Chapter 19

19 0 0
                                    

Hope

"Zero" nagulat nalang ako sa sinabi ni ate Mel. Sabay-sabay kaming tumili nila Rose. Si kuya Zero naman yung mukha parang nagproprocess pa yung utak.

"OMG that came out wrong, i mean Zero... pwede ibang tanong nalang?" palusot na tanong ni ate Mel.

"Suuus palusot pa" pang-asar kong sinigaw.

"Mamaya ka sakin Hope!" ngumisi saakin si ate Mel, Owww emm geee wrong move WAHHHHH abort abort!

"anyways my turn" bumunot ng name si ate Mel, "Hanna"

bumunot si ate Mel doon sa jar na dilaw, "Its a dare, isigaw mo yung isang sikreto ng isang kaibigan mo"

ngumisi saakin si Hanna, shet this isnt good. "kahit sino ba?" tanong nito kay Mel at tumango ito.

"okay" umupo ng maayos si Hanna, "GUSTONG PAKASALAN NI HOPE SI NAM JOO HYUK" sigaw nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinigaw ni Hanna, jusko akala ko si Travis yung sasabihin niya nakuu! masasapak ko siya.

"Oh? as in nam joo hyuk? yung kahawig ni Travis?" tanong ni kuya Zero, halaa! isa pa itong si kuya! nakikisali sa trip nila Hanna kagigil! Sinabi ko kasi sakanya noon na kahawig ni Travis si Nam joo hyuk.

"Oo kuya! WAHHH" Sigaw ni Rose.

"wehh? patingin nga ako kung kahawig ni Travis?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyler.

"Sige wait" Nakangiting sinabi ni Rose, aba! subukan niya! nakakahiya kaya! naguusap sila na parang wala si Travis ditooo.

Speaking of Travis nakataas lang yung kilay niya saamin.

"ito oh!" excited na pinakita ni Rose kay Kyler pati narin kay Travis kasi magkatabi lang naman sila ni Kyler.

tinignan ni Kyler ang mukha ni Nam Joo Hyuk sa phone ni Rose at tinignan din ni Kyler yung mukha ni Travis "Woah! oo nga bro! hahahaha kahawig mo nga!" natatawang sinabi ni Kyler, "Hope! bakit si Nam Joo Hyuk pa eh meron namang Travis Robert Lee" biro ni Kyler.

"Oh Travis pwede ka daw bang pakasalan ni Hope?" biro ni Kuya Zero, PAKSHEETT NAKAKAHIYAAAA WAHHHHHH!

tumawa lang si Travis sa sinabi ni Kuya Zero. Okay shut up nalang ako dito.

"oh Hanna! bumunot kana" sabi ni Jayce. Bumunot na si Hanna at si Travis ang nabunot niya, Dare ang nabunot ni Hanna. Ang kailangan lang gawin ni Travis ay sumayaw.

Ilang oras ang makalipas tumayo na sila Rose "Wahhh kailangan na naming umuwi magseseven na ehh" sabi ni Rose, nag goodbye na kami sa isat isa, pati sila Travis uuwi nadin daw dahil pagod na din daw. Nang umalis na sila nag-ayos na kami ni Kuya Zero.

"Mukhang may pang-asar na sa'yo si Kyler ah" natatawang sinabi ni Kuya Zero.

"ihhh ikaw kasi ehhh" nag pout ako sakanya.

"totoo naman kasi eh hahahaha pero malay mo makalimutan niya" sabi ni Kuya Zero "Sige na hope, goodnight sweetdreams" nakangiting sinabi ni kuya Zero saakin at umakyat na.

Kinuha ko ang phone ko sa lamesa at umakyat na din, duhh ang creepy kaya sa baba haha.

***

"Hope gising na" Sabi nung lalaki, haysh! kung sino man ito mababaog to ng maaga!

"Hope, i know you really hate mornings pero kailangan mong gumising! Sabi ng mom mo bumili ka na daw ng accesories para dun sa gown mo, maghahanap din ako ng tuxedo dun" Nanlaki agad ang mata ko at nakita ko si Kuya Zero nakatayo sa gilid ko at nakangiti. Okay binabawi ko na yung "mababaog" part

Trying to Fix his Broken Heart (Taglish)Where stories live. Discover now