016 • Renjun

4 0 0
                                    

"kaya mo na ba renjun hyung?" tanong sakin ni jisung,




"oo sung kaya ko na" nginitian ko siya para patunay na kaya ko ng tumayo,




dahan dahan kong iniangat ang sarili ko mula sa pagkakahiga ko, itinaas naman ni Mark hyung yung higaan para makasandal ako,




"kamusta pala yung babaeng niligtas ko?"  pagtatanong ko,






nagtitinginan lang sila, walang sumagot sa tanong ko maraming salamat guys,





"nagugutom ka ba renjun?"  umiling nalang ako bilang sagot,






biglang pumasok sila Taeyong hyung, Jaehyun hyung tsaka Yuta hyung sa kwarto ko,





"ren, kamusta?" nag aalalang tanong ni Ty hyung sakin,






"okay naman hyung, medyo nakakagalaw na ko" nang dahil sa sinabi kong yun, nakita ko namang nangiti si Yuta hyung,






"ah, hyung... balita ko nandito din yung kapatid mo sa ospital ah??" natahimik ang kaninang maingay na ma-deurim at unti unting nawala ang ngiti sa mukha ng mga hyungs ko,





nagtinginan ulit silang lahat, ano? magtititigan nalang tayo kapag may tanong ako ha? aba?




mga ilang segundo lang bumalik ulit yung ngiti sa mukha ni yuta hyung,






"ah... oo andito din siya" agad na sagot niya,






"pwede ba ko bumisita?" duh, syempre kapatid ni hyung yun so dapat damayan ko siya dba?






"ah... ren, sa ngayon wag muna siguro" malungkot na sabi niya,







"bakit naman hyung?" nagtatakang tanong ko? nung isang araw din sabi ko kela Jeno puntahan namin yung kapatid ni Yuta hyung pero sabi nila wag na daw muna, magpahinga na muna daw ako








"tuano kasi tutultulog na kasi si Yu— Yuri ren eh..." ano meron kay hyung? bat nauutal to? di naman malamig sa kwarto ko ah?






"ah ganun ba hyung? ano ba nangyari sakanya hyung?"







actually, never ko pa nameet yung kapatid ni hyung, pag pupunta kasi kami sa bahay nila palaging wala kung hindi naman wala ayaw bumababa sa kwarto niya.







one time nga naiwan ko notebook ko sa bahay nila eh, tinawagan ko yung telephone number nila hyung tas babae sumagot,





*renjun
*yuri

"hel—"

"hyung! yung notebook ko sa english naiwan ko dyan! dalin mo bukas ah?"



"lah? english notebook pala to? akala ko mandarin subj notebook na to"





"hala? sino ka? asan si Yuta hyung ko?"






"Yuta hyung mo? walang sayo, kuya ko to! go get ur own notebook here wag mo utusan kuya KO!"




after nun, binaba na niya. yun na yung una at huli naming pag uusap, tas sabi pa nga ni hyung nanood daw kapatid niya nung nagperform kami ng 'black on black' nung foundation week sa school namin, eh sa pagkakaalam ko taga Kirin yung kapatid niya eh taga Kyuwan kami.







umalis pa nga si hyung after nung performance namin kasi sabi niya sasamahan niya kapatid niya.







"renjun, namumutla ka na naman magpahinga kana" biglang sabi ni ty hyung,






"uy, kailan ka ba gagalaw renjoin hyung?"



"uy, kailan ka ba gagalaw renjoin hyung?"

"uy, kailan ka ba gagalaw renjoin?"







bat parang familiar yung line na yun? parang narinig ko na siya?





"huy hyung!" napabalik ako sa realidad nang tapikin ako ni jisung,






"sung, hayaan na muna natin makapagpahinga si renjun" nag nod si jisung at bumalik sa upuan niya,






"ah, mga hyung... may iba bang bumisita sakin dito?" pagtatakang tanong ko,







nagulat naman sila Ty hyung at Yuta hyung sa tinanong ko,






"bukod kay ningning hyung, meron pa ba?" para kasing meron pang iba eh, narinig ko na talaga yung line na yun bago pa sa utak ko eh...






nilapitan ako ni Jaehyun hyung tas biglang umupo sa bedside ko, tinignan niya muna sila Ty hyung at Yuta hyung tas bigla namang tumango si Yuta hyung,







gulong gulo na ko dito ha?









"ah ano ren, merong bumisita sayo dito nung nakaraang araw lang" sabi na eh,







"ah hyung, sino?" baka mga classmates ko lang pero iba talaga yung dating sakin nung narinig ko yung sinabi ni sung eh,







"si yuri"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

still • ness | h.rjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon