Ang selos nilulugar yan
Minsan selos ka ng selos
Kaibigan niya lang pala yun
Minsan selos ka ng selos
Kaibigan ka lang pala niya
"Hey sweetie, say ah!" paglalambing ni Erin kay Marco.
"Aaaaaahhh-" etong uto-uto na si Marco sumunod naman.
Shet na malagkit! Nadudurog ang puso ko! Ako dapat yun eh, hindi yung babaing yun, marco naman kasi, bat ang tanga mo? Nasa tabi mo na nga, humanap ka pa ng iba.
Mula sa pinagtataguan ko, tumakbo ako paakyat ng rooftop. Ang sakit! Sana pala di ko nalang sinabi ang nararamdaman ko.
*flashback*
"Bestfrieeeeeend!" tawag ni Marco sa akin
"Oh bakit bestfriend?" tanong ko
"Kami na ni Erin! ^____^" masayang sabi niya
Ouch! Ansakit ah! Nang hihina ako sa sinabi niya. Tumalikod na ako para di niya Makita ng luha ko na anytime pwedeng bumagsak.
"Chique? Ano problema?" tanong niya.
Sh*t! umulan pa. nakikiramay ang panahon. T.T
Nanatili akong nakatalikod. Nag-uunaham na kasi sa pagdaloy ang luha ko eh.
"Chiqs? Di ka ba Masaya para sa akin?" tanong niya
Unti-unti na akong humara. Namumula na ang aking ilong at mata. Nakarehistro sa mukha niya ang pagtataka.
Nagsimula na akong kumanta.
May sikreto akong sasabihin sa 'yo
Mayroong nangyaring hindi mo alam
Ito'y isang lihim itinagong kay tagal
Muntik na kitang minahal
Oo, inlove ako sayo bestfriend, matagal na!
'Di ko noon nakayang ipadama sa 'yo
Ang nararamdaman ng pusong ito
At hanggang ngayon ay naaalala pa
Muntik na kitang minahal
Masaya na ako sa palihim na pagsulyap sayo. Sinusulit ko ang mga oras na magkasama tayo.
Ngayon ay aaminin ko na
Na sana nga ay tayong dalawa
Bawat tanong mo'y iniwasan ko
Akala ang pag-ibig mo'y 'di totoo
Tinanong mo pa nga ako minsan kung may madumi ba sa mukha mo, nahuli mo kasi akong nakatitig sayo.
'Di ko alam kung ano ang nangyari
Damdamin ko sa 'yo'y hindi ko masabi
Hanggang ang puso mo'y mapagod
Sa paghihintay kay tagal
Saka ko lang naisip muntik na kitang minahal
Di ko pa rin mapigilan ang luhako. Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay kung may sasabihin ako. Nagsalita ako.
"Sa totoo nga lang, mahal talaga kita. Mahal na mahal!" di pa rin siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Marco, ang tagal kong itinago ito. Alam ko kasing anytime, masisira ang friendship natin. At ayokong mawala ka. Marco, please! Ako nalang! Huwag na siya!" pagmamakaawa ko. Niyakap niya ako at nagsalita. "Chique, mahal din kita, pero noon iyon. Si Erin na ang mahal ko. Sorry!"
Lalo akong napahikbi. Tumakbo ako kahit na umuulan. Masakit eh! Tinatawag niya ako pero di ako lumingon.
That was 2 months ago. Masakit isipin na hanggang ngayon, siya pa rin. Masakit isipin na parang balewala lang lahat iyon. At katulad ng dati, umiiyak ako ngayon, kasabay ng pagpatak ng ulan sa aking pisngi.