Stangers turned Lovers

63 2 2
                                    

"Hoy bakla ka no?!" Pasigaw kong tinanong sa isang guy sa school.

Unang araw palang ng pasukan, sya na lang lagi kong nakikita. Nakakainis lang kasi kung kumilos sya, mas maharot pa kesa sakin. Yun bang sobrang pakikay kung gumalaw? Pati narin pagsasalita! Kaya di mo aakalaing lalaki sya.

Aa? Oo nga, sya pala si Philip Brayden, yung lalaking napagkamalan kong bakla, yung lalaking sinigawan ko ng di sinasadya. Abay sorry naman? Diko na napigilan yung sarili kong magsalita.

Sige, Oo na. Ako si Mitch Agustin. Yung walang hiyang babae sa school. Yung babaeng, sumigaw na lang sa lalaking di pa kilala.

Eto na nga, simula noong tinawag kitang bakla, lagi mo na lang akong kinukulit, lagi ka na lang nagpapapansin. Ewan ba kung anong gusto mong patunayan sakin?

"Miss can i get your number?" Sabi mo. Ayoko nga! Tugon ko, kaso ang kulit mo! Sobra. Nagpupumilit kang kunin ito kaya, napilitan akong ibigay na lang ito dahil nakakairita kana.

Araw gabi. May pasok man o wala. Lagi mo akong tinetext, lagi akong tinatawagan, yun bang Napakamanhid mo kasi nga di na nga kita pinapansin, ayan ka parin. "GoodMorning ganda!" Sabi mo. Bat ba ang kulit mo?! Sagot ko.

Dahil nga sa kakulitan mo, Nag-uusap na tayo. Naging mag kaibigan. Naging magkasundo, hindi lang magkasundo kundi magkasundong magkasundo. Diko inakalang ang dami pala nating pagkakapareho sa isat-isa? Baka ayun nga yung dahilan kung bakit kita naging kaibigan.

Kumilos ka na parang nobyo ko. Hinahawakan mo bag at mga gamit ko. Hinahatid at sinusundo mo ako, may klase man o wala binbisita mo ako, at higit sa lahat ikaw ang naging super hero ko.

Isang araw, tinanong mo ako kung pwede nabang magLevel-up tong relasyon natin. Napatameme ako, akala ko kung ano na pero bigla mong isiningit "Bestfriend na tayo ha?" "Aa. Oo ba" sagot ko. Wew. Napakaassuming ko ba? -,-

Oh kay bilis nga naman talaga ng panahon, Akalain mo? Yung tinawag kong bakla magiging bestfriend ko na pala ngayon? WOW Mitch iba ka na talaga, sabay sabi sa sarili.

Ilang araw ang nakalipas, Namatay si papa, di ko yun inakala! Yung tatay kong mahal na mahal ko! Yung papa kong napakaclose ko, iniwan na lang akong bigla. Hindi ko yun nakayanan, kaya ilang araw akong nagkulong sa kwarto.

*beep Tinignan ko yung phone ko, -Philip- "Uy! Asan kana?" "Miss na miss na miss na kita" "Balik kana ganda oh" "Sagutin mo naman mga tawag ko, please lang." Kaso wala ako sa mood na sumagot sa text mo at makipagusap sayo kaya di ko na lang kinibo yung phone ko.

"Anak mah bisita ka." Sabi ni mama. Nagulat ako akala ko kung sino. Ikaw lang pala. Waaiiit! IKAW lang pala?! Hindi pa ako naliligo, ang gulo ng kwarto, ang baho ko! "anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, di ka umimik. Basta bat umupo ka na lang sa tabi ko sabay sabing, "Tahan na oh, please tama na? Pag umiyak ka, nasasaktan din ako."

Hindi ka na nagtanong pa ng kung ano-ano, Inayos mo buhok ko, pinunasan mo mga luha ko, at hinimas ako sa ulo.

Nagulat ako bigla, kasi ikaw lang yung taong gumawa sakin nito. Ikaw lang ang nagiisang kaibigan kong gumawa lahat ng ito. Ikaw lang yung nagiisang nakasaksi ng pagpatak ng luha ko, nakasaksi lahat ng sakit na nadarama ko.

Sabi mo "Pasyal tayo?" Ayoko sanang sumama kaso makulit ka talaga. Namasyal tayo sa park, kumain tayo ng kung ano-ano. Alam mo ba kung anong nagpatanggal sa mga lungkot sa mukha ko? Yung nagbabaklabaklaan ka para mapasaya ako.

Napakasaya ko noong araw nayun. Para bang nakahiga ako sa langit? Para bang lumulutang ako sa hangin? Abay, Nahulog na ata ako sayo, Abay mahal na ata kita, Bestfriend ko.

Papauwi na tayo pero bigla mong isiningit "Uy may sasabihin ako sayo." Oh? Handa akong makinig, sabi ko. "May mahal na ako, pwede mo ba akong tulungan aa kanya? Pwede mo ba akong turuan kung ano ba ang gusto ng mga babae ngayon? Please oh" Natulala ako, Ibig ng mata kong umiyak, Gusto kong sumigaw. "Oo ba" sabi ko habang pinipigilan ko yung luha kong pumatak.

Sana ako na lang, sana ako na lang, bigla itong umikot sa isipan ko. Maganda kaya sya? Mabait kaya? Mas lamang kaya sya sakin? May matalino kaya? Pabulong na tanong sa hangin.

Pagkatapos nga nun, dika na nagparamdam. Paminsan minsan na lang kitang nakikita sa school. Para bang limot mo na ako? Bakit? Dahil ba napasagot mo na sya? Dahil ba mayroon ng ibang babae sa buhay mo? Dahil ba nanjan na sya sa iyo?! Oo alam kong wala akong karapatan dahil nga akoy kaibigan mo lang, pero papaano? Mahal na mahal ni kita Kaibigan ko.

May narinig akong balita, Napapagchismisan sa campus, "Uy nadisgrasya daw si Philip"

"Patay na daw si Philip Aa?" Naiyak na lang ako. Napatingala sa langit at napaupo na lang sa isang tabi.

"Ate, ito panyo" sabi ng bata, Habang iniabaot yung panyo may nakasabay na papel sa itaas nito, "Hoy bakla ka no?!" Nagulat ako, bigla na lang akong hinatak nung bata papunta sa lugar na di ko man lang alam kung saan.

Saan na ba tayo? Tanong ko sa bata. "pshhh" tugon nya, at biglang tumakbo. *Soft music, petals on the floor. Habang naglalakad ako papunta sa tunog na aking napapakinggan, Saktong may mga batang nagaabot ng mga rosas sa akin.

Nabigla ako, Sino yung lalaki? sino yung pangHuling lalaki? "Philip?! Philip!" :'( "Tahan na" sabi mo, habang inilalagay ang mga rosas sa kamay ko.

"Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Yun bang tinawag mo kong bakla sa napakaraming tao? Kung ulitin kaya natin ang mga sandaling iyon? Pero gawin natin mas disente" sabi mo. "Hi ako nga pala si Philip at ikaw si?" "Mitch" sabi ko habang nangiginig ang boses ko.

"Diba sabi ko, may mahal na ako? Diba UmoOo ka nung sinabi kong tulungan mo ako? Bakit kung sabihin kong Ikaw yung tinutukoy ko? Ikaw yung mahal ko?! Tutulungan mo parin ba ako?" Sabi mo. God! Gulat na gulat ako, hindi na ako makapagsalita.

Sabi mo " Please Mitch! Be my girl"

Be my girl? Be my girl? Mga katagang yan, yan lang ang umiikot sa isipan ko, para akong pinalilibutan ng bulaklak, maraming bulaklak, habang akoy nililipadan ng mga makukulay na paro-paro.

"Oo Philip, Oo payag ako!" Sagot ko. Inakap mo ako at Hinalikan sabay sabing, HINDI LAHAT NG LOVESTORY NAGSISIMULA SA SALITANG HI.

-Wakas-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stangers turned LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon