Twin 2

3 2 0
                                        

Twin 2

Jia's Point of View

First day of class at asa harap ako ng salamin namin na halos mukha lang ang nakikita- ni hindi mo nga makita kung maayos ang suot kong damit ngayon.

Narinig ko ang mga yapak ni papa at pumasok siya sa kwarto ko. "Anak, handa na ang almusal tara na kain na tayo." Sabi ni papa at sumagot naman ako ng opo para malaman niya na susunod na ako.

Sinuklay ko pa ulit ng ilang beses ang aking buhok, at pinikit ko ang mga mata ko at ngumiti ng kay saya.

Hindi ko talaga akalain na makakapag-aral na ako sa Yunīku Haigaku, this is the best day of my life!!

Tumingin ako sa damit ko at pinagpag ang mga maliliit na alikabok na andito. Lumabas na ako pagka-tapos at kumain ng panandaliang almusal— Hinatid pa ako ng papa ko papuntang school gamit ng maliit naming tricycle.

Bumaba na ako at tiningnan muli ang kabuuang pagka-palasyo ng eskwelahang papasukan ko simula ngayong araw.

*

Third Person's Point of View

"Harry and Harris are here!!" Sigaw ng isang dalaga habang patakbo papasok sakanilang silid-aralan.

Para bang isang striktong guro ang kanyang iminungkahi sakanyang mga kamag-aral at bigla nalamang nagka-gulo sa loob at bumabalik sa kanya kanya nilang mga upuan.

At pagka-upo na pagka-upo nilang lahat sakanilang mga upuan, bigla nalamang pumasok ang dalawang tao na ikinababaliwan ng kababaihan at kinaiingitan ng mga kalalakihan.

At yun ang identical twins na sina Harry at Harris Byun.

Bilang lang ang nakaka-kita sa dalawa na magka-hiwalay sila, ni hanggang sampung segundo lamang ata ang kanilang oras na pagkaka-hiwalay.  Simula na sila pa'y bata ay hindi mo silang maaaring pag-hiwalayin.

Sila rin ang sikat na anti-social noong bata sila, sila rin lamang dalawa ang magkasama palagi at wala silang pakielam sakanilang paligid. Ngunit ngayong senior na sila, kilala at sikat sila bilang king of bullies dito sa pribadong school na ito.

Nag-katinginan ang dalawa at nilapitan nila ang kaninang sumigaw na dalaga. "Rose." Sabi ng dalawa na nasa harapan ngayon ng dalagita.

"H-hi H-harris and H-harry.." kabado nitong sagot.

Ngumiti ang dalawa ng kay lawak at sabay nilang binunot ang kanilang mga kupya at sinuot ito, nilapit nila ang kanilang mga mukha sa dalaga. "Let's play?" Both of them uttered in unison with a smirk plastered on their lips.

Lahat ay nanunuod at hinihintay ang galaw ng kambal.

Nag-akbayan sila at tumayo. "Guess who's Harris!" Masaya nilang tanong sa dalaga na si Rose kung kanilang tawagin.

Kinakabahang tinuro ng dalaga ang kanyang hula, baka ma-bully siya ng kambal dahil lamang sa mali niyang hula. "Y-you are Harris." Sagot nito.

"Eeek! Wrong!" Sabi nilang dalawa at ngumiti ng kay saya, kinuha ni Harry ang bag ni Rose at si Harris naman ay binuksan ang bintana ng kanilang silid aralan— sabay na pagtapon ng bag ni Rose doon sa kanilang school fountain.

Harry looked at the girl, shrugging. "Better luck next time Rose."

Tahimik ang lahat, kung tutuusin ay hindi pa malala ang ginawa ng kambal kay Rose. May mas malala pang pwedeng gawin ang mga ito.

Pero kahit na sila ang King of Bully, hindi parin maaalis sa mga babae na gusto nila ang kambal. Kahit na sila rin ang tinatawag na Devil Type ay sasaya sila kung isa man sakanila ay makakatuluyan nila.

Sa kabilang dako naman kung saan nag-tatanong tanong si Jia kung saan ang room 204 ay napadpad siya sa pangalawang library na andito sa school.

Baka naman tahimik na dito....

Pag-bukas niya nito ay nakita ang mga estudyante na may kanya-kanyang mga server at katulad ng napuntahan niya kanina ay hindi tahimik ang library.

Nag-buntong hininga siya at sinarang muli ang pintuan nito. Tinitingnan ang mapa ng school habang nag-lalakad sa hallway.

Ng marinig niya ang isang babae na sumigaw at tumatakbo papalabas ng school, kinunot niya ang kanyang noo at sumilip doon sa glass window ng university.

"Ba't naman natapon yun doon?" Tanong niya sakanyang sarili ng makita niya ang dalaga na kinukuha ang kanyang bag sa fountain. "May bullies siguro..." bulong niya sakanyang sarili.

Maglalakad na sana siyang muli upang hanapin ang kanyang room dahil alam niyang late na late na siya, pero sakanyang gulat ay may dalawang lalaki na nakaharang sakanyang harapan.

Maglalakad na sana siyang muli upang hanapin ang kanyang room dahil alam niyang late na late na siya, pero sakanyang gulat ay may dalawang lalaki na nakaharang sakanyang harapan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cassy: Sorry for the late update! I hope you'll like it eventhough I haven't got the quota I want. ㅠㅠ

Harry and HarrisWhere stories live. Discover now