"I hung up the phone tonight
Something happened for the first time deep inside
It was a rush, what a rush"* * * * * * *
"Ah! Sa wakas!"
Napasalampak ako ng upo sa bench.
Torture tong araw nato sakin, grabe. Nagsabay ba naman lahat ng instructor namin magbigay ng assigned report last week. Masaklap pa don ay ako halos ang una sa listahan. Thank you naman sa last name ko, wow nalang. Kung hindi magbabase sa alphabetical order ay bunotan. Ang malas ko lang talaga kasi ako parin yung nakabunot ng unang magrereport. Walang silbing bunotan yan, kainis.
Namamaga na yata ang utak ko plus namamaos na yung boses ko kaka-explain. Ngayon ko lang talaga na realize na mahirap ang maging teacher. May mga boys pa na nakaupo sa likuran na ang iingay, halatang hindi nakikinig. Pasalamat nalang ako na may instructor kami nung ako na nagsimulang magreport kundi mahahighblood talaga ako.
Blessing in disguise parin tong last name ko kasi mas gusto ko pa talaga ang maunang magreport kaysa mahuli. Para wala nang iisipin.
Nga pala ikatlong linggo na mula magstart ng klase tapos ito agad pambungad sa nagbabakasyon pa naming isipan.
Time check. 5:20 pm
Mga 20 minutes na pala ako dito nakatunganga. 6 pm magsasara ang library, pupunta pa ako don kasi may isa pa akong report bukas, hayst. Di bale last report narin naman yun tapos wala na.
Nag-unat muna ako at tumayo, sinabit yung backpack sa balikat at nagsimula nang maglakad. Bago pa makaabot sa library, nasa second floor pa kasi ng old building yun, kasi madadaanan pa yung HR office. Sakto namang bumukas yung pinto bago pako makalampas.
"Ms. Anoban, buti naman at nandito kapa, sumasakit tuhod ko ngayon kaya hirap akong pumanhik sa hagdan at wala narin akong ibang pag-uutusan. Kindly submit these papers to the librarian, please. Thank you." Si ma'am Pilosopa pala. Instructor namin sa Music. Siya rin ang incharge sa HR.
"Okay po ma'am." Inabot ko yung sandamakmak na mga papel na nakalagay sa sampung folders. Baka may dagdag points to. Wow ang bigat ah. Ano ba to? Parang going to trash can lang naman to eh.
Nagsimula na akong maglakad ulit. Mangilan-ngilan nalang ang studyante. May nagpapractise sa field, mga soccer player at may ibang naghaharutan lang naman.
Andito nako sa tapat ng library. Teka, Pull? Diba dapat Push kasi papasok? Sino naman ang naglagay ng signage nato? Tsk. Dalawang kamay ko pa naman ang nakahawak sa mga folders.
"Tulungan na kita." May biglang nagpull. Salamat naman at may matulungin pa na kapwa studyante katulad ko, charing. Pasimple kong tinignan kung sino. Di ko makita ang mukha kasi naka cap at medyo nakayuko.
"Salamat." Tumuloy na ako. Woah, ang lakas ng aircon kulang nalang ay mag-snow.
Dumiretso ako sa desk ng librarian. Walang nagbabantay. May mangilan-ngilan pang studyanteng geek.
Ring . . ! Biglang tumunog yung cellphone kong di keypad pa. May nag Shhhhh! Dali kong kinuha sa bulsa ko. Si mama pala.
"Hello, ma? - Opo - Pauwi napo ako -"
"Excuse me Miss. Pakihinaan lang ng boses mo at kung pwede sa labas mo nalang ituloy yang tawag mo." Nagulat naman ako na may biglang nagsalita. Nakatalikod kasi ako sa desk ng librarian habang sinasagot ang tawag at tumitingin narin sa mga geek baka may kaklase akong napadpad dito para may kasabay akong umuwi.
"Ay sorry po Sir." Humarap na ako sa desk. Teka, ito yung lalaking tumulong sakin kanina. At woah, may itsura siya ah. Gwapings. Naka-cap parin. Wala ba siyang tiwala sa bobong? Parang nabluetooth yata yung nasa utak ko patungo sa kanya. Tinanggal na niya yung cap.