Chapter 2

354 13 0
                                    

***Maya's POV***

Panibagong lingo.

Madaming pagbabago at sorpresa sa opisina.

May nagbago sa Executive Committee.

Napalitan na ang dating Exe-Com lalo na ang CEO.

Nagretire na si Mr. Conrad Smith dahil sa medyo matanda na ito.

Ang balita ko ay ang nag-iisang pamangkin nya ang pumalit dito at take note medyo bata pa daw at isang sought-after bachelor.

Care ko? Hahaha.

Mamaya na mangyayari ang formal announcement at meet and greet.

Walang may idea kung sino ito at lahat ay medyo kinakabahan.

Pinagbihis pa lahat ng empleyado ng mas medyo formal office attire para ma-impress daw ang new boss.

Kadarating ko lang ng office at nagmamadali akong pumindot ng elevator papunta sa 18th floor.

Pagkalapag ko ng bag sa aking mesa ay agad kong binuksan ang laptop ko.

Oh my God! Thirty minutes na lang at meeting na. Makapagretouch nga muna. sabay ayos ng damit kong medyo may pag-kasexy.

Madalas kong makuhang compliment na mukha daw akong modelo.

Hmmnnn.. Sabay kumpirma sa salamin.

Pwede! Pak! Pede ko ng maging friend si Tyra Banks.

Di ko nga lang alam bakit kahit ganito itsura ko wala akong ka-amor amor sa mga lalaki.

It's true! Di naman ako lesbian. Ako'y certified NBSB! Ssshhh! Di nila alam.

Ang akala nga ng iba ay bitch-era ako kasi minsan din nila akong nakikita sa mga sikat na bars.

Wala lang... eh sa wala akong mga friends dito kaya minsan alak na lang din napapagtrip-an ko. One way to unwind. A temporary escape from all the stress I have in life.

May mga kaibigan ako at bestfriend pero lahat sila nasa abroad na at may pamilya na.

Minsan ko lang din sila nakaka-usap, kapag may okasyon lang o pag umuuwi sila ng Pilipinas. They're all successful people. Happily married kaya lagi na lang ako napagdidiskitahan pag nagkakasama-sama kami.

"Darating tayo dyan!" Yun lang ang lagi kong sagot sa kanila.

Na-ireto na nga rin ako sa mga iba nilang friends karamihan mga foreigners pa pero wala talaga.

Di pa ata pinapanganak magpapatibok ng bumbunan ko este ng puso pala.

Kaya work work work na lang muna ang peg ko.

---

Dumating ang takdang oras ng meeting.

Pumasok na ang Man-Com(Management Committee sa Conference room.

Isa ako sa mga Operations Manager kaya kasali ako dun.

Hinihintay ang pagdating ng bagong CEO at iba pang miyembro ng executive committee.

Lahat halos kinakabahan lalo na't may email na naggaling sa kataas-taasan na bumaba ang revenue ng kompanya.

At malaki ang parte ko sa responsibilidad na yun.

Kaya dapat ihanda ko ang sarili ko sa mga nagbabadyang katanungan ng Ex-Com lalo na ng CEO.

Ngayon pa lang parang nagrarambol na ang tyan ko sa kaba.

Fall In Love With MeWhere stories live. Discover now