Prologue

268 15 8
                                    

Nagising ako sa tunog ng kampana, hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Lumingong lingon ako sa paligid at parang nagtataka kung bakit ang gara ng kuwarto ko, pero 'di ko muna pinansin iyon.

Hindi ko alam kung bakit pero tumayo ako para maligo sa banyong malawak at magara. Pagkatapos ay nagbihis ako ng isang uniporme. "Teka, akin ba 'toh?", tanong ng isip ko, ngunit nagulat ako nang nagkusang gumalaw ang mga parte ng katawan ko upang isuot sa aking sarili ang napakagarang uniporme.

Pagkatapos ko sa pagsuot, nagdesisyon akong lumabas ng aking kuwarto habang nililibot ang paligid. Nagulat ako sa aking nasilayan, isang malawak na sala at may maliliwanag na sinag dahil sa araw upang bawat parte ng bahay ay masilayan.

Nabagabag ako sa aking nasilayan pagkat parang hindi ito ang aking naturang lokasyon, ngunit ito'y pinagsawalang bahala ko na naman.

Nagulat na lang ako pagkatapos nang nasa loob na ako ng sasakyan. 'Di ko alam kong kanino ito basta't kumikilos lamang ang aking sarili ng kusa. Umandar na ang sasakyang kinaroroonan ko at tila parang isang pitik ang nangyari dahil napunta agad ang lokasyon ng sasakyan patungo sa- "teka, Paaralan ba'to?", sabi ng aking isip. Sa tingin ko isa itong mansyon sa sobrang laki at gara nito.

Di ko alam kung bakit di pa din ako nagsasalita pero hinayaan ko na lamang, hanggang sa-.....


"Ice" 


"Ice!"


'May tumatawag ba sa pangalan ko?' taka kong tanong sa aking isipan. Kasi sa una malabo na parang may naka bara sa tenga mo habang 'yung paningin mo sumasabay sa paglabo ng pandinig mo. Hanggang sa unti-unting limilinaw at--- Panaginip lang pala akalako kung ano na, pero grabe parang ayaw ko ng gumising---charot!

Namalayan ko na lang ang aking sarili na pinagpapawisan at parang may nananakit sa isang parte ng katawa ko na kumikirot dahil ata sa pagka pirme sa iisang posisyon lang sa parte ng balikat ko. Hayaan mo na papahilot ko na lang, puwede din namang ako nalang ang maghilot. Hehehe.


"Huy, gising na! Late ka na sa school mo, Ice".

***

A's N: Please, VOTE<COMMENT>SHARE!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panaginip Lang PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon