Yelo

28 0 0
                                    

Crush, gusto kong malaman mo 

Na kahit hindi tayo 

Basta single ka, Masaya ako ^___^

"Chiquuuuuueeeeee!"sigaw ni Mama 

"Ma, Bakit?" tanong ko. Kay aga-aga nambubulabog ng kapitbahay =___= 

"Pumunta ka sa tindahan nila Aling Pasing! Bumili ka ng Yelo." Utos ni mama 

"Eh Ma! Ang layo nun! Diyan nalang kila Mang Berting" pagrereklamo ko 

"isa! Hindi mineral jan kila Mang Berting. Gusto mo magka-kolera? Bilisan mo at nauuhaw na ako!" singhal ni Inang Reyna. 

"Demanding?!!!!" sabi ko at ako'y gumora na!

Sa tindahan ni Aling Pasing-

"Pagbilan! Pabakal! Pabili!" sigaw ko sa may tindahan 

"Saglit lang! Gino, pagbilhan mo nga muna yung bumibili, nagluluto ako!" sigaw ni Aling Pasing.

May lumabas na binata. Maputi, matangkad, singkit mata, mapupulang labi, in short GWAPOOOOO!! Kyaaaaahhh!

"Uhm, miss? Ano yung bibilhin mo?" untag niya sa akin. 

"ikaw! Este yelo pala!". Naknang! Bat ko nasabi yun? 

" ah sige, saglit lang!" sabay kuha ng yelo  

"eto oh" abot niya sa akin ng yelo. 

"eto bayad ko" nagbayad na ako at umalis.

Ayos may instant crush pa ako! 

Ilang araw rin ang lumipas. Napag-alaman kong sa school din namin siya nag-aaral. Well tadhana nga naman. Hindi ko alam na campus heartthrob siya sa school naming. Wala naman kasi akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin eh =___=

"Ate! Ate! Samahan mo akong bumili ng cartolina" sabi ni Anne sakin. 

"Sige, pero kiss mo muna si ate!" sabi ko. At ki-niss nga ako ^___^

Sa tindahan ni Mang Berting

"Pabili po!" tawag ni Anne 

"Oh, Anne ano yun?"tanong ni mang Berting 

"May pink na cartolina po kayo?"tanong ni Anne 

"Ay wala eh!" sagot ni Mang Berting 

"Tara Anne, baka meron doon kila Aling Pasing!" Aya ko kay Anne.

At pumunta na kame,, 

"Pabili po!" Sabi ko. Sana si Crush ang lumabas. *crossed fingers* 

"Ano yun?" waaahh si crush nga! Swerte ^____^ 

"Pink na Cartolina nga po" sabi ni Anne 

"Saglit lang ah! Eto oh!" Bigay niya kay Anne. 

"Eto yung bayad!" sabi ko, naks. Nakasimoy pa ako.

Paalis na sana kami ng bigla niya akong tinawag.

"Uhm, Miss ano pangalan mo?" tawag niya sakin.. 

"Ah, eh Chique!" nahihiyang sabi ko.

"Uhm Chique! Yelo kaba?" tanong niya sakin.

Hala yelo daw ako? Tao kaya ako =____=. Tss

"Hindi ah! Bakit?" sagot ko

"Kasi -kasi crush kita! ^___^" nauutal pang sabiniya.

O///////////////////////////O kyaaaaaa! Crush niya ako? Ayiie

" Erm, galet kaba?" nag-aalalang tanong niya.

"Don't worry! 

The feeling is MUTUAL! ^_____^" sabi ko .

8 stories for my friend Chique ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon