Part 3

16 0 0
                                    

"Why do I keep running from the truth?
All I ever think about is you"

* * * * * * *

"Oy, ano yun ha? Ano yun? Ha?" Bungad agad ni Rory pagkaupo niya. Pagkatapos akong ihatid ni JK sa canteen at napagamot tong bukol ko ay dumiretso nalang ako canteen, di na ako bumalik sa klase kasi excuse naman daw ako sabi ni, tsss, JK.

"Anong 'ano yun'?" Walang gana kung sagot. Napahalumbaba nalang ako sa desk. Feeling ko ang init parin ng mukha ko. Kasi naman agggrrrrr!

"Aray!" Bigla ba naman akong binigwasan ng babaeng ito, asar, ang bigat pa naman ng kamay nito. Nahaplos ko nalang. "Bakit ba? Tsss."

"Wag mo kasi akong tulugan. Chismis time to besh. Sige ka, gusto mo isa pa?"

"Ano ba kasing chismis yan?" Napaayos nalang ako ng upo, mahirap na.

"Anong nangyari kanina para kang tanga." Sabay tawa niya. "Aray!" This time siya naman binigwasan ko.

"Ikaw kasi! Pahamak ka. Tss."

"Hahaha, sorry naman, pero muntik na tayong dalawa. Oh diba, good excuse yon, haler." Napasimangot nalang ako sa kanya. "Pero oy, si Jaykie yun ah." Parang may halong panunukso yung pagkasabi niya.

"Kilala mo yun?" Napamulagat naman ang mata ni Rory na akala mo ay nakakita ng multo.

"Sure ka di mo kilala?"

"Hindi. Ka-kanina ko lang siya na meet." Muntik ko nang masabi na kahapon ko pa siya na meet.

"Ano kaba, si Jaykie Jeon!" Medyo napalakas ang boses niya kaya agad ko tong tinakpan. Marami-rami na ang tao ngayon sa canteen.

"Hinaan mo nga lang boses mo." Tinabig niya ang kamay ko.

"Si Jaykie Jeon, yung mukhang nerd noon sa library." Pabulong na sabi niya.

Jaykie Jeon? Nerd? Sa library?

"Ha?! Siya yun?!" This time bibig ko naman ang tinakpan niya.

"Sshhhh! Yes girl, siya yun."

"Anak ng tikbalang. Naging tao na siya." Gulat ko parin, naalala ko na. NAALALA KO NA!

"Hahaha, kaya nga. Grabe, di mo siya namukhaan. Grabe naman kasi ang pag-improve niya. Ang cute na niya, correction, ang gwapo na niya at lalaking-lalaki na siyang tignan." Bukambibig na ni Rory si JK habang ako dito ay hindi parin alam kung ano ang irereact, nganga.

Si JK, ang laki ng pinagbago niya. Di ko talaga siya nakilala. Matagal naman na kasi noong huli ko siyang nakita, noong first year pa kami at ngayon, third year na. Noong second year naman ay nabalitaan nalang namin na nagtransfer siya ng ibang school. At alam ko kung anong dahilan.

Naging kaibigan ko siya, pero hindi ko alam na magkaibigan ba talaga kami o tinuring niya akong kaibigan. Hindi kami magkaklase sa first year, nakilala ko siya sa library, suki pa kasi ako noon kaya napansin ko siya na palaging nag-iisa sa isang sulok, timing naman non na wala na halos bakanting table at sa kanya lang may space, so nakihati ako ng table sa kanya.

Hindi naman talaga siya as in nerd, yung looks lang niya. Yung typical nerd look kumbaga, naka-eyeglasses, medyo weird ang fashion style at mahaba ang buhok. Matalino naman talaga siya, magaling sa halos lahat ng sports kaya may crush ako sa kanya noon, pero tinago ko lang sa sarili ko yun.

Hindi ako mapiling tao pagdating sa pakikipagkaibigan. Siya naman ay hindi gaanong sociable, mabibilang lang sa daliri ang mga kaibigan niya dito sa school. Medyo tahimik, pero pagnakilala mo talaga siya ay may pagkabubbly rin siya. Yun nga lang hindi ko pa siya as in kilala talaga.

Paano ko nga ba nasabi na parang hindi kami naging magkaibigan? Kasi sa library lang kami parati nagkikita at nagkakausap. Kung magkasalubong man kami sa hallway ay hindi niya ko pinapansin. Ang weird no. Pero nasanay na ako noon na halos kada tapos ng klase sa hapon ay didiretso ako sa library para makita siya at makipagkwentohan.

Kaya naman noong second year ng malaman kung nagtransfer siya ay nalungkot ako. Hindi na ako naging suki ng library. At nawala yung inspiration ko na mag-aral ng maigi.

Hindi ko alam kung anong address ng bahay nila. Wala rin akong contact sa kanya. Hindi nga kasi kami official na magkaibigan diba, so wala, wala akong karapatang mag-alala at isipin kung nasaan na siya. May nabuo rin kasing inis ko sa kanya, bakit ganon siya, bakit hindi man lang nagsabi. Hindi ba talaga niya ako tinuring na kaibigan?

Kalaunan naman ay nasanay na ako, nagfocus nalang ako sa ibang bagay at may nakilala naman akong mga bagong kaibigan, isa na roon ang bestfriend ko na ngayon na si Rory.

"Hoy!" Untag ni Rory sakin. "Natulala ka na dyan. Oyyyy, hinatid ka niya sa clinic, ayieeeeh."

"Natural naman eh siya may kasalanan."

"Haha, hindi niya kasalanan no, malay ba niya na may tao."

"Kasalanan niya kasi di siya kumatok."

"Hindi siya kumatok kasi ayaw niyang makadisturbo."

"Teka, crush mo na yun no kaya makatanggol ka eh wagas." Napahalakhak naman ito.

"Hmmm, pwede, oo crush ko na siya, ang cute niya na kasi."

"Crush mo na ngayon kasi cute na siya. Eh noon bakit hindi?" Noong first year kasi ay magkaklase sila ni JK sa class A, ako naman ay nasa class B.

"Hmmm, okay rin naman siya noon kaso lang medyo anti-social pero ngayon parang hindi na siya ganon no. At isa pa, halos mga estudyanting babae dito pati na binabae ay may gusto na sa kanya. Kaya okay lang rin na magkagusto ka rin sa kanya." Sabay kindat. Minsan rin may pagkachismosa rin tong babaeng to, updated palagi sa balita ng school. Ah, nakalimutan ko pala, part pala si Rory ng student council.

"Hindi no." Kung noon ay crush ko siya, ewan ko lang ngayon. Nagbago na siya. Parang hindi na siya ang lalaking dati kung nakakausap noon. Hayst, marami akong katanungan. Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako. The way na kausapin niya ako kahapon at kanina ay parang hindi niya ako kilala.

"Hoy! Natulala ka na naman diyan, ayieeeeeh, iniisip mo si Jaykie no."

"Hindi nga."

"So, anong pinag-usapan niyo kanina?"

"Wala, hinatid niya lang ako sa clinic, yun lang."

"Yun lang? Tss, dapat dumadamoves ka."

"Ay nako, kung ano-ano nalang pinagsasabi mo, halika na malapit na mag-next subject." Sumulyap ako sa relo ko.

"Ha?! Teka, di pa ako nakapag-snack."

Crush, an untold feelingsWhere stories live. Discover now