May Oras, Ngunit Wala

3 0 0
                                    

Sorry. Mukhang mangyayari na naman ang nangyari na.

Sa tingin ko, hindi ko na naman mapa-follow through 'yung napagkasunduan natin.  

'Yang kasunduan? 'Yan 'yung dahilan kung bakit nagsimula tayo. 

Baka d'yan din tayo magtapos. 

Char, so deep Tagalizing. 

Ang dami na kasing nangyari simula n'ong sinabak natin parehas 'to. And trust me when I say I love what we have right now. Ang dami kong natututunan sa paligid ko, sa'yo, at sa sarili ko. 

Alam mo ba na ipinagdasal ko 'to? Na maging malaya, na ipaubaya ang mga ambisyon ko at ang kinabukasan ko sa Panginoon, sa tadhana, sa magiging ikot ng mundo. Kampante ako na kapag sininulan kong sumabay sa agos ng lahat ng iyan, hindi mawawala ang identidad na binuo ko, ang personalidad na gusto kong naaalala ng mga tao kapag ako ang tinutukoy, ang mga katangian kong kailangang maiwan at kailangang magbago para mabuo at mahulma ang pagkatao ko. 

At mukhang hindi na maaalis sa'kin ang ugaling kapag may kailangan akong baguhin sa sarili ko'y ayaw ko, dahil ganyan ka-proud ang ego ko. Pero kung kailangan naman talagang baguhin, syempre, kailangang mag-adapt, or else madi-disappoint sa'kin si Charles Darwin. Hahaha... ha?

Teka, ano'ng kinalaman mo sa kalayaan na gusto ko? Heto na naman ba ako na pinagdudugtong ang mga bagay na hindi naman makita ng ibang tao ang koneksyon?

(Hoy, ha. Napakalaking bagay na aminin ko 'yan sa sarili ko. Paniguradong magiging proud mga kaibigan ko kasi nakikilala ko sarili ko, bwisit sila kapag ginagawa ko 'yan eh.)

Ikaw kasi ang patunay na nasagot ang mga dasal ko. Na binigay ka sa'kin ng kung sinumang pasimuno ng kadramahan sa buong universe, upang maisabuhay ko ang pagpapaubaya sa kanila ng buhay ko. Na ikaw ang tantiyahan ng walang hanggang pagbuo at paghulma ng lahat ng ako at ng pagkatao ko. Ikaw ang may hawak sa limitasyon at potensyal ko. 

Nakakagulat 'no? Ganyan pala ang tingin ko sa'yo, samantalang ang napagkasunduan lang naman natin ay magtutulungan tayo. 

You, don't you know that your very existence is the greatest help you can give me? Lahat ng mga realisasyon na 'yan, hindi ko kayang isipin kung wala ka. At malaking tulong na ma-realize ko 'yan dahil paraan sila para mahulma ang pagkatao ko. Paraan 'yan para maramdaman kong tao ako, na buhay ako. 

Na hindi lang ako nandito para mabuhay ng parang patay. 

Alam mo, may isa din akong katangian na mukhang hindi matatanggal sa'kin hangga't hindi masosolusyonan: kapag may mali akong nagawa sa iba o sa sarili ko, sobra-sobra kong sisisihin sarili ko na darating sa punto na gusto ko na lang sukuan ang lahat. Mga ambisyon, pangarap, desisyon, mga pinaghirapan kong buuin, mga panlilinlang na sinabi ko para maging interesado pa rin akong mabuhay. Lahat. Nakaka-rekober naman, siguro mga ilang linggo, pero may nabuo na naman sa pagkatao ko na pwede nitong ikasira, isang weak spot. 

Ganyan naman tayong mga tao, 'di ba? Mas madami tayong weak spots, mga insecurities na kayang butasin, kilatisin, kaysa mga parte natin na matibay, na hindi masisira kahit na makailang subok, na kaya nating panindigan, na masasabi nating defining trait natin. Madami tayo niyan, lalo na't hindi pa tayo nadadaanan ng oras, na hindi pa tayo tumatanda. 

But weakness begets weakness. Hindi ko mapigilan sarili ko na hayaang umikot sa isipan ko ang palaki ng palaking kapraningan ko, lalo na't alam kong wala pa'kong alam na paraan kung paano papahinain itong Super Typhoon na patuloy lang na iikot sa mundo ko hangga't umiikot ang oras. 

Natatakot ako na maging casualty ka nito. Natatakot ako na kapag naranasan mo ang hagupit nito at lumipas na, ayaw mo ng tangkain na makipagsapalaran muli dito. Natatakot ako na baka mawala ka. Natatakot ako na baka hayaan kong mawala na lang sarili ko para lang hindi mo na maranasan ang hagupit nito. 

Nangyari na ito. Siya ang unang nawala, at pagkatapos noo'y ako. Hindi ko siya natulungan, hindi na niya ako tinulungan, at hindi na matutupad ang naunang kasunduan. Sa kanya, nasabihan ko pa kung ano'ng klaseng bagyo ang dadaan sa buhay niya. Nakaka-guilty na I didn't do the same for you, pero nakaka-curious din sa kung anong magiging epekto nito. Syempre, mananaig ang pagsisisi, kasi ganyan ako kapraning. 

Isang solusyon ang magbulag-bulagan na lang sa mga nangyayari, ngunit madalang lang na maging positibo ang pangmatagalan na epekto nito, kung hindi man na wala talaga itong magandang naidulot. Hindi na nga natin mapigilan ang climate change eh, at walang tigil pa din tayong kontribyutor sa sanhi nito. Kahit nga na mayron nang mga nagbabalita, isinisigaw ang pagdating ng delubyong ito, mas pinili natin kung saan tayo magiging komportable kaysa mag-isip ng paraan, disiplinahin natin ang ating mga sarili para hindi na tayo mangdamay ng iba. 

Kahit nga na may oras tayong magsama, hindi ko mahanapan ng tiyempong sabihin na mas kailangan ko ng tulong sa iba pang bagay, bagay na importante sa'kin, at hinahayaan ko na lang na ibigay mo ang tulong na kaya mong ibigay, dahil iniisip ko na baka may mas kailangan kang tulungan kaysa priorities ko. 

Isa din 'tong solusyon, ang maghanap ng mapaglalabasan ng lahat ng ito, pero alam natin na hindi ito permanente. 

Natatakot ako. Kailangan ko ng bumabagyong utak. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kathang IsipWhere stories live. Discover now