58

459 16 1
                                    

tyler

"Iris..." tawag ko sa kanya. Iniwan kami ditong dalawa. Malayo kami sa isa't isa.

"Tyler, anong kinalaman ko dito ha?!" Tanong nya sakin. Umiling ako habang nakayuko. Ayaw kong makita nya na nanghihina narin ako.

"Tatanungin kita, tyler." Ani nya.

"Nabuntis mo ba noon si Lauren?" Umiiyak na tanong nya. Umiling ako ulit. Kung magsasalita ako ay pipiyok ang boses ko.


"Bakit Tyler? Bakit ako pa?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Iris.

Patawarin mo ako, Iris. Nadamay ka dito, patawarin mo ako.

Nakarinig kami ng yapak at alam ko nang si Kiel 'yon.

"Nagpaalam na ba kayo sa isa't isa?" Tanong nya.

"Ako nalang ang patayin mo." Agad na sabi ni Iris sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti nalang sya sakin.

"Ay ang unfair. Mahal mo talaga sya noh? Paano kaya kung kayong dalawa nalang ang patayin ko?" Kiel. Fck u, Kiel.

"Huwag mong papatayin si Iris. Wala syang kinalaman dito kaya pakawalan mo na sya!" Sigaw ko sa kanya.

"Ohh, ok. Kayong dalawa ang papatayin ko." Ani nya at kinasa ang baril nya.

"Paalam, Iris."

𝐫𝐞𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 | 𝐯𝐫𝐞𝐧𝐞Where stories live. Discover now