"WELCOME SAYO, MY NEW ROOM MATE!!" sinulat ko ang mga katagang yan sa salamin ng aking banyo, gamit yung luma kong lipstick. sabi kasi nung landlady namin eh may bago akong room mate at hindi ko sya agad makikita kasi papasok ako sa school.
salamat naman at magkakaroon na ko ulit ng bago kong kasama, hindi na ko mag-iisa.yung dati ko kasing kasama eh grumadweyt na kaya kinailangan na nyang umalis.. sayang super bait pa naman nya.. sana kasing bait nya yung bago kong kasama.
sinara ko na ang pinto at iniwan yung susi sa tagabantay, binilin ko naibigay sa new room mate ko pag dumating.
pag pasok na pag pasok ko ng classroom ay agad akong sinalubong ng yakap ng best friend kong si jen. nagulat ako at naramdaman ang paghikbi nya...
"anong nangyari sayo?" pinat ko yung likod nya.
"niloko nya ko.." umiiyak na sabi nya.
"nahuli ko sya na nakikipaghalikan sa ibang babae, di na sya nahiya, dinala pa nya sa bahay namin" lalo pang lumakas yung iyak nya..
hindi ko alam kung pano ko sya icocomfort dahil hindi normal yung relationship nila, yes tibo kasi yung partner nya and hindi ako pumapatol sa tibo. well, hindi naman ako against pero ayoko lang talaga.and siguradong ayaw din ng parents ko. kaya nakinig nalang ako kay jen, hinayaan kong ilabas nya lahat yung mga sama nya ng loob. maya maya kumalas na sya sa pagkakayakap saken.
"sorry ah, hindi ko alam kung ano ipapayo ko sayo,siguro dapat maghanap ka na lang ng lalaki. hiwalayan mo na sya" yun na lang ang nasabi ko.
"ok lang yun kate, salamat nandyan ka para masabihan ko ng problema."
nagyakap kami ulit. parang hindi nya narinig yung sinabi ko about sa lalaki.. sabagay knowing her, ayaw nya sa mga lalaki. siguro na trauma sya nung iniwan sila ng daddy nila para sumama sa ibang babae.
pinagmasdan ko si jen, sobrang lungkot nya. ganun ba talaga nya kamahal yung tibo na yun? at posible ba talagang mag mahal sa isang tibo? hays.. napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
ROOM MATE KO? TIBO!!! ( a lesbian story)
Romansa-panung ang isang straight college student ay nainlove sa isang tibo? -ang story na to ay inspired sa movie na YES or NO.. sana magustuhan nyo...