My Bestfriend

30 2 0
                                    

AU:

This is a real story.

Actually my LoveStory.

Kaya medyo nawala si author, naging busy sa lovelife haha. Chos lang.

Hope you like it guys!

---------------

Bestfriend is like a four leaf clover, Hard to find... But lucky to have!

Talaga nga namang napakahirap humanap ng totoong kaibigan. Yung kaibigang hindi ka paplastikin. Yung kaibigang hindi ka sisiraan.

Kaibigang nandyan lagi para sayo, kaibigang handang tumulong at gumabay sayo, kaibigang handang iumpog ka para lang matauhan ka. At kaibigang hinding hindi ka iiwan.

Alam nyo nakahanap ako ng ganyang kaibigan. Actually 10 years na nga kaming magbestfriend.

Ang kaso, isa syang lalaki.

People around us says na hindi pwedeng maging magkaibigan ang babae at lalaki.

Mahuhulog at mahuhulog kayo sa isat isa.

Even my moms says na she is expecting my bestfriend to be my groom in the future.

Just what the hell is that?

I want to prove na pwedeng magkaron ng friendship between a girl and a boy.

Na pwede silang tumagal na walang halong landi.

But it turns out like this...

My POV ( year 2008)

I was on high school, a sophomore when i met my bestfriend named Marvic. He is in the same age with me.

I dont exactly remember kung paano kami nagkakilala. Haha sa sobrang tagal na talaga siguro. Pero sabi nya sa pagpasok ko pa lang daw ng pinto napatingin na sya sakin. My hair was natural brown in color at kapag nasisinagan ito ng araw ay nagmumukhang kulay golden.

Syempre nagintroduction. Pakilala sa unahan. Then sitting arragement. Napunta ako sa gitnang row dahil I ang unahan ng apelyido ko at sya naman ay nasa likod lang na row ko dahil G ang unahan ng apelyido nya.

Then after that day lagi na akong tinatawag ng katabi nito sabay sabing " uy princess tinatawag ka ni Marvic oh! " that goes everyday na lagi ko lang ding nginingitian. Sinasabi ko lang sa sarili ko, lalaki nga naman

Then dumating ang isang araw na nagkaron kami ng groupings at isa ito sa naging myembro ko. Magaling ito sa math kaya namangha ako. Mukha lang syang sira ulo pero matalino naman pala. Nag uusap kami about sa topic hanggang sa nagkapalagayan na kami ng loob. He knows how to speak. And engage his self on others. Ang galing kasi parang ang tagal na namen magkakilala kung mag usap.

Katulad din sya ng mga lalaking mabiro, kalog at di ka magsasawang kausapin kasi napakadaming kalokohan sa katawan. Well, i was a bit of a tomboy personality kaya siguro nagkakasundo kami. I like his personality so much.

And starting that day lagi na kaming magkasama at nagkukulitan. Yung tipong kapag walang teacher uupo sya sa armrest ko para makipagkulitan. Na akala ng iba magkasintahan na kami.

Tinatawanan ko lang sila tuwing tatanungin nila ako. Nakakatawa lang kasi talaga.

Natuwa pa kami kasi andami naming pagkakapareho. June 19 ang birthday nito at august 19 naman ako. At yung araw na naging magkaibigan kami ay july 19. Creepy pero nakakatuwa.

Pero nagkaron ng conflict kasi nabalitaan kong may gf na ito na kaklase din namen kaya lumayo ako. Di dahil nasaktan ako kundi dahil iyon ang tama. Baka mapagselosan pa ako. Mas maigi ng lumayo kesa makasira ng relasyon

SHORT STORIES ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon