loving someone who can't love you back
is like being comatosed ,
comfortably lying but unconsciously bleeding .
safely sleeping but silently Hurting </3
_._._._._._._._._._._._._._._.
Madilim na ang paligid.Walang mga bituin. Nagbabadya ang isang malakas na ulan .
habang ako , heto at naglalakad sa kawalan . hindi ko namalayang nakarating ako sa playground.
Wala sa sariling naupo ako sa isa sa mga swing doon .
*FLASHBACK*
"Audrey ! ano ba ang kailangan kong gawin para mahalin mo ako?"
"wala ethan ! wala ! O kaya kung gusto mo magpakamatay ka ! psh ! bahala ka na jan !
at bigla na lang siyang nilamon ng Kadiliman .
_._._.
Audrey ! ginawa ko naman ang lahat ah ? Bakit ba di mo ako magawang mahalin ? bakit ?
naluluha kong sabi sa sarili ko .
Psh ! para nakong baliw ! pati sarili ko, kinakausap ko ! makauwi na nga
HUHUHUHU ! (isipin nyo si witch yan , yung sa left 4 dead )
bakit ba kasi lagi nalang siya ang hinahabol mo ?
huhuhu ! iyak ng isang babae .
Nilapitan ko siya para aluin siya .
"M-Miss ?" Tanong ko
"Wag mo akong lapitan!"sigaw niya
"P-Pero miss"pigil ko
"Wag sabi "sabay angat ng mukha niya
Nahindik ako sa nakita ko . Isang babaeng lumuluha ng dugo .
"M-Multo?!" sigaw ko saby karipas ng takbo
"wait!" sigaw niya pero patuloy ako sa pagtakbo
Hingal na hingal kong sinasarado ang pinto . nakauwi na ako sa bahay .
hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako .
Sa Sobrang pagod , humiga nako sa kama ko .
3:00 A.M
"psssst !"
"psssst !"
"ano ba ! sino ba yung sitsit ng sitsit .
"psssssssssssssssssssttt!"
"ano nga sabi ?" napabalikwas na ako sa kama ko .
f*ck ! 3:00am palang oh ! nanaginip lang ata ako .
Pahiga na sana ako nang .....
"buti naman at nagising kana !" sabi ng isang babaeng nakaputi .
*BLINK BLINK *
o_0
"s-sino ka ? Paano ka nakapasok dito ?" tanog ko .
Lumapit siya sa akin . at tumabi .m Di ko mapigilang kilabutan .
"Wag kang matako ! Ako si chique ! Pumasok ako sa pintuan niyo !" sabi nya .
"paano ka naman makakapasok eh naka-lock yun ?" takang tanong ko .
"Malamang kaluluwa na lang ako kaya tumatagos ako sa mga dingding !" pagmamalaki nya .
"Multo ka ?!" gulat na sabi ko . ano bang meron at lapitin ata ako ng multo ngayon . waaaaaah ...
"Oo naman Yes! ako yung tinakbuhan mo kanina sa may playground !" sabi pa niya .
"Eh-Eh Ikaw yun ?" kung mamalasin nga naman .
"Oo ako yun ! pasensya na kung natakot kita ah ! "sabi pa niya
"Ah-Eh ! Ok lang yun ! ngayong nakapagsorry kana,
pwede ka ng umalis ! " sabi ko natatakot kya ako .
"Ang rude mo naman ! Multuhin ka sana " pagdadabog niya .
"eh minumulto mo na kaya aki !" ibang klaseng multo yo . di na tuloy ako natatakot =____=
"Whatevaaaah !" Sabi nya and she rolled her eyes !
At kung inaakala niyong umalis nga yung multo na yun ee . Hindi .. Sobrang kulit , sobrang daldal...
Parang di multo ee . well nasanay na rin naman ako ee .
Days had passed . at unti-unti akong nahuhulog sa kanya. mabait sya , maaalahanin at higit sa lahat napapatawa niya ako
kahit na sobrang pangit ng naging araw ko .
Nagulat na laman ako ng isang araw
"ethan ?" tawag ni chique sa akin
"bakit chiqs ?" tanong ko
"Di ko na kaya ! Aalis na ako ah Q" sabi nya . Malungkot siya
"Ha ? San ka pupunta ? Bat ka aalis ? Ayaw mo naba sa akin ?" pagtatanong ko .
"Hindi sa ayaw ! Di ko na kasi kaya ! Tinatawag na niya ako !
Please ! Ayoko pa ! Tulungan mo ako !" umiiyak siya .
"Pero paano ?" tanong ko . tumakbo siya . sinundan ko siya .
Sa paghabol ko sa kanya hindi ko namalayang may paparating na jip .
* BAM *
* BAM *
* BAM *
"Pasensya na kung pati ikaw nadamay " bulong ng isang pamilyar na boses .
Paggising ko , nasa puting kwarto ako . Naabutan kong tulog si Audrey . Bumangon ako . Lumabas ako .
may nakita akong umiiyak sa katabi kong kwarto , kaya naisipan kong sumilip sa loob . nakita ko siya ! si Chique , 50-50 ,
Paanong ? .. Pumasok ako ,
"Chique ? paanong ?" takang kinakausap ko ang babaeng mahimbing na natutulog .
Tinitignan lang ako ng pamilya nya .
"Chique ! buhay ka pa pala ! Gumising kana , wag mo ako iiwan !" Naiiyak na sabi ko habang hawak ang kamay niya .
" Mahal kita !" Tumulo ang luha ko sa kamay niya .
at biglang dumiretso ang linya . kasabay ng bulong na "MAHAL NA MAHAL DIN KITA ."
Pinaalis ako ng doktor . bakit ? chique ! mahal kita ..
umiiyak ako habang tinitignan kung paano siya sagipin ng mga doktor . Nawalan na ako ng pag-asa . Bakit ?
kung kelan Mahal ko na si Chique . bakit ?
*totooooot toooott *
*dug. dug. dug. dug . *
Nagulat ako ! Buhay siya ! Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay . Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang
mga daliri . Lumaban siya ! Para sa pag-iibigan namin . ^__________^