"yuri! yuri gumising ka!"
bunganga at takot ni Yuta ang pumapaibabaw sa buong ospital,
"sir, hanggang dito nalang po kayo" at tuluyan ng ipinasok na si Yuri sa loob ng Operating Room,
"hyung kumalma ka... magiging okay din si yuri, mag antay na muna tayo sa ngayon"
hindi pinansin ni yuta ang sinabi ni jungwoo, takot at kaba ang pumapalibot sa buong sistema niya dahil kapatid nalang niya ang tanging kasama niya sa buhay niya bukod sa neo tech,
tumatakbong pumasok sa loob ng ospital sila taeyong, jaehyun, johnny, kun, at ten.
"anong nangyari kay yuri?" natatarantang tanong ni ten,
"inatake si yuri hyung, buti hinatid siya ni Jeno pauwi tas pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay nila bigla nalang daw bumagsak si yuri" sagot ni jungwoo, habang nagkkwento may namumuong luha sa mga mata nito kaya dali dali siyang nilapitan ni kun para pakalmahin,
hindi matigil sa paglalakad ng pabalik balik si yuta dahil sa sobrang kaba,
"yuta, maupo ka muna kaya" pagtawag ni taeyong sakanya ngunit tinignan niya lamang ito,
umalis bigla si Jaehyun sa lugar nila at lumabas,
"san pupunta yun hyung?" pagtatanong ni Johnny,
tumatakbong pumasok pabalik sakanila si Jaehyun,
"ano meron?" nagtatakang tanong ni taeyong,
"si renjun..." hinihingal na sabi nito,
"ano meron kay renjun?" biglang tanong ni Yuta,
ngunit pilit na binabawi ni Jaehyun ang kaniyang hininga,
"ano nangyari kay renjun, woojae" nanginginig na sabi ni Johnny,
"hyung.. gising na si renjun..."
BINABASA MO ANG
still • ness | h.rj
Cerita Pendek"uy, kailan ka ba gagalaw?" nct ma-deurim series # 1