chapter 7 (nightmare)

72 3 0
                                    

Author's Pov

Madilim ang paligid,tanging ilaw lang sa isang kwarto na malayo kay Jelainne ang nakikita nito. Naglalakad lang si Jelainne hanggang sa makakita sya ng isang pinto. Kung saan nakatapat ang ilaw na kanina nya pa sinusundan. Lumapit si Jelainne sa pintuan na may sulat na 'surgery room'. Akmang bubuksan na nya ito ng makarinig sya ng boses.. Boses ng babaeng kilalang kilala nya..

"twinnie wag mong iiwan si Jeisz ah? Mahalin mo sya kagaya ng pagmamahal ko sa kanya ah? "

"Pag wala nako sa tabi mo.. Aalagaan mo yang sarili mo ah? Alagaan mo puso ko.. "

Pahabol pa nito.

Napaluha si Jelainne sa narinig nito. Hindi na nya napigilan pang buksan ang pinto. Pagbukas nito ay nakita nya ang dalawang babae. Si Anne ung isa at sya naman ung nasa tabing kama na pang surgery ni Anne na may nakakabit na respirator sa kanya. Hawak hawak ni Anne ang kamay nya na walang malay. Nakita nya na nakapaligid ang mga taong walang mukha na nakasurgery mask at surgery gloves.

"let's start the operation sir? " tanong ni Anne na nakangiti na may halong lungkot sa surgeon.

Nakita naman ni Jelainne si Anne na binitawan ang kamay nyang walang malay.

"what the hell is happening Anne? "
Tanong ni Jelainne na naiyak habang nakatingin kay Anne at sa mga surgeon na hindi sya naririnig o nakikita.

Tatakbo na sana si Jelainne papunta sa mga ito ngunit hindi sya makagalaw.

Anne's Pov

"Jel. Wake up. Your dreaming.. Jel.. "

Kanina nya pa binubulong ang pangalan ko. Tapos sabi nya pa. What the hell is happening daw. Tapos may luha sa mga mata nya.

My Lover SoulWhere stories live. Discover now