***Maya's POV***Naiwan ako sa tabi ni Mr Claro na kasalukuyang nakikipag-usap kay Mr Zamora, and daddy ni Tristan.
Matanda na si Mr Zamora pero kita pa din ang kakisigan nito. Sa lahat ng magkakasosyo ito ata ang pinakamakisig.
Pero mas gwapo pa din ang aking boss dahil lagi pa itong nakangiti.
Nagpaalam saglit si Mr Zamora kaya sakin natuon ang pansin ni boss.
"Iha, are you alright? Sorry napabayaan na tuloy kita. Ngayon lang ulit kasi kami nagkasama-sama alam mo na. Hahaha. I feel happy. Para kasing nakompleto ulit ang pamilya. Hope you understand."
Kita sa mga mata niya ang kasiyahan. Masaya na rin akong nakikita syang masaya. Madalas kong maalala sa kanya ang aking ama.
"Maiba ako Maya, wala pa akong nababalitaan na may nanliligaw o naghahatid sayo sa office. Don't you have a boyfriend?" tanong niya sakin.
"Hah ah eh wala po boss. Walang pong magkamali eh. hehehe." nahihiya kong sagot.
"Aba sa ganda mong yan? Masyado ka sigurong pihikan iha. Di bale darating din ang para sayo kung meron man. Don't close your heart. Sana di ka na matulad sakin na naging malungkot ang buhay sa pag-iisa. Sabagay, may mga oras din noon na naging masaya pa din ako kahit single. Tulad noong bata pa yan si Edward doon sa Germany madalas ko yan kuhanin pag nagbibisita ako kay Conrad. Hinihiram ko yan at ipinapasyal. Ang cute cute kasi niyan noong bata siya. Irresistible kung baga. Happy pill namin. Di mo aakalain na lilipas ang panahong ganito. Kayo malalaki na ngayon tapos kami matatanda na." pahayag ni boss.
"Yaan nyo po ituring nyo na lang po akong anak niyo para di na kayo malungkot." pag-comfort ko kay Mr Claro.
"Napakabait mong bata ka bukod pa sa napakasipag. Malayo din ang mararating mo iha. Maraming salamat sa malasakit mo sakin at sa kompanya." pahayag niya.
Di kalaunan ay bumalik nga si Tristan sa tabi ko. Madali ko syang nakagaanan ng loob dahil kalog din syang tulad ko.
Bigla na lang lalakas ang tawanan namin na ikakagulat naman ng isa, sino pa nga ba?
Napapalingon na lang sya dahil medyo busy din siya sa kakirehan.
Di ko masigurado kung sino mas kire yung Denise ba na yun o sya mismo.
Kulang na lang isemento ni Denise ang katawan nya kay Edward na tuwang-tuwa naman sa tingin ko.
"Yung totoo Maya? Binibigyan mo ng atensyon?" pagalit ko saking sarili.
Natapos din ang party sa wakas. Isa isang nagpaalam ang mga bisita.
Sasabay na sana ako kay boss ngunit nagpumilit si Tristan na ihatid ako. Ipinagpaalam pa ako kay boss. "Tito Rick, I'll be the one to bring her home if you don't mind."
"Take care of my daughter Tristan. And behave please." tugon nya dito.
"Goodnight iha. See you tomorrow. Anything happens, let me know, okay? Sumbong mo sakin tong isang to pag di nagbehave." baling sakin ni boss.
"Goodnight din po. Ingat po kayo. See you po sa office." paalam ko na din.
Masayang kasama sa sasakyan si Tristan. Napaka-jolly. Di mo aakalain na ang macho gwapito na to ay komedyante rin pala.
May kamukha nga syang artista. Teka! Tama! Si Christopher Reeve! Ang original Superman. Napakaswerte siguro ng magiging girlfriend nito o baka may girlfriend na nga ito. Di naman malabong mangyari dahil sa taglay na kagwapuhan at kakisigan nito. Di rin siya kakikitaan ng kaartehan kahit na lumaking mayaman.
"We're here. Thank you so much Tristan! So, see you when I see you!" biro ko.
"No way! I'll see you in the office. How about breakfast with you tommorow, beautiful?"
"Nah! I'll jog early tomorrow. Lunch maybe." Sabay smile sa kanya. Hahaha kala nya magpapakipot ako. Libre yun uy!
"Lunch then! Your treat?" Nagulat ako. "Just joking! Hahahhaa. See yah tomorrow beautiful!"
"Can you please stop calling me beautiful? I know I already am!" sabay ngiti at taas ng kilay.
"You can't stop me. Choose then! Baby or beautiful?" he said while grinning.
"Adik ka ba? Sige na nga beautiful na lang. Ang haba naman nun kesa Maya. Bahala ka dyan. Goodnight then! Take care my friend and thanks again!"
Hinintay kong makalayo ang sasakyan nya bago ko naisipang pumasok ng condo. "Tsk! Grabe ang isang yun! Ngayon lang ako nakatagpo ng ganong kakulit na lalaki kahit ubod ng yaman."
Sabagay may mga kaya din naman ang mga naging kaibigan ko lalo na si Krishia.
Wait! Si Krishia nakalimutan ko na. Di pa ako na-update kung kailan ang uwi nya.
Dali dali akong nagbihis at pagkatapos ay nagcheck ng aking social media accounts.
YOU ARE READING
Fall In Love With Me
FanfictionThis is my first Mayward fanfic story in my other wattpad account @bitterheartaches. Unfortunately it was hacked and until now I couldn't recover it. I have the raw file though so I'm transferring it here.