RIN's POV" Sabi ng wag mo kong tawaging princess eh!" Inis na bulyaw ko sa pinakakinaasaran kong lalaki.
Ngumisi naman ito sakin. " Prinsess ang pangalan mo diba? So walang mali sa sinabi ko."
Matalim ang tinging nagpipigil akong maupakan ito.
Oo. Princess nga ang pangalan ko.
Princess Anchinette QuinMae Gutierrez.
Sobrang feminine diba?
Kaya nakakainis!
Napakadaming nagsasabing maganda ang name ko..
Hindi lang bagay sakin!
Argh! Ano bang magagawa ko kung hindi ako feminine na katulad ng iba?
Babae ako pero hindi ako mahilig sa girly stuffs. Mas hilig ko ang mga panlalaki kasi mas may thrill.
" Talagang tuwang tuwa ka kapag inaasar ako no? Bwiset ka! Bwiset ka! Makalbo ka sanang panget ka!" Inis na tinalikuran ko to.
Nagtatatakbo ako palabas ng room.
Nakakainis! Bakit ba kasi trip nya kong asarin?
Kung tutuusin napakadaming babaeng may gusto sa kanya para pagtuunan pa ko ng pansin.
Nakakainis! Ano bang problema nya sakin!
Argh! Bakit ba kasi nalaman nyang ayaw kong nagpapatawag ako ng princess?
Bakit ba kasi naging kaibigan pa yan ng kambal ko?
Edi sana.. hindi nya alam!
Flashback...
3 years ago
" Princess! Tanghali na!" Tawag sakin ni mama.
Antok man ay bumangon ako. " opo ma."
Bumaba ako pagkatapos maghilamos.
"Hay nako late na naman gumising ang munting prinsesa" sabi ng kambal ko na 20 minutes lang ang tanda sakin.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Shut up. Evil prince!"
" Woohh. Mukha kang babae kapag ganyan, sis." Natatawang sabi nito kaya binato ko ito ng kutsara.
" Tigilan nyo na yan. Mahiya nga kayo sa bisita. Ikaw prince asikasuhin mo ang bisita mo." Sabi ni mama kaya napalingon naman ako sa lalaking nakatayo malapit samin.