"Cause the possibility
That you would ever feel the same way about me
It's just too much, just too much"* * * * * * *
"Hoy! Kanina kapa dyan ah. Ano bang hinahanap mo?" Untag ko kay Rory. Classmate slash bestfriend ko. "Naaalibadbaran na ako sayo, kanina kapa dyan naghahalungkat sa bag mo.""Eh kasi, di ko mahanap yung favorite ballpen ko, di mo ba napansin?"
"Hindi."
"Di mo ba hiniram yun kahapon?"
"Di rin. Di ko matandaan. Ano bang ballpen yun?" Huminto siya sa paghahalungkat. Humarap siya sakin.
"Yung favorite ballpen ko, si Hello kitty?!"
"Ah." Teka. "Di ko alam eh. Baka naman naiwan sa bahay niyo."
"Di ko kaya yun iniiwan." Nakapout siya.
"Bumili ka nalang ng bago, marami naman dyan."
"Eeeeh, ayoko. Favorite ko yun eh. Tsaka, gift yun ni crush dati nung last christmas." Nanunubig na ang mga mata niya.
"Hayst, baka andyan lang yan. Mamaya makikita mo rin yan."
"Okay." Nakanguso siyang bumalik sa kanyang upuan.
Bat parang may nakita akong hello kitty kahapon? San nga ba -
"Paparating na si ma'am Pilosopa!" Sigaw ng look out naming classmate. Kanya-kanyang balik ng upuan ang ibang nagchichikahan kanina.
"Hoy, yung plano natin ha!" Sigaw ng isa pa. Naging tahimik na kami, para kaming mga army na ang tuwid umupo at nakatingin lang sa white board.
Bumukas ang pinto at iniluwa na ng kadiliman este pumasok na si ma'am Pilosopa. Bitbit nito ang kanyang bag at mga papeles. Behave kami dyan kay ma'am kasi kung gaano siya kabait sa labas ng classroom, ganoon rin siya kalupet sa loob. Sobrang strikto at mahilig mamigay ng martilyo sa mga studyanting hindi nagseseryoso. At, ang pinakagusto namin kay ma'am ay yung makakalimutin siya minsan.
"Good morning, Class." Sabay kaming tumayo at nagbow sa kanya.
"Good . . . morning . . . ma'am . . . Pilosopa. . . !" Oh diba, para kaming mga grade one.
"Okay, you may take your seats now."
Pigil ang mga hininga naming nakamasid lang sa kanyang gagawin.
"Okay, who's the next reporter? Ba't hindi pa naghahanda?"
Sabay-sabay kaming napa yes ng mahina. Nakahinga kami ng maluwag na.
"Ma'am! May-" Bigla namang sumabat yung echoserang pabida naming kaklase. Buti nalang naagapan ng katabi niya at tinakpan ang bibig.
"Ma'am itong si Gregorio po ang magrereport ngayon." Sabi ni Henry. Inis namang tinanggal ni Greg ang nakatakip na kamay ni Henry.
Nanggagalaiti nalang siya sa inis. Si Greg kasi ang weirdong geek ng klase namin, siya lahat ang kontra ng klase, killjoy at ayaw maungosohan.
"Muntik na tayo don ah." Bulong ni Rory.
"Oo nga, hindi rin kasi ako nakapagreview kagabi." Sagot ko naman.
Supposedly ay may long quiz kami ngayon kay ma'am Pilosopa. Kaya napagkaisahan namin kaninang umaga na hindi ipaalala kay ma'am. Si ako naman kagabi, imbes na magreview ay nakatunganga lang hanggang sa makatulog.
"Bat parang ang laki ata ng eyebags mo ngayon?"
"Ah, k-kasi matagal akong nakatulog kagabi."
"Nanood ka ng kdrama?!" Pasigaw na bulong ni Rory.
"Shhhhhh! At the back! Ms Anoban at Park! Gusto niyo kayo nalang ang magreport dito?!" Lagot.
"No ma'am, Ms. Anoban just wanted to go to cr ma'am." Dinilatan ko ng mata si Rory. Nakangisi naman ang babaeta.
"If you want to go to cr then go, ano kayo mga elementary pa? Ihahatid ko pa kayo?" Nakapamaywang pa si mam parang mangangain na ng tao.
"Okay po mam, sorry po." Tumayo na ako at pasimple kung pinalo si Rory na nagpipigil ng tawa niya ngayon. Kainis, pahamak.
Nagtuloy na ang pagdiscuss ngreporter. Sa backdoor nalang ako lalabas kasi ito naman talaga ang exit door. Hindi ko pa naman nabuksan ay bigla naman itong bumukas, nauntog noo ko sa edge ng pintuan.
"Ah!" Daing ko, napaurong ako sa impact. "Aray ko, aray ako, aray ko." Potek, napahawak ako sa noo ko, ang sakit.
"Oy hala! Sorry miss! Okay kalang?" Ang sarap niyang hambalusin, di obvious pre?
"Anong nangyayari dyan?" Tiningnan ko si mam na magkasalubong na naman ang kilay. Mga iba kung kaklase ay nagtaka rin
"W-wala po mam." Nahagilap ng mata ko si Rory, parang maiiyak na sa pagpigil ng tawa. Mamaya ka lang, makikita mo.
Inis kong tiningnan ang walangya, di man lang kumatok muna.
"Okay kalang miss?" Siya yung sa library.
Napayoko nalang ako at dumiretso na palabas.
"Mr. Jeon -" Yun nalang ang narinig ko, dalidali na akong pumunta ng cr na nasa dulo ng hallway.
"Tsk, ayan na, nagkabukol na ako." Tinignan ko ng maayos yung noo ko, medyo di naman mapapansim kasi may bangs ako na lampas sa kilay ko. Pero ang sakit kasi, kaasar.
"Ambobo, di ba niya naisip na may tao? Kung magbukas akala mo si superman. Di porket gwapo siya, ha! Kainis! Ang sakit." Pagmamaktol ko habang inaayos ko yung bangs ko para matago ang bukol.
"Remembrance for today." Napabuntong hininga nalang ako. Lumabas na ako ng cr masyado na kasi akong natatagalan baka magkaroon pa ako ng pangalawang bukol.
"Hey."
"Ay takte!" May kabuting biglang sumulpot. "Ano ba naman. Binukolan na nga ako, nanggugulat pa talaga." Supposedly ay dapat nasa utak ko lang yun pero takte nasabi ko sa harap niya. Binaliwala ko nalang siya at nilagpasan.
"Tara, ihatid na kita sa clinic." Napatigil ako sa paglalakad. Ay concern? "Tara na."
"T-teka!" Bigla ba naman akong kinaladkad. "May klase pa ako."
"Dont worry, nagpaalam ako kay mam Pilosopa na dadalhin kita sa clinic para magamot yang noo mo."
Ayst, tangi ko nalang react sa loob ko.
"Sorry nga pala." Binitawan niya na ang kamay ko nang malapit na kami sa clinic. "Dyan." Turo niya sa noo ko sabay gulo ng buhok ko.
