Chapter 25

537 19 2
                                    

Travis's PoV

Masaya ako habang nagmamanaheo ng kotse ko pa uwi sa bahay. Masayang masaya ako, lalo pa at pumayag si Mace na ihatid ko ngayon. Sobrang saya ko. Pwede na akong mamatay ngayon na! Hahaha biro lang. Hindi na ako makakapaghintay na sagotin niya ako ng OO. Sumisipol pa ako habang naghihintay na mag Green ang stoplight na siyang sign na Go.

Ayaw ko ng matapos ang araw na ito. Ngunit mas gusto kong dumating ang araw na sasagutin ako ni Mace at iyon ang ayaw na ayaw kong matapos. Ang relasyon namin.

I love her, so much. I don't wanna lose her. I want her to become my wife, the mother of my child. Siya ang babaeng nakikita ko sa future ko. Magkakaroon kami ng sariling pamilya, at masaya kami. Walang problema, kung meron man ay nasusulusyanan agad.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng village namin. May ipapakita lang akong ID para makapasok ako sa village namin.
Pagkatapos no'n ay malaya na akong pumasok. Nagbusina lang ang ako ng tatlong beses at nakita ko na si Yaya, na nagbubukas ng pintuan at ilaw.

Pumasok na ako at nagpark sa garahe, nakita ko naman agad ang Sasakyan ni Dad. Nandito siya. Nandito lang naman siya kapag may importanteng bagay na kailangan niyang gawin.

Agad na akong pumasok pagkatapos kong bumati at humalik sa pisnge ni Yaya, gano'n din siya sa akin. Aakyat na sana ako papunta sa kwarto para magpalit ng tawagin ako ni Daddy.

"Marc, Can we talk? " Ang sabi niya.
Agad ko naman siyang nilingon. Mukhang seryoso ang paguusapan namin kaya agad na akong lumapit sa kaniya.

"About what dad? " ang sabi ko bago umupo sa itinuro niyang upuan. Nagtataka ako kung bakit dito namin pag uusapan at hindi sa office niya.

"About your wedding...... With Alexis"ang sabi niya na ikinaguho ng mundo ko. Natulala lang ako sa harap niya. Wala akong masabi. Ayaw gumalaw ng katawan ko, ni ayaw bumuka ng bibig ko.

May problema. Hindi pwedeng matuloy iyon. Hindi.

Mace's PoV

Kakauwi ko lang sa bahay at nakita ko agad si Mama. Nag luluto siguro siya ng ulam namin sa hapunan. Umakyat na ako para magpalit ng pambahay na damit. Naalala ko ang nangyari kanina. Matapos nang nangyari sa Gym ay pumunta muna kami nila heaven at Travis sa canteen para kumain. Tila nawala ang pagod ko kanina s apag akyat ng makita ko si Travis. At ngayon ay liligawan niya pa ako. Ang saya saya ko, hindi ko inakalang mapapaaga iyon.
Inihatid ako ni Travis sa baya pagkatapos ng Klase ko. Kinilig naman ako sa simpleng bagay na iyon. Hindi na ako magdadalawang isip na sagutin si Travis dahil may trabaho na si Mama. Naalala ko na naman ang trabaho niya sa ibang bansa. Nakakalungkot dahil iiwan niya ako para makapagtrabaho siya para mabayaran ang tuition fee ko. Bumababa na ako dahil nagugutom na din ako.

Ewan ko ba kung bakit. Eh kakain ko lang naman bago ako hinatid ni Travis. Oo kumain kami sa isang restaurant kasama si Heaven. Wala kasi siyang sundo kanina kaya isinama nalang namin siya.

Hanggang sa bahay namin ay sumama siya. Para na rin daw makita niya si Mama. Naikwento ko kasi sa kaniya na Umuwi na si Mama at ang tungkol sa pag alis ni Mama. Ikinalulungkot niya naman iyon kaya sumama siya sa akin lara makipag kwentuhan kay Mama bago ito umalis. Kaya hindi na ako magtataka ng pagbaba ko ay nandoon siya. Kausap si Mama habang kumakain.

Amoy na amoy ko ang menudo na niluto ni Mama. "Amoy palang masarap na ang ulam natin ngayon Mama ah. "Ang sabi ko habang umuupo sa upuan ko na katabi ni Mama.

I'm Inlove With My BrotherWhere stories live. Discover now