okay lang yon yung mga magtataas lang naman ng kamay ang tinatawag ni ma'am ee.
"Ma'am ako po!" Nagtaas ng kamay si yoongi. Simula din kase ng hindi na sya sumasama samin lagi na syang active sa school pero dati wala namang pake sa pag aaral yan hayss dami nya na pinag bago.
"Yes!" Sabi ni ma'am
"Ang panitikan sa panahon ng katutubo ay ang Alamat,Kwentong bayan,Epiko,mga awiting bayan,salawikain,karunungang bayan,sawikain at bugtong" sabi ni yoongi.
"Magaling Mr.Lee buti naman sumasagot kana halos dati tutulog tulog ka sa klase" sabi ni ma'am kala ko magagalit si yoongi dahil ayaw nya ng sinasabihang tutulog tulog pero ngayon ngumiti lang sya at tumingin sa likod. Meron ba syang nakikita na di namin nakikita?!
"Yoongi gimik tayo mamaya" sabi ni hovvi. Sana pumayag sya please kahit ngayon lang 🙏
"Sorry may usapan na kase kami ni aj ngayon" sabi nya. Tss naiinis nako sa aj nayan ahh puro nalang sya.
"Gusto mo sama mo nalang si aj" singit naman ni namjoon
"Saka nalang hindi kase yon papayag" sabi ni yoongi tss. Baka sya lang may ayaw makasama kami kase pinagpalit na nya kami 😕.
"Bahala ka nga dyan dun ka nalang sa aj mo magsama kayo" sabi ni jeon hindi na ata nakapagpigil at dali daling lumabas ng room. Wala namang nagawa yung teacher kaya lumabas nadin kami.
Jimin's POV
nandito kami ngayon sa caf. Kahit halata namang walang ganang kumain lahat.
"Guys namimiss ko na si yoongi 😧" sabi ni vee. Kahit naman kami namimiss na din namin sya.
"Ako nga din ee 😦" sabi ni hovvi
"Baka pinagpalit nya na tayo 😢" maiyak iyak na sabi ni jeon. Kahit naman ako naiiyak na pinipigil ko lang. hindi kami bakla ah eto kase ang kahinaan namin ang magkawatak watak.
"Ano kaba baka naman may importante lang talagang ginagawa oh baka naman napagalitan ng mama nya sa grade nya at naghahabol" sabi ni jin na kahit sinabi nya yon dama kong hindi parin gumaan ang loob namin.
"Babawiin natin si yoongi sa kung sino mang aj na yan" sabi na namjoon.
"Sundan kaya natin sya ngayon tutal malapit na mag break time diba?" Sabi ko sa kanila. Tumango lang sila bilang pag sang ayon kaya dali dali kaming tumayo at tumakbo papunta sa room namin.
"Excuse me girls nakita nyo ba si yoongi?" Tanong ko sa mga babae naming classmate.
"Ahh si yoongi ba iyon oh" tinuro ng isang babae ang kinaroroonan ni yoongi kaya agad namin syang sinundan.
Namjoon's POV
Sinusundan namin ngayon si yoongi buti nga hindi nakakahalata. Nakita namin syang pumasok sa library kaya dali dali din kaming lumapit sa pinto. Bubuksan ko na sana biglang nag salita si jin.
"Pakinggan muna natin sila ee pano kung wala pala syang kasama diba edi nalaman nya agad na sinusundan natin sya diba" tama nga naman sya baka imbis na makita nanamin yung aj na sinasabi nya mabulilyaso pa.
Itinapat namin ang mga tenga namin sa pinto para malaman kung may kasama sya dun sa loob.
"hubarin mo na yan" yoongi
Nagulat kaming lahat ng may sumagot na babae.
"Tulungan mo kaya ako" babae. Sabi na nga ba may kasama syang babae.
"Ibuka mo na dali ng maipasok ko nato" yoongi.
Teka ano pinag uusapan nila? Nag aano ba sila sa loob.
"Ang lakilaki nyan" babae.
Habang nakikinig kami halatang iba na ang iniisip ng mga kasama ko ako din naman ee.
"Guys bakit kaya dito pa nila ginagawa yun sa library" sabi ni jimin
"Malamang dito yung laging walang tao" banat naman nitong si hovvi
"Wag na kayo maingay guys pakinggan na natin" saway naman ni jin sa kanila.
"Sige ilalabas ko nato hmmmmm." Yoongi
"Wag dyan kakainin ko yan ee" babae
"Baliw to nakakain to
?" Yoongi
"Kung gugustuhin hahhaha" babae.
Hindi na ko nakapag pigil kase parang pamilyar talaga yung boses ng babae kaya binuksan kona yung pinto. Nagulat kaming lahat sa ginagawa nila.
Army's POV
3days nadin ang nakakalipas na lagi kaming sabay ni yoongi pumasok,kumain at umuwe pati nga sa pag gimik magkasama kami ee. Pero may mga paraan kami para hindi mahalata ng iba. Gusto daw kase ni yoongi na lagi na akong may kasabay hahaha.
Ngayong umaga pumunta sya sa condo ko para sunduin ako nakaluto nanaman ako para dalin sa school sya lang naman taga bitbit 😂😂 ayaw nya daw kaseng pumunta pa ng caf. Para bumili kaya nag babaon nalang kami. Nauna nako sa library para hindi mahalata ng iba sa bagay invisible naman ako sa school nato except pag binubully.
Nandito ako ngayon sa loob ng library ginagawa ko ass. Namin para pag uwe hindi kona gagawin. Naramdaman kong may pumasok at si yoongi yon. Excited nako sa gagawin namin 😊😊
"Hubarin mo nayan"
**********************
A/n: yan pabitin muna guys. Ano kaya ginagawa ng dalawa noh abangan yan sa next update 😏
YOU ARE READING
BEHIND THE GLASSES
Fanfiction"Ganon ba?! Ge pag patuloy natin. Kailangan namin sya para makuha nag iisang pinaka mahal na diamond sa buong mundo." Pag papaliwanag nya. Ano to? edi may mahalagang diamond na tinatago si ms.red?
