Rubiks

80 3 5
                                    


ALEX's POV

" Aish! Ayoko na!" inis na ibinato ko ang hawak kong rubiks saka namaywang. Natatawa naman na kinuha ni Ciel ito.

" Haha simpleng bagay lang umaayaw ka na." naiiling na sabi nito.

Nagpout ako. " Ang hirap kaya nyan! Napakadaming kulay! Ah. Ewan. Masakit sya sa ulo. Ayoko na, sumakit tuloy ang ulo ko." Sabi ko na humawak pa sa ulo ko.

" Sinisi mo pa tong rubiks. Naku, parang tyan lang kasi yan. Sumasakit pagwalang laman." Pang-aasar nito. Tinignan ko naman sya ng masama.

" At anong ibig mong sabihin don?" Nakaarko ang kilay na tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

" Na wala kang utak?" Natatawang sagot nito. Pinaghahampas ko naman agad ito. " ewan ko sayo! Nakakainis ka! Siguro nga wala akong utak! Hindi ko alam kung paano kita naging bestfriend!" Inis na sabi ko na tumigil na sa paghampas.

Oo. Bestfriend ko tong g*gong to. Ewan ko ba kung paano nangyari. Pero bestfriend ko na sya simula pagkabata.

" Gwapo kasi ako." Sabi lang nya. Binigyan ko naman sya ng nagbibiro-ka-lang-look. Natawa naman ito.

" Pwede ba ciel. Maganda ka. Hindi ka gwapo. " sabi ko na nagtanggal ng ngiti nito. Umarko naman ang labi ko dahil ako na ang nakangiti ngayon.. haha nakangisi pala. Its my turn!

Haha mukha kasi syang babae. Sobrang kinis na mas aakalain mo pang sya ang babae samin. De joke. Super amo kasi ng mukha nya, unlike sa mukha ng lalaki na karamihan ay kantuhan.

" Gwapo ako alex, gwapo." Sabi pa nya. Natawa ako lalo. Inis na inis kasi to lagi kapag inaasar ko ng ganito. Nakakatapak daw ng pagkalalaki.

" Sus. Tanggapin mo na kasing maganda ka ciel. " hirit ko pa ng pang-aasar.

Nagpipigil naman ng inis na tinignan lang ako nito.

Haha ganyan yan. Mas gusto nyang manahimik na lang kesa makapagsalita ng hindi dapat.

Minsan ko na syang nakitang nagalit. Super nakakatakot. Dun lang ata lumalabas ang pagiging lalaki nya. Haha.

Tumalikod ito sakin at sinimulan na lang nitong buoin ang rubiks na kaninang binitawan ko.

Oops. Galit na sya. Ok alex, tama na.

Lumapit ako sa kanya saka yumakap sa likod. " sorry na." Pacute na sabi ko.

Ok lang na gawin ko ito dahil parehas naman kaming walang sabit. Ako may dahilan kung bakit pero sya.. ewan ko.

Hindi nya ako natitiis kapag ganito. haha. Ako pa ba? Cute ko kaya!

Hindi naman makatingin na umiwas ito ng tingin.

" uy, sorry na.. bibili na lang kita ng ice cream." Sabi ko.
Napatingin naman ito sakin.

Yiiieh! Ice cream lang pala ang gusto

" anong akala mo sakin bata?" Sabi nya na natatawa na.

Hihi at least tumatawa na sya.

" bakit? Bata lang ba ang nag-a-icecream?" Sabi ko na ikinatawa nya habang umiiling.

" ewan ko sayo." Sabi lang nya pero nakangiti. Hinatak ko na ito at nagpadala naman ito.

----

" Hmmm... Sarap!" Parang batang sabi ko. Natawa lang ito sa iginawi ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng mapansin na nakatitig ito sakin. " bakit?"

SHORT STORIES ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon