Chapter 1

662 17 0
                                    

***Maya's POV***

This is a very busy day as usual. Lalo na't galing lang ako sa limang araw na vacation leave dahil sa nakaraang family reunion sa probinsya.

Pagdating sa office ay agad kong binuksan ang aking laptop at nagsimulang basahin ang sangkaterbang emails. Limang araw lang akong nawala pero goodluck naman, umabot na sa mahigit isanlibong emails ang nakatambak sa inbox ko. Ni minsan di ko binigyan ng pansin mga to nung nasa bakasyon ako. Bakasyon nga di ba? Kalimutan muna trabaho. Inuna ko lang iyong mga sa tingin ko'y importante at pagkatapos nito ay sinimulan ko n ang usual na routine ko sa trabaho.

Anim na taon na rin akong Sales Operations Manager sa kompanyang to at sanay na sanay nako sa araw araw na nangyayari sa opisina. I should join at least 5 client meetings each day.

Pagpatak ng lunch time ay agad na lumabas ako ng opisina at nasalubong ko ang mga empleyadong palabas din para mag lunch. Bati dito bati doon.

"Hi ma'am. Musta po bakasyon?"

"Ayos naman. Bitin nga eh.", sagot ko naman.

Yung iba naman, "Maam baka may pasalubong tayo dyan. hehehehe?"

Ngiti lang ang iginanti ko sa kanila. Nawalan talaga ako ng oras bumili ng pasalubong dahil madaming kaibigan at kamag-anak ang ngpunta sa bahay sa probinsya at di nako nakagala man lang.

Kakatapos ko lang kumain sa isang fast food mag-isa ay nagpasya akong maglakad lakad para bumaba kahit papano ang kinain ko.

Dire-diretso akong naglakad papunta sa may smoking area ng building kahit di naman ako naninigarilyo nang biglang may bumanga sakin.

Natumba ako literal buti na lang at nakapantalong maong ako ngayon kundi baka nasilipan na ako sa itsura ng pagkakatumba kong nakabukaka.

"Arraaouchhh!", bulalas ko.

"Hahaha! Miss, are you okay? I'm sorry I didn't see you. Come on." sabay alay ng kamay nya para makatayo ako pero off yung dating ng tawa nya sakin.

"Salamat ng marami ha." sarcastic kong sagot sa kanya ng di ko kinukuha kamay nya. Di ko na sya tinignan at nagtuloy tuloy nakong bumalik sa opisina ng nakabusangot.

Bad trip na ang araw ko ng dahil sa nangyari.

Yabang ng lalaking yun, may patawa tawa pang nalalaman. Gosh, nakakahiya!

Di ko alam kung tumawa sya sa itsura ko kanina pero uminit talaga mukha ko sa inis at kahihiyan dahil andaming nakakita.

Hello, baka di nya ako kilala. Kung makatawa wagas. Grrr. Kainis..

Umuwi ako sa tinutuluyan kong condo ng nanakit ang sintido. Sa sobrang pagod at sakit ng ulo ay nakatulog agad ako.

---
Nagising ako ng mas maaga ng usual dahil plano kong mag-jogging ngayon sa may Ayala Triangle.

Dalawang beses isang lingo ko lang tong nagagawa at sa tuwing maaga lang akong nakakatulog.

Madami dami ring tao ngayon karamihan mga Koreans. Bakit nga ba ang daming Koreans dito sa Pilipinas lalo na sa Makati? Pati mga kabataan ngayon nilamon na ng kanilang sistema. Makikita mo sa mga porma ng mga estudyante, kung ano ang trend sa Korea yun din malimit suot nila. Pati expressions nahawaan na.

Mag Barong Tagalog din kaya mga Koreano?

Saglit akong natawa sa isiping yun nang maalala ko si Ryan Bang.

Nang mapagod sa pagja-jogging ay dumeretso ako ng 711 para bumili ng energy drink.

Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko ng makita ko kung sino ang papasok sa convenience store na yun. Halata ding galing sa pagdya-jogging ang lalaking to.

"Pag minamalas ka nga naman.", sambit ko.

Parang narinig ng lalaki ang sinabi ko at automatic ang kanyang pagtingin sa banda ko. Nabigla din sya ng mapagtantong ako ang nagsalita.

"Hey, you're the one who fell off the ground, right? Was that yesterday?" He said while grinning.

Sarap sapakin. Ipa-alala pa talaga ang kahihiyan kong kagagawan nya.

Napagpasyahan kong wag pansinin ang lalaking to. I don't want my day to be ruined again....

Lumabas ako ng 711 ng di sinagot ang tanong nya. Kumunot ang kanyang noo at di makapaniwala sa ginawa ko.

"Hayyzzz, Lord ilayo nyo po ako sa disgrasya at kamalasan sa araw na to." dasal ko habang pabalik s condo.

Fall In Love With MeWhere stories live. Discover now