Chapter 14

24 0 0
                                    

Hope ♥

Inayos na ni Ms. Lara yung formation namin luckily hindi kami sa harap nilagay ni Ms. Lara, nasa right ko si Rose at Si Holden (partner niya) tas nasa left ko naman si Travis at yung partner niya na grade 10.

Inexplain ni Ms. Lara ang gagawin sa entrance achuchuchu, jusko kabored pala to noh?

Pagkatapos namin ay ung ibang grupo Naman muna ang magprapractice, tag two hours lang kasi yung time namin, kaya for the next 4 hours it's either maghaharutan kami ni Rose or mabuburyong ako dito sa loob. Bawal pa kasi umuwi eh like wat da pakk.

"Uy bish! Kita nalang tayo mamayang uwian! Haha byeee!" Sigaw ni rose kasama yung partner niya.

Ngumiti nalang ako, at pumasok sa library, siyempre tambayan ko ito eh. Nilabas ko Ang phone ko galing sa bulsa ko at naglaro nalang ng Sniper.

Nabigla nalang ako ng biglang may umupo sa tabi ko, pinause ko muna yung game at baka mahuli ako ng mga guard (sa laro). Tinignan ko Kung sino yung umupo sa tabi ko, si Kuya Zero lang pala jusko.

"Sniper?" Tanong nito at tumango naman ako.

"Anong rank mo na?" Tinignan niya yung phone ko, "rank 9 ka palang? Hahahahahaa" aba abnormal to ah!

"Kakadownload kolang kasiiii" paglaban ko sakanya. Medyo tumigil naman siya sa pagtawa. "Bakit po ba kayo nandito kuya Zero?" Tanong ko.

"Tinignan ko lang kung nasa matinong kalagayan na pinsan ko, minsan kasi may topak eh kawawa naman yung magiging partner." Sabi nito. Teka? Sino nga ba ang pinsan nitong si kuya Zero?

"Sino po ba yang pinsan mo?" Tanong ko kay kuya, ngunit ngumiti lamang siya at umiling "I think I'll keep it for now, ayaw niya kasing may nakakaalam na magpinsan kami"

"So di siya proud na pinsan ka niya?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko Ang mga salitang iyan, abay malay ko ba na may sariling utak tong bibig ko.

"Hindi naman sa ganoon, masyado kasing private yung lalaking iyon" Ngumiti siya saakin at kinuha yung phone niya. "Oo nga pala, Wala pa akong phone number mo" binigay niya saakin ang phone niya.

Kinuha ko ang phone niya at Tinype yung number ko, Binalik ko ito sakanya at may tinype pa siyang iba, baka name ko? Idunno.

Mom bought me a new phone kasi, wala na atang pagasa yung old phone ko or wala lang talagang time si Mom to get it fixed.

Tumawa siya ng mahina pero narinig ko padin tss ano nanaman kaya ginawa niya? tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya ako pinansin.

Naglaro nalang ulit ako ng Sniper, bahala nga siya jan. Napansin ko sa gilid ko na naglalaro nadin si kuya Zero ng Sniper, sheemmss! Meron na siya nung baril na gusto koooo huhu.

Diko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalaro.

Dalawang oras na ang makalipas ng maramdaman ko na masakit na ang ano ko....uhmm Pwet hehe.

Nagpaalam na muna ako kay kuya Zero na magiikot ikot muna ako, baka kasi pag nanatili akong nakaupo lalong sumakit ang ano ko huhu.

Paglabas ko ng library ay naabutan ko si ate Mel at Jayce, agad akong lumapit sakanila. Nang makita naman nila akong palapit sakanila ay ngumiti sila saakin.

"Oh Hope nandyan ka pala" nakangiting sinabi ni ate Mel "sabay na tayo maglunch" lumingon naman ito kay Jayce para siguro tanungin kung sasabay siya.

"Uhmm babalik na din ako dun sa gym" tumawa siya ng mahinhin. Nagpaalam na siya saamin ni ate Mel at umalis na.

Pumunta na kami ni ate Mel sa cafeteria, bumili ako ng isang biscuit, isang chichirya at isang tubig. Diko kasi feel kumain ng kanin ngayon.

Pumunta na ako sa inuupuan namin ni ate Mel, kumakain siya ng salad. Tinatry nya kasi ngayon maging vegetarian.

"Oh? Iyan lang ang kakainin mo? Kumuha kadin dito sa salad ko kung gusto mo" ngumiti saakin si ate Mel.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong tawagin ni kuya Zero, lumingon ako sakanya.

May dala siyang paper bag at papunta na siya sa inuupuan namin ni ate Mel. Sumulip ako kay ate Mel, pansin ko na napatitig siya kay kuya Zero.

Binigay saakin ni kuya Zero ang paper bag "nakalimutan ko ibigay lunch mo, ako mismo nagluto niyan" ngumiti siya saakin at napansin ko din na napatingin siya kay ate Mel.

hmmmm parang may kakaiba ahhh xD

"Eh ikaw kuya? Kumain kana ba?" Tumango si kuya Zero "sa mall na ako kakain, balak ko kasi manuod ng sine" nakangiting sinabi ni kuya Zero.

Umalis na din si kuya Zero pagkatapos naming magusap, si ate Mel naman ayun tulala.

"Hoy Katherine Hope Herron Kenzeir, umamin kanga. Nanliligaw ba sayo yun?" Seryosong tinanong ni ate Mel, Hala! Oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi sakanila.

"Umalis kasi si Mom ulit, sinabi niya na sa Canada niya gagawin ang gown niyo....natin" tinitigan ako ng seryoso ni ate Mel.

"So nagpaligaw kana agad?! Jusko naman hope! Kala ko ba" lumapit saakin si ate Mel at binulong "solid ka kay Travis?"

Nanlaki naman ang aking mga mata, hanubayan! Kung ano ano naman naiisip nito ni ate Mel "Hala ate! Hindi!! Siya lang yung magbabantay saakin na parang "kuya" Sabi ni mama" explain ko kay ate Mel.

"Eh? Saan naman nakilala ng mama mo yun?" Curious na tanong ni mama.

"Sa puso mo, WAHAHAHA charot anak kasi yun ng best friend ni mama" Sabi ko Kay ate Mel.

Medyo namula ang pisngi ni ate Mel dun sa sinabi ko WAHHHH kinilig siya dun?

"Ate Mel ikaw nga itong umamin, crush mo noh?" Pangasar ko kay ate Mel. Bigla naman itong napangiti "mayybee?"

Trying to Fix his Broken Heart (Taglish)Where stories live. Discover now