end

727 20 2
                                    

iris

Anuena, gurl? Uuwi nalang siguro ako. Lumapit ako sa table nila Sydney. Wala nang upuan, so sad.

"Sydney." Pagtawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sakin.

"Bakit?" Tanong nya sakin.

"Uuwi na ako ha." Paalam ko sa kanila. Tumango na lang si Sydney sakin. Tumalikod na ako at umaasang pipigilan nila ako. Pero wala.

Ano ba naman, gurl? Wala ka na ngang love life, wala na ring pake mga kaibigan mo. So sad, bigti na.

Naghihintay nalang ako ng taxi para makauwi na ako agad. Isang sakayan na rin 'yon. Halos kalahating oras na ako dito pero wala paring taxi ang dumadaan. Nakayuko nalang akong naghihintay dito.

"Naghihintay ka ba?" Napatingin ako sa gilid.

May lalapit na naman sa akin na lalaki tapos darating ang girlfriend nila? Ganun nalang ba lagi? Oo, tanggap ko mag isa ako, pero wag na man sana nilang ipamukha sakin.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko din sa kanya. Umupo sya at tumabi sa akin.

"Willing ka bang maghintay?" Tanong nya sakin.


"Hindi pa ba darating ang girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya.


"Bakit?"

"Ang dami na kasing lumapit sa akin na lalaki simula kanina tapos sisingit yung girlfriend nila tsaka aalis na." Kwento ko sa kanya.

"Huwag kang mag alala. Walang darating dahil nandito na sya sa tabi ko." Ani nya.

"Ah ganun ba. Mauna na ako ah. Nagseselos na siguro ang girlfriend mo." Sabi ko sa kanya. Tumayo ako at naglakad nalang pabalik sa loob. Magpapakalasing nalang.

Napatigil ako sa paglalakad dahil niyakap nya ako sa likod. Nakita kong tumakbo sila Sydney papalapit samin.

"Bakit mo ako iniwan doon?" Tanong nya sakin.

"Bakit mo iniwan ang girlfriend mo doon?" Tanong ko naman sa kanya. Halos lahat ng mga mata ay nasa amin ang tingin.

"Sinusundan ko lang ang girlfriend ko." Ani nya.

"Sundan mo na, hayaan mo na ako dito."


"Bakit kita hahayaan?" Tanong nya sakin.

"K-kase..." pumunta sya sa harap ko at hinwakan ang mukha ko.


"Makinig kang mabuti, may itatanong ako sa iyo." Sabi nya.

"Ayos ka lang ba?" Tumango ako sa kanya.

"Kumain ka na ba?" Tumango ako ulit. Bawat tanong ay bumaba sya.

Ngayon ay nakaluhod na sya sa harap ko. Sobrang tahimik ng mga tao sa paligid namin.

"Mahal mo pa ba ako?" Tanong nya sakin. Mahal ko pa ba sya?




Tumango ako bilang sagot. Yumuko sya. Ayokong umiyak.



"Iris, will you marry me?" Sabay noon ang pagtugtog ng isang musika.


"Yes, Tyler." Sabay non ang pagsigaw ng mga tao. Sinuot nya sakin ang singsing at niyakap ako.

"Mahal na mahal kita, Iris." Bulong nya sa akin.


"Mahal na mahal din kita."


"Iris, maraming salamat sa lahat." Ani nya.


Ang huli kong naramdaman ay ang pagdikit ng kanyang mga labi sa akin.



♥︎♥︎♥︎
/le cri in vrene;
ayikeeees finish na hihe.
Thank u!!!
+ more epistolary to come~

The end.

𝐫𝐞𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 | 𝐯𝐫𝐞𝐧𝐞Where stories live. Discover now