CHAPTER 2 (meet the new roommate)

6.2K 93 43
                                    

pag uwi ko, wala pa yung boardmate ko. naisipan kong mag shower muna. sabi nila masama daw yun, baka mapasma. pero ako, I don't care! hindi ko kayang patagalin sa katawan ko yung mga alikabok na nasagap ko maghapon. feeling ko, ang lagkit ko..

paglabas ko ng banyo, may nakatalikod, nakatayo sa may bintana. sya na yata ang bago kong kasama. tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. maiksi ang buhok nya.. payat.. at pormang.....lalake????

bigla syang lumingon sa akin, at narealize ko bigla na katatapos ko lang maligo at nakatapis lang ako....

"aaaahhhhh! tumalikod ka muna pls.." sabi ko. tumatawang tumalikod naman sya kaya dali dali akong nagbihis.

"pwede na ba akong humarap?" tanong nya.

"sige" sabi ko.

"may tanong ako... tibo ka ba?" prangka kong tanong sa kanya.

"babae ako" nakangiting sagot nya.

"no! hindi ako naniniwala. tibo ka!" sigaw ko sa kanya.

"babae nga ako" sabi nya ulit.

"pwes anung proweba mo na hindi ka tibo eh sa porma mo palang para kang lalake.."

at nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya, tinaas ba naman nya yung t-shirt nya? wala pa naman syang bra!!!! nakangiti pa! aba at pnagtatawanan pa yata ako nito ah..

"ayokong makasama ka dito! teka sasabihin ko sa landlady para mailipat ka" sabi ko .pinuntahan ko yung landlady.

"oh kate, ikaw pala anung sadya mo dito? teka, nakilala mo na ba yung bago mong room mate?" nakangiting sabi nya.

"yun nga po ang concern ko, baka pwede pong ilipat nyo sya ng kwarto? ayoko po kasi na tibo ang kasama ko." sabi ko.

"bakit, anung problema dun? babae din naman sya ah. ayokong mahkaroon ng discrimination dito." parang na-ofend pang sabi nya. sh*t! nakalimutan kong tibo din pala tong land lady namin.

nanalulumo akong bumalik sa kwarto namin. nakakainis! bakit kasi tibo pa? ?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ROOM MATE KO?  TIBO!!! ( a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon